Kabanata 18

2.2K 50 1
                                    

Bitin pa rin ata yung last chapter.. Bawi ulit ako dito. :D

Kabanata 18

[Vin]

"Yanna, yun bang mga files na pinakukuha ko sa Accounting department nakuha mo na?" sabi ko habang binabasa yung message ng bago naming client sa email ko.

"Yes Sir" sagot nya.. Ibinaba nya yung mga files sa table ko..

"May ipaguutos ka pa ba Sir?" tanong nya, iwinagayway ko ang kamay ko at sinenyasan syang lumabas na ng opisina ko..

Pero naramdaman kong nasa harapan ko pa rin sya.. Inexit ko yung email ko at tiningnan si Yanna.. Perfect na sana tong babaeng to eh kaso mukhang di marunong umintindi -__-

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko..

"Wala na ba talaga kayong iuutos Sir?" tanong nya.. Tsk kulit, di talaga marunong umintindi..

"Tss.. Sige Kape.. Itimpla mo ko ng kape.. Wag mong pakakatamisan ha!" sabi ko, umalis na sya pagkatapos nun..

Tumunog yung intercom ko, pinindot ko yun..

"Sir, nandito po si Sir Morales at Sir Gerez, hinahanap po kayo" sabi nung nasa intercom..

"Sige lang, papasukin mo sila" sabi ko at inoff na ulit ung intercom..

Makalipas ang ilang minuto, bumukas na ung pinto ko. Ni hindi man lang kumatok.. Ibig sabihin sila na to..

"Pare!" sigaw ni Cyrus. Tsk ingay talaga nito..

"Pare! Musta?" sabi naman ni Renz.. Ginawa namin ang shakehand ng gang namin. Tanda nyo pa ba yun? Hays wag nyo na alalahanin.

"Ganda ng opisina mo ah" komento ni Renz habang lumilinga-linga sa buong opisina..

"Hahaha.. Si Zoe ang nagdesign ng opisina ko.. Kaya maganda" sabi ko naman..

Napatawa na lang sila..

"Sus under ka pala ni Zoe eh.. Hahaha" sabi ni Cyrus.. Nabato ko naman sya ng ballpen na hawak hawak ko.

"Naks, nagsalita ang hindi under" sabi ni Renz..

"Bakit? Under ka rin naman ah! Hahaha" sabi ni Cyrus..

"Okay. tama na yan!" awat ko na..

"Pare tara magliwaliw" agad na sabi ni Cy..

"What a word Earl! hahaha" komento naman ni Renz..

"Hindi pwede.. marami akong kailangang gawin.. kayo na lang.. sa susunod na lang ako sasama sa inyo" sabi ko naman at ipinagpatuloy na ang pagbabasa ko.

"Wow. Napaka-workaholic mo! Alam mo yun? Yung mga asawa natin nagsasaya na.. samantalang ikaw andito pa rin? Give a break men" sabi ni Cyrus.. ahh magkakasama na pala sina Zoe..

"Okay okay.. 8pm at the clubhouse.." sabi ko..

"Yuunn!!!" sigaw nilang dalawa at tsaka nag-apir.. tsk tsk..

"Sige na lumayas na kayo. Marami pa kong gagawin" sabi ko naman.. Tumayo na sila at umalis..

"Sir.." tiningnan ko si Yanna habang may dala-dalang tasa ng kape..

"Pakipatong na lang sa table" sabi ko naman..

"Ah Sir.. may nagpaset po pala ng appointment sa inyo.." sabi nya

"Sino? bagong kliyente ba?" tanong ko naman..

"Ahm. Sa tingin ko po opo.." sagot nito..

"Okay sige pakiresched na lang.. not tonight. May gagawin ako mamayang gabi" sabi ko naman.. Tumango ito at umalis na sa opisina ko.

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon