3 updates to go.. kabanata 44,45 and epilogue :) hope you'll support this until the end :)
-yumikoheike---
[Third Person]
Walang nakakasiguro kung nasaan ang anak ng mga De Witt. Lahat sila ay nag-aalala para sa sasapitin ng bata. Baka kung mapano si Crystal. Hindi nila mapapatawad ang sarili kapag may nangyareng masama sa bata.
Wal paring malay si Zoe, nakahiga ito sa kwarto nya katabi ang asawa na tulala at tila may iniisip.
Unti-unting bumukas ang pinto, napatingin dito si Vin.. Pumasok sa loob si Renz
"Tol, magiging maayos din ang lahat"
"Mahahanap din natin si Crystal"
"Nasaan si Cy?" Tanong ni Vin dito.
"Nasa baba kasama sina Aaron" sagot naman nito.
Tumayo ito, at napahawak sa baba nya.
"Sa likod ng damit ni Crystal, naglagay ako ng isang maliit na device. Pwede nating matrack yun. Nasakin yung code. May computer naman dito. Dala ba ni Cyrus ang gamit nya?" Tanong ni Vin
Tumango si Renz at agad na bumaba, nilapitan nya si Cyrus at agad sinabi ang plano ni Vin.
"Salamat naman at naisipan nya yung gawin" sabi ni Nadine
"Actually yung kambal namin ni Gil, at kambal ni Gertrude ay meron din. Bagong device yun na galing Japan. Kalalabas lang. Hindi pa ba kayo nabibigyan?" Tanong ni Aaron, umiling ang mga ito.
"Saka na lang kami kukuha ng device na yun.." Sabi ni Nadine
Kinuha ni Vin ang laptop nya at ibinigay kay Cyrus, agad nitong isinaksak ang flashdrive nito na naglalaman nang iba't ibang software at applications na ginagamit nya sa pagtrack ng mga target nila.
Binigay ni Vin ang code ng device na naka-attach sa damit ni Crystal.
Napatingin na lang sila sa pintuan ng kwarto ni Zoe nang bigla itong bumukas at gumawa ng malakas na tunog. Madilim ang aura ni Zoe, napadako ang tingin nila sa magkabilang kamay ni Zoe, pareho itong may hawak na baril. Mahigpit ang pagkakahawak nya dito.
"Zoe, what the hell are you thinking??" Tanong ni Aaron
"I'm going to my Crystal. I'm going to save her.." Malamig nitong sabe. Agad syang nilapitan nina Cyrus at Nadine. Kinausap sya ng mga ito pero tila walang naririnig ang dalaga.
Nilagpasan lang ni Zoe ang mag-asawa, hinabol sya agad ni Aaron at hinawakan sa braso.
"Ano bang problema mo ha??" Matigas na tanong ni Aaron
"Problema ko? Yung anak ko!!! Palibhasa kasi hindi ikaw ung nawalan.. Hindi ikaw ung nadukutan ng anak kaya di mo alam yung nararamdaman ko!" Sigaw ni Zoe
"Alam ko yung pakiramdam Zoe. And we're trying to track your daughter now. So please please please.. Can you calm down??" Mahinang sabi ni Aaron. Medyo nahimasmasan si Zoe, nakuha na ni Aaron ang baril na hawak nito at ibinato pabalik kina Renz.
Bumalik na sa pag-track sina Cyrus at Vin
"Nakita ko na sila" napadako ang tingin ng lahat sa laptop na hawak hawak ni Cyrus.
"Okay guys, get your guns"
---
Kararating lang ng dalawang miyembro ng Geridon Gang sa hide-out nila. Kung akala natin ay anim lang ang miyembro nila, nagkakamali tayo dun. Dahil ang Geridon Gang ay isang malaking sindikato na binubuo ng mga gangsters at mga killers. Nasa limampu hanggag pitongpu ang miyembro nila.
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)