Kabanata 39

1.4K 33 1
                                    

---

[Mike]

"Yes Pa, opo, nakita ko na sya.. Yes po, konting panahon na lang ang iniintay ko Pa, mapapasakin din sya, magpapakasal din kami, at magkakaroon din kayo ng apo na gusto nyo" sabi ko sa kabilang linya..

Matapos akong kausapin ni Papa ay ibinaba ko na yung telepono...

"Sir, ayos na po ba yung ganitong klase nang bulaklak?" Tanong nung staff sakin, tumango ako at ipinabalot yung bulaklak.

Pupunta ako sa bahay nina Zoe ngayon, mas nasasanay na rin ako na Zoe yung tawag ko sa kanya.. Yun kasi ang madalas kong naririnig sa mga kaibigan niya at sa mga nakakakilala sa kanya.

Kinuha ko na yung bulaklak at binayaran, lumabas na ako ng flower shop at sumakay sa kotse ko..

Dumiretso ako sa bahay nina Zoe, agad naman akong pinapasok ng guard dahil alam naman nila na isa ako sa mga kaibigan ni Zoe..

Kaibigan? Yun kasi yung pakilala nya sakin.. Kaibigan.. Pero pipilitin kong maging higit pa dun. Mahal ko si Zoe, at gagawin ko ang lahat para mapasakin sya..

Kumatok ako sa pintuan..

Pinagbuksan naman ako agad ng isa sa mga maid nila..

Biglang nangunot ang noo ko nang makakita ako ng dalawang batang naglalaro sa sala kasama yung higanteng tigre ni Zoe..

"M-mike?" Napatingin ako sa may hagdan at dun nakita ko ang babaeng lihim kong minamahal..

"Zoe.." Bulong ko..

Agad naman syang lumapit sakin at nakipag-beso.. Binigay ko naman sa kanya yung mga bulaklak na binili ko kani-kanina lang..

"Oh? Bat ka napunta dito?" Tanong nya agad..

"Wala dumadalaw lang, akala ko ba isa lang ang anak mo?" Tanong ko habang nakatingin sa dalawang batang naglalaro, napatingin din sa kanila si Zoe at biglang ngumiti..

"Hindi sila yung anak ko, mga pamangkin ko sila, anak sila ni Ate Gertrude.." Paliwanag naman nya, ahh akala ko nakadalawa na yung Vin na yun eh..

"Nga pala Mike, sorry sa nangyare nung isang araw.." Ramdam ko ang lamlam nang pagsasalita nya, napayuko pa sya..

"Ayy pasok ka muna pala.." Sabi nito, pumasok naman ako sa loob at naupo sa sofa..

Napatingin sakin si Zoe.. "Pinaupo na ba kita?" Takang tanong nya, napabalikwas naman ako ng tayo nung tinanong nya ko nun.. Aba malay ko ba?

"Hahaha biro lang.. Sige maupo ka na.." Naupo din sya sa single sofa sa harap ko "Manang pakikuha nga ng juice at makakain itong si Mike.." Sigaw nya..

"Mukhang hindi ka natinag sa sinabi ni Vin ah.." Pagsisimula nya.. Nakangisi lang sya.. Ang ganda nya pa rin..

Hindi ko alam kung bakit naunahan ako ng katorpehan nung mga bata pa kami, at hindi ko naipagtapat sa kanya na mahal ko talaga sya, ayan naunahan pa tuloy ako..

Tumayo yung dalawang bata at mataman akong tiningnan, seryosong seryoso silang nakatingin sakin at maya-maya'y umismid yung batang lalaki..

"You're not handsome, so I suppose you're not Tita's boyfriend.." Maangas nitong sabi.. Nabigla naman si Zoe sa inasta nung lalaki..

"You're not that cute too, not that interesting.." Sabi naman nung batang babae.. Unti-unting napaawang ang bibig ko..

Pamangkin ba to ni Zoe? Anak ba talaga to ni Gertrude?

"Tyrone? Tiffany? It's not right to treat our visitor in that way. Say sorry to him." Madiing sabi ni Zoe, napatingin sa kanya yung dalawang bata or should I say kambal? Magkamukhang-magkamukha kasi sila..

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon