Kabanata 40

1.5K 23 0
                                    

---

Someone's POV

"Sino ang una sa listahan?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon, tumingin sya sa papel na hawak nya atsaka tumingin ulit sakin

"Gertrude Montez po.. Yung City Hunter.. Na kapatid ng leader ng TOPG/Nigromancia Gang" sabi nito, tumango ako at pinalabas na sya ng hall..

Tiningnan ko ang sampu sa mga unang nakapasa sa hatol

"Alam nyo na ang gagawin nyo.." Tumango ang mga ito.. At umalis

"Daxton, maiwan ka, may pag-uusapan tayo" sabi ko sa kanya

[Zoe]

"Mahal" rinig kong sabi ni Vin, nandito kami sa sala ngayon, nanunuod ng isang romcom na movie

Natatawa lang ako pero di naman sya nakakakilig -_- naubusan na ata ako ng kilig hormones dahil sa nangyareng pagseselos ni Vin nitong mga nakaraang araw

"Oh? Bakit?" Tanong ko habang kumakain ng piattos

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba?" Tanong nya.. Tiningnan ko sya at inismidan, loko talaga tong lalaking to

"Oo meron ako, kaya wag kang magulo" mataray kong sabi, totoo, dinatnan ako ngayong araw na to. Nakakainis nga eh. Eto yung part ng pagkababae na ayaw na ayaw ko. Sobrang nananakit kasi yung puson ko, at nagsusuka ako. Hays. -_-

Ramdam kong nanahimik na lang sya sa kinauupuan nya, nakaakbay sya sakin, nakasandal naman yung ulo ko sa balikat nya.. Ang sweet naming tignan, wag nyo lang titingnan yung facial expression namin.. Hehe

"Mahal, sumasakit ba yung puson mo?" Tanong nya, hm medyo..

"Slight lang, kaya naman" sagot ko, alam nya kasi kung paano ako mamilipit kapag sobrang masakit yung puson

Tumango-tango naman sya..

"Ah.. Kasi.. Mahal.. May alam kong pantanggal ng sakit ng puson" suhestiyon nya

"Hm, ano naman yun? At san mo nakuha yan?" Takang tanong ko

"Si Tres ang may suggestion nito Mahal, susubukan ko lang baka sakaling di na sumakit yung puson mo" sabi nya at nakita kong umangat yung kamay nya at akmang hahawakan yung crotch ko.. Tinampal ko yung kamay nya bago nya mahawakan kung anu man ang dapat na hahawakan nya..

"Anong suhestiyon ba yan?" Ngiting aso lang ang ipinakita nya sakin, iba ang pakiramdam ko dito..

Lumapit sya sakin at ibinulong yung suggestion DAW ni Tres.

Agad namula yung mukha ko sa narinig ko.. Tumayo ako at..

"Pakshet ka Treeeeesss~"

[Vin]

*pout* sayang naman hindi sya pumayag

Tsk, palpak na naman yung kabarkada ni Sun, asar! -___-

Kinuha ko yung remote at pinaltan ko yung channel ng tv, kanina pa kong bored na bored sa pinapanuod namin ni Zoe eh

Di ko lang masabi sa kanya kasi halatang badtrip sya, at lalo pa atang nabadtrip dahil sa sinabi ko. Tsk.

[Third Person]

"The winner is the Superior! Magaling ka, pero ang galing mo ay hanggang jan lang, di mo pa rin kami kayang lampasan" sabi nung emcee ng event.

Isa din sya sa mga Superior. Ngayon ang araw na itinakda para ganapin ang Hatol sa mga Gangster/Assassins/Hunter/Killer at iba pang notorious jobs na nasa ilalim ng pamamahala ng Underground Japanese Association. Dito kasali sina Zoe at ang Gang nila.

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon