And we're done to the last chapter. Yehey :)
-yumikoheike---
"Crystal.. Wag kang tumakbo.. Baka madapa ka" sigaw ni Vin sa anak nya, kasama nito ang anak sa park.
"Daddy, I want to catch those butterflies.. I want them in our house. They're so cute and adorable.. Please catch it for me daddy" malambing na sabi ni Crystal sa ama.
Tumakbo ang cute na cute na si Crystal na nakasuot ng kulay pink na dress at nakaheadband pa ng bunny..
"Careful princess.." Sabi ni Vin
"Are we going to Kuya Jiro's house? Or Xavier? Or Kuya Tyrone and Ate Tiffany? Or Kuya Aerol and Kuya Gilbert? Are we? Are we? You know that.. I want to play with them. The BANG BANG BANG.. and dead game. Hihihi" masiglang sabi ng bata..
Napabuntong hininga na lang si Vin. Lagi kasi nitong dinadala ang anak sa bahay ng mga pinsan nito at mga kaibigan.. At nawiwili itong laruin ang baril-barilan ng mga kalaro nitong lalaki.. Dalawa lang silang babae sa magkakabarkada. Siya at si Tiffany, si Tiffany na ngayon ay nag-aaral kaya di masyadong nakikipaglaro dito.
"Princess.. What have I told you? Di ba sabe ko ang laruin mo ay dolls not the guns of your playmates" kunot noong sabi ni Vin
"Eeehhh daddy.. I want to be like mommy someday"
Nag-iba agad ang ekspresyon ng mukha ni Vin.. Biglang lumungkot ito at siya'y napabuntong hininga..
"Let's go princess.." Sabi ni Vin ngunit pinigilan sya ng kanyang anak..
"Daddy, where's mommy?"
Biglang natigilan ang binata sa sinabi ng kanyang anak. Hindi nito alam kung ano ang kanyang isasagot. Tiningnan nya ang bata. Maamo ang mukha nito, mahaba ang pilik.. Mapusyaw ang pagkaputi na kapag nainitan ay nagiging pinkish ang kulay nito, ang light brown nitong mata na lalong nagpaganda sa kanya.. Ang masayang ngiti nito na laging nagpapaalala sa kanya ng kanyang asawa..
Muling napabuntong hininga ang binata, lumuhod ito at niyakap si Crystal..
"Mommy's in a far far away place now.." Sagot nito sa anak.
"I miss mama so much..." Malungkot na sabi ng bata
[Vin's POV]
Naaawa ako sa anak ko, hindi nya pa ulit nakikita yung nanay nya. Nasaan ka na ba Zoe? Namimiss ka na namin Mahal ko.
Sana maayos ka lang kung saan ka man naroon..
Sana kumakaen ka lagi..
Sana hindi ka nagpapagod..
Sana feeling prinsesa ka rin jan..
Alam ko namang hindi ka pababayaan ng nasa itaas..
Hinawakan ko ang kamay ni Crystal. Tumingin ako sa langit at bigla ko na lang naramdaman ang paglandas ng luha sa aking pisngi.
Namimiss ka na namin sobra..
"Princess let's go.. May pupuntahan pa tayo" sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya at sumakay na kami sa kotse.
Nagdrive ako papunta sa sementeryo..
[Third Person's POV]
Dumaan muna sila sa flower shop para bumili ng bulaklak para sa puntod na dadalawin nila..
Pagkadating nila sa sementeryo, agad na bumaba si Crystal, sumunod naman ang ama nito. Tuwang tuwang tumatakbo si Crystal papunta sa puntod ng mahalagang taong dadalawin nila.
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomansaAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)