Yes. Kabanata 43 na ituuuh~ konting push na lang matatapos na itong book 2. Yehey 👏👏👏 sana suportahan nyo ito hanggang sa huli. Iloveyou po Gangsters :*
-yumikoheike---
[Zoe]
Nakatitig ako sa kanya. Mata sa Mata. Gustong gusto ko nang kalabitin yung gatilyo ng baril na hawak hawak ko pero gusto kong marinig ang sasabihin nya.
Tiningnan nya ako ng seryoso at saka ngumiti nang nakakaloko. Ayokong madistract sa kanya kaya kakalibitin ko na sana yung gatilyo nang bigla syang magsalita..
.
.
.
"Your daughter"Awtomatikong nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. . . parang unti-unting nagdilim yung paningin ko nang marinig ko yun.
BANGG...
BANGG..
BANGG..
[Cyrus]
Nakarinig ako nang tatlong malalakas na tunog ng baril. Shet!! Agad akong napatingin kay Zoe habang hawak hawak ko sa leeg ang hinayupak na to.
Nabitawan ko ang hawak hawak ko at agad akong napatakbo sa direksyon nya. Kasabay kong lumapit si Vin, niyakap nya mula sa likod si Zoe samantalang sinipa ko naman palayo ang hawak hawak nyang baril..
"Fuck you!! Fuck you!! You idiot! Fuck!!! Fuck!! I'll kill you, you sucker!!! How dare you say that to me?!! Fuck you!!"
Rinig kong sinisigaw ni Zoe habang pinipilit nyang kumawala sa yakap ng asawa..
Sinipa ko si Trey, nakita ko namang nag-uube na yung kulay ng mga gunshots sa katawan nya..
"And we're done!! The winner is the Nigromancia Gang" napatingin kaming lahat kay Haruko, tiningnan ko sila isa-isa..
Si Zoe, nagsisisigaw pa rin, hawak hawak na sya nina Aaron at Vin, patuloy pa rin ang pagwawala nya. Si Nadine naman nakatingin lang sakin, si Renz nakatingin kina Zoe.. Ramdam ko ang pag-aalala sa mga mata nina Renz at ng asawa ko..
Nilapitan ko si Nadine, at hinalikan sya sa noo..
"Sweety pie" tawag ko sa kanya.. Tiningnan nya lang ako..
"Nanalo tayo sweety pie" sabi nya, alam kong masaya sya pero deep inside alam kong malungkot sya dahil sa nangyayare kay Zoe..
Ano bang sinabi ng hinayupak na yun kay Zoe? Bigla tuloy akong kinabahan sa ngiting pinakita ng lokong yun bago sya mawalan ng malay..
Kinawayan ko naman si Renz at pinalapit samin. Binulungan ko sya, tumango naman ito at nagtungo sa kotse nina Vin. Pagbalik nya ay dala dala na nya ang antidote at isa-isang tinurukan yung mga kalaban namin. Lahat sila ay natamaan ng mga armas namin. Imposibleng hindi dahil siniguro namin yun.
Pagkatapos ay lumapit na samin si Renz at Aaron..
Napadako ang tingin ko kay Aaron..
"Anong nangyare kay Zoe?" Tanong ni Nadine
.
.
.
(before the battle)[Third Person's POV]
Kakaalis lang nina Zoe at Vin, nanatiling nakaupo sa sala si Lance, ang ama ni Zoe.
Nanunuod ito ng television nang bigla syang may narinig na kaluskos galing sa labas..
Tulugan na ang lahat ng tao sa loob ng mansion. Siguro naman ay pusa lang iyon isip isip ni Lance.
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)