Kabanata 33
[Third Person's POV]
Lumingon sina Shawn at Renz matapos nilang marinig ang boses ng kanilang leader na si Zoe.
"Z-zoe.." sambit ni Renz
Sabay-sabay namang lumabas mula sa likod ni Zoe ang iba pa nitong kasamahan – Vin, Aaron, Gertrude, Nadine at Cyrus
Lahat sila ay nakasuot nang naturang costume nang kanilang grupo, walang suot na maskara. Dala-dala ang mga armas kung saan sila bihasa at nakangiti na parang demonyo.
"K-kayo ang.. TOPG!" bulalas nang isang lalaking taga-bantay
"Correction, we are the Nigromancia Gang!" pagtatama naman ni Gertrude..
"Ikaw.. ikaw yung nakaharap namin dati.. ikaw yung sinasabe nilang City Hunter ng New York!" sabe nung isa
"Maybe yes.." sagot ni Gertrude, at maingat na ikinasa ang baril na hawak nya..
*blaaag* Bumukas ang pinto, at iniluwa nun si Mariane o mas kilala bilang Devil's Angel or DA.
"Sa wakas, dumating din kayo" bungad nito
Nakangiting tumingin si Zoe kay DA. Napakunot ng noo ang babae at nilapitan sila ng bahagya..
Hindi alam nang mga tauhan ni DA, na nakatayo na sina Shawn at Renz at nakalapit na sa mga kasamahan nito.
Napansin yun ni DA kaya naigting ang mga bagang nito.. nanlisik ang mata nya sa kanyang mga tauhan, ikinasa ang baril at isa-isang pinaputukan ang mga ito
"Wala talaga kayong kwenta!!!" sigaw niya sa mga ito.
"Mainitin pala ang ulo mo" pangungutya ni Gertrude kay DA. Napasaltik na lang ang dalaga sa sinabi ni Gertrude.
"At ikaw? madada ka pa rin? alam mo dapat tinatahi mo yang bibig mo! Masyado kang maingay!" sambit ni DA
"Tss"
Kinuha ni DA ang katana nito, may hawak syang katana sa magkabilang kamay. Samantala, inabot naman ni Nadine ang katana ni Zoe..
Lumayo nang konti ang mga kagrupo nito, nauna nang umalis si Nadine at Cyrus para dalhin sa ospital sina Renz at Shawn, samantalang naiwan naman sina Vin, Aaron at Gertrude kasama si Zoe.
Sumandal sila sa kotseng dala-dala nila.. kumuha si Aaron ng sigarilyo at sinindihan ito..
"Vin? gusto mo?" tanong ni Aaron
Kumuha ito ng isang stick at sinindihan gamit ang lighter.
"Lubusin mo na habang nakikipag-away pa si Zoe dun sa dalagitang hitad na yun" sambit naman ni Gertrude
"Bat ba tayo sumama pa dito? Tinapos na ni DA mga tauhan nya. Wala na tayong gagawin!" walang ganang sambit ni Aaron, at tsaka humithit ng sigarilyo
"Hoy mga ungas!" napalingon ang tatlo sa mga lalaking tumawag sa kanila.. kung bibilangin ay nasa dalawampu o lagpas pa ang mga ito.
"May itinira pa naman pala si DA para saten" sambit ni Vin sabay hithit ng sigarilyo at tapak nito sa sahig
Nag-unat unat ang tatlo habang nakatingin lang sa kanila yung mga lalaki..
"Mukhang mahaba-habang labanan to!" sambit ni Gertrude.
"Ano? pustahan tayo ate. tapos natin to ng 10 minutes? 10k!" sambit ni Aaron
"7 minutes! Deal" sabi ni Gertrude at agad na sumugod sa mga kalaban..
[Kei's POV]
"Tawagan mo nga si Mariane!" sigaw ko sa maid ko..
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)