---Ilang araw na ang nakalipas matapos ang pagsagip ng Nigromancia Gang sa anak nina Zoe at Vin na si Crystal.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Sigurado ka bang kaya mo na?" Tanong ni Cyrus sa asawa. Nginitian ito ni Nadine at marahang tumango. Pagkatapos ng laban nila ay agad nilang isinugod sa hospital si Nadine, naging kritikal ang buhay nito dahil maraming bala ang tumama sa likod nito pero dahil magaling ang doktor na nagopera sa kanya ay nailigtas ang buhay nito..
"Oo sweety. Gusgo ko nang umuwi. Namimiss ko na su Jiro.." Sagot naman ni Nadine.
"Sige magbabayad muna ako ng bill" sabi ni Cy, lumapit ito sa asawa at hinalikan ang kanyang noo bago lumabas ng kwarto nito.
Nakatingin lang si Nadine sa bintana..
Flashback
"Sino po ang asawa ni Mrs. Mondragon?" tanong nung doktor pagkalabas nito sa operating room
Tumayo agad si Cyrus at nilapitan ang doktor, bakat pa sa kanyang mukha ang luhang umagos dito.
"A-ako po.. Kamusta na ang asawa ko? N-nasaan na sya?" Agad nitong tanong.
Hinawakan ng doktor ang balikat ni Cyrus at bahagyang ngumiti.
"Maayos na ang asawa mo" sabi ng doktor.
"Maaari mo na syang puntahan sa kwarto nya, itanong mo na lang sa nurse kung anong room number nya. Mauna na ako" pahabol pa nito.
Nang makarating sa kwarto sina Cyrus ay agad namang kinamusta nina Renz at nang kapatid nitong si Shawn, si Nadine.
"Ateeee~" sambit ni Shawn at agad na niyakap ang kapatid. May malay na ito.
"Dahan dahan lang Shawn" sabi ni Nadine
"Kamusta tol? Ayos pa?" pabirong sabi ni Renz at nag-apir silang dalawa ni Nadine.
Napadako naman ang tingin ni Nadine sa asawa nya, alam nyang nasasaktan pa rin ito dahil sa nalaman nya nung laban..
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)