Kabanta 42: The Battle

1.4K 24 1
                                    

Ayun so. Kabanata 42 na tayo. After this story. Magsisimula na kong magdedicate ng mga Chapters sa book 1 and book 2. Send me your message kung magpapadedicate kayo :)
-yumikoheike

---

"Nakahanda na lahat ng gagamitin namin" -Renz

"Yung samin din nailagay na namin sa mga pocket ng suit namin" -Cyrus

"Sige, kung ayos na ang lahat, magkita-kita na lang tayo dun sa hall" sabi ko naman

Inend ko na yung confe call pagkatapos ko silang kausapin at siguraduhing nakahanda na ang lahat.

Eto na yung laban na matagal naming pinalalampas. Yung laban na matagal tagal din naming pinaghandaan.

Isinuksok ko ang maliit na patalim sa tabihan ng boots ko. Atsaka tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Ganda mo talaga Pink. Napangiti na lang ako nang mapangasar sa naisip ko. Kaya nainlove sayo si Alvin eh. Lalo pa tuloy akong napatawa sa naiisip ko. Ganito na ba epekto sakin ng pagiging ganado sa laban? Hahaha.

*toktok*

Tiningnan ko ang pintuan, bumukas ito at pumasok ang asawa ko with his oh-so-sizzling-hot-suit.

Ang gwapo talaga. Tsk.

"Are you done checking me out hon?" Nangaasar nyang sabi. Tiningnan ko sya ng masama at agad na ibinato sa kanya ang patalim na nasa beywang ko..

Nasalo naman nya ito at di sya nagalusan. Well. That's my Dark Demon. Kahit mabilis yung timing ng pagkakabato ko sa patalim mabilis naman yung pakiramdam nya.

"What the hell Hon?" Tanong nya agad at ibinato yung patalim sa dingding. Tumusok naman yun dun sa may frame.

Sht. Mahal yung isang yun ah.

"Just testing.." Sagot ko naman

"Tsk" at napailing lang sya, kinuha nya yung bag at hinawakan ang kamay ko. Tiningnan nya ako, tinitigan I mean. Inilapit nya yung mukha nya sakin at marahan akong hinalikan.

Agad ko naman itong tinugon, naramdaman ko ding binitawan nya yung bag na hawak nya at inilapat ang kamay sa pisngi ko, hinapit nya pa ako lalo palapit sa kanya. He's kissing me passionately with full of passion and desire with every moves of his lips. Ghad. This lips. I wrapped my arms on his neck and pull him closer to deepen the kiss. I feel his hands roaming on my back.. Pinipisil pisil at hinahaplos haplos nya ang likod ko.. It's getting hot in here.

Marahan akong kumalas sa halik. Baka hindi kami makaabot sa laban namin. Ayokong matalo dahil lang sa gumawa kami ng milagro ng asawa ko -_-

"We should go" sabi ko.

"Tsk. Bitin. Kainis" bulong nya pero rinig ko naman. Napailing na lang ako habang nakangiti.

After this baby, I'll make you happy. I promise. Just this one. Isip isip ko.

Hinawakan nya yung kamay ko at pinulot ulit yung bag namin.

"Let's go?" Tanong nya, tumango ako at sabay kaming lumabas sa kwarto.

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon