Kabanata 35

1.4K 42 5
                                    



Enjoy reading :*

_____________

[3rd person's POV]

Matapos matanggap nina Mariane at Kei ang ticket, inintay lang nilang maka-recover saglit ang binata, pagkatapos ay dumiretso na agad sa ibang bansa. Napagtanto nang babae, na walang patutunguhan ang patuloy na pagseselos nya sa babaeng naging kasintahan nang kanyang minamahal, samantalang si Kei naman ay masayang kapiling na si Mariane sa Australia.

Dahil mabilis ang paggaling nang mga sugat ni Zoe, ay mabilis din itong nakalabas nang ospital, dahil nga kakalabas nya lang ng ospital, hindi muna sya pinayagan nang asawa, na si Vin, na magtrabaho agad, o sumabak sa maraming paper works nang kumpanya, kaya nanatili si Zoe sa bahay nilang mag-asawa habang hinihintay ang pagdating nang kanyang anak..

Sina Shawn at Renz naman ay natuloy na ang pagbabakasyon sa L.A. Kasama sina Cyrus at Nadine, para daw mabantayan nila ang pagbubuntis ni Shawn at makasama na din ang anak na si Jiro na nasa nasabing lugar.

[Zoe]

"Manang! Nasaan po si Hosu?"

Kanina ko pa kasi syang hinahanap, pero wala eh..

"Naku iha, hindi ko napansin eh, wala ba sa garden?" Sagot at tanong ni manang..

"Wala po eh, sige salamat po, hahanapin ko na lang sya sa labas, baka kasi nabagot yun at lumabas nang bahay.." Sabi ko naman

Nagpalit ako nang damit ko, long sleeves at pants, maaga pa kasi, medyo malamig pa ang hangin..delikado, baka magka-sipon ako. Kinuha ko na rin ang wallet at cellphone ko at nilagay sa magkabilang hulsa nang pantalon ko.

Pagkalabas ko nang bahay, andaming tao, mga couples na dala-dala yung mga anak nila at iginagala sa compound. Bigla akong kinabahan, baka kasi kapag nakita nila si Hosu, ay mag-hysterical sila sa takot. Kaya binilisan ko ang paghahanap..

Hanggang sa makarating ako sa parke, may mga batang naglalaro kasama ang mga ina't ama nila

"Miss ko na si Crystal" sabi ko sa sarili ko, namimiss ko na ang kakulitan nang anak ko, kamusta na kaya sya? Mukhang nawiwili sya sa pagbabakasyon kasama ang lolo nya ah..

Habang naglalakad, may napansin akong lalaki.. Na may katabing tigre..

"Hosu?"

Unti-unti akong lumapit sa kanila upang makumpirma kung si Hosu nga ang tigreng kasama nung lalaki

"Hosu!" Tawag ko, agad naman itong lumingon at lumapit sa akin, hinawakan ko ang bandang ulo nito at yumuko ako para yakapin sya..

Bigla ko namang naalala yung lalaking kasama nya.. Tumayo ako at tumingin dun sa lalaki, nakatingin din sya saakin..

Parang pamilyar ang mukha nya, parang nakilala ko na sya dati.. Mali pala. Kilala ko pala talaga sya.. Ang laki na ng pinagbago nya! Ilang taon na ba kaming di nagkikita?

Naglakad ako papalapit sa kanya..

Ngumiti sya at tumayo, lumapit sya sakin at agad akong niyakap..

"Meg!" Sambit nya, napangiti ako, kaya niyakap ko agad sya pabalik.. Namiss ko ang lalaking to.. Namiss ko sya sobra..

"Mike!" mahina kong sabi.

Kumalas sya sa yakap at tinitigan ako..

Nangunot naman ang noo ko sa ginawa nya..

"You didn't obey me.. The last time we're together, I told you to take care of yourself.. Now, explain me that bandage on your right shoulder" agad nyang sabe, paano nya nalaman yung bandage? Eh nakabalot yung katawan ko ng long sleeves na turtle neck pa?

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon