Kabanata 4
Pusang gala naman oh! =____= pagkatapos kong makipaghabulan kasama yung lalaking yun, napadpad naman ako sa lugar na di ako pamilyar.
Ano ba to? Peryahan? Tss
Sa halip na kumunot ang noo ko at magmaktol, naglibot-libot na lang ako baka sakaling makapagsaya pa ako dito.
Gala dito, gala doon, hanggang sa may nabangga ako ng di sinasadya.
"Ay sorry po!" sabay naming sabi, nagkatinginan kami. Ngumiti sya kaya ayun poker face ang peg ko hahaah
"Sorry Miss" sabi nya, tinanguan ko na lang sya.
Aalis na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Miss, anong name mo? Pwede ko bang malaman?" nilingon ko sya ng may pagtataka..
"Zoe Morello" sagot ko naman
"Ah, I'm Fei Zaragosa!" sabi nya then nakipagshakehands sakin. Zaragosa? Parang pamilyar? Hmf. Bahala na xD
"Nice to meet you Zoe"
"Same to you"
"Oh if it's okay, Let's have a dinner at our house" sabi nya. Dinner?gabi na pala. Di ko napansin.
"Sure!" tatawagan ko na lang si Vin na malelate ako ng uwi.
---
"Pasok ka sa loob. Feel at home." sabi nya. Napahanga nya ako sa design ng bahay nya. Ang gara! Ang elegante! Mayaman sya for sure! XD
"ok"
Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay, pinaupo nya agad ako sa sala nila.
*phone rings* Vin?
Agad kong sinagot yung tawag pero nagulantang ako sa nagsalita..at napatingin na rin sa may hagdan nila.
"IKAW?" tanong ko
"Hahaha, umaayon talaga sakin ang tadhana. Kamusta na Zoe?" tanong nya. Inend ko na yung call. Tss paano nya nakuha number ko?
"Magkakilala na kayo ng kapatid ko?" O____O
"Kapatid?" kaya pala pamilya ang Zaragosa.. Xenon Zaragosa nga pala ang pangalan nya! Tsk bat di ko naisip yun? Pumupurol na ba utak ko? Ang tanga ko naman kung ganun!
"Tss. Oo di mo ba nasabi sa kanya ate? Bago mo sya pinapunta dito?" tanong ni Xenon
"Excuse me? Isinama nya ako for a dinner. Hindi nya ako pinapunta!" sabi ko naman.
"Whatever! Okay na rin na nandito ka. Haha. Kamusta na pala ang sinasabe mong asawa mo?" sabi nya pa
"Asawa? May asawa ka na Zoe? Weh? Di nga?" tanong ni Fei, tumango naman ako.
"Sa ganda mong yan may asawa ka na agad?" tanong nya ulit, tinanguan ko lang ulit sya
"Oo, kaya ikaw Xenon o kung sino ka man, lubayan mo ko. At sino may sabing tawagan mo ko?" mataray kong tanong
"Ako. Bakit? May angal ka?" tanong nya. Aba't talagang!
"Oo dahil nakakaistorbo ka!" sabi ko naman.
"I like you for my brother, Zoe." sabi ni Fei. O____O what???
"No. Hindi pwede may asawa na nga ako eh!" sabi ko naman
"I know that you're lying, so that my brother would not bother you. Hahaha. Let's eat!" sabi nya at pumunta na sa dining room.
What the fvck?? O____O
Anong gulo na naman ba to? Asar naman oh! >_____<
Waaaaaaaaahhhh!!! Ayoko ng ganito!
---
"Nandito na tayo!" sambit nung Xenon na yun. Sya kasi yung naghatid sakin. =__= naginsist kasi si Fei. Di ko naman matanggihan kasi ang amo ng mukha nya!
Bumaba na ako agad ng kotse nya.
"Wala man lang thank you?" pahabol nya
"Para saan? Sa paghahatid mo? Di ko hiniling yan. Kaya di kailangan ng thank you!" sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko ng bahay, sinara ko agad yung pinto tss.
"Sino yung kasama mo?" tanong agad ni Vin
"Vin?" o___o
"Sino yun? Kala ko magshashopping ka? Gabi na ah!" sabi nya
"I called you earlier right? Na magdidinner ako sa mga Zaragosa!" sabi ko naman
"Sabi mo kina Fei, hindi yun lalaki, pambabae ang pangalan na yun. Sabihin mo sino yung kasama mo? Sino yung naghatid sayo?" tanong nya, seryoso lang yung mukha nya. Ni hindi ko alam kung galit ba sya o ano.
"Okay, si Xenon yun. Nameet ko sya kahapon. And di ko alam na siblings sila kaya sa kanya ako pinahatid ni Fei since wala akong dalang kotse kasi naiwan ko sa mall"
"Bat mo naman naiwan sa mall yung kotse mo?" tanong nya
"Eh kasi hinila ako ni Xenon palabas ng mall dahil sa dami ng gustong magpaautograph sa kanya. Nakaladkad nya ako" sabi nya
"At nagpakaladkad ka naman?" pusang gala. Bat ang hirap magpaliwanag sa lalaking to?
"Gosh Vin. Anong gusto mong palabasin? Na gusto kong makasama yung lalaking yun? Eh nasusuklam nga ako sa pagmumukha nya!" sabi ko. Medyo tumaas na ang boses ko
"Ikaw pa galit ngayon?" argh
"Ewan ko sayo. Ang gulo mo. Simpleng bagay lang yun pinalalaki mo pa!" tsk. Asar! Bwisit na nga ako dun sa lalaking yun, tas pagdating sa bahay ganito pa? Bwisit talaga!
Pumasok ako sa kwarto at nilock yun. Tsk bahala sya dun sa labas, dun sya matulog bwisit talaga!
*tok tok tok*
"ZOE, BUKSAN MO ANG PINTO DI PA TAYO TAPOS!!"
"Tapos na! Gabi na! Matulog ka na!"
"PANO AKO TUTULOG KUNG DI KO MABUKSAN ANG PINTO?" tanong nya
"Jan ka sa labas!" sabi ko naman
Tsk. Asar talaga!
---
Yumiko Heike's Note
Yeah xD maikli xD
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)