This is YumikoHeike. 2012 ko unang natuklasan ang Wattpad. Dito ako natawa, nalungkot, umiyak. Dito ako nakatagal nang pagbabasa hanggang sa abutin ako nang madaling araw. Madalas na nga ako mapagalitan dahil sa pagbabasa ko, pero dahil nakahiligan ko na hindi ko na maitigil.
Simula nung mabasa ko ang Gangster story ni Miss Alesana Marie — Talk Back and You're Dead, dun ko unang naimagine ang uang istorya na isusulat ko dito.
Highschool pa lang ako nun. Ang jejemon ko pa magsulat. Minsan mas mahaba pa ang authors note kesa sa content ng chapters. Dito ako nahasa. At natutuwa ako dahil nakatapos na ako ng story. Hindi lang isa kundi dalawa pa.
(1) Pink Reaper: The Sexy Gangster
- kasagsagan ng Dream High nung naisip ko ang istoryang ito. Masyado akong namesmerized sa poker face ni Suzy (Zoe) at sa ganda nina IU (Shawn) at Eunjung (Nadine). Crush na Crush ko pa noon sina TOP (Aaron), Kim Soo Hyun (Fritz), Taecyeon (Rem), Wooyoung (Renz), Kyuhyun (Vin) at Leeteuk (Cyrus), as you can see sila ang naging characters ko. At masya akong sila ang napili ko. Naging maganda naman kahit papano. Nagkakaroon din ako ng Writer's Block lalo na sa mga panahong namimili ako kung sino nga ba ang gagawin kong leading man ni Zoe at dahil sa mga nabasa kong comments na akala nila sina Rem at Fritz ang isa sa makakatuluyan ni Zoe, binago ko ang plot at isiningit ko sa eksena si Vin. Maraming nadismaya dahil di napili ang pambato nila. Hahahaha. Pero thank you guys :*
(2) Pink Reaper: Life of a Married Gangster
-sa totoo lang wala naman akong alam tungkol sa love love na yan, mas gusto ko pang mag-solve ng math. Puro kasi ako actions kaya tinry kong mag-romance.. Ewan ko kung nagustuhan nyo. Nagustuhan nyo ba? Hahahaha. Gusto ko pang lumawak yung pangunawa ko.. Gusto kong magisip kayo kung ano nga ba ang buhay ng isang gangster na may pamilya na? Di ba ang gulo? Away dito awag doon. Lagi kang nangangamba para sa pamilya mo pero kailangan mong maging matatag kasi pamilya mo yun eh. Mahal mo sila.
Marami akong naiisip na bagong istorya kaya sana suportahan nyo iyon. Lilinisin ko muna ang Stories ko. :) hope you like it.
College na po ang lola nyo. Kaya busy. Hindi ako ganun ka-active sa paga-update pero dahil madali nang mag-update ngayon sa bagong cellphone ng lola nyo and with the help of the wifi ng school hahahaha sana magtuloy tuloy na tayo.
Ayun, so MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa pagsuporta nyo, sa pagaabang sa mga updates, sa paghihintay. Yieee tats ako. Hahahaha mahal na mahal ko kayo readers. Maraming maraming salamat po.
Sana ay patuloy nyo paring tangkilikin ang story na gagawin ko sa mga susunod na araw.. At sana po ay maging CLOSE po tayo.
Mabait po ako promise. You can approach me anytime basta ba online ako. Chit chat tayo guys. No problem with that. Gusto ko rin naman kasi malaman kung ano nga ba yung mga gusto nyo para maimprove ko pa yung writing skills ko.
You can message me on the following accounts, in case na may gusto kayong linawin sa stories, in case na gusto nyong magpadedicate ng chapters, feel free to type your message and send it to me:
Twitter: @__shine026
Instagram: @__shine026
Google account: shaynesavadera@gmail.com
THANK YOU SO MUCH. I LOVE YOU. GOD BLESS ALL OF YOU. AND MAGKITA KITA ULIT TAYO SA MGA NEXT STORIES KO GANGSTERS :) MARAMING MARAMING SALAMAT PO :)
YOURS TRULY,
YUMIKOHEIKE
BINABASA MO ANG
Pink Reaper: Life of a Married Gangster
RomanceAno nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting and reading my stories. Hope you'll still support my upcoming stories. :)