I smiled as I saw the birds singing. The trees are swaying against the wind. The green environment and clean air deeply soothes my heart. The morning breeze touches my face. I inhaled deeply. It was very peaceful here. Lalo na’t wala pang mga taong dumadaan.
Muli akong bumuntong-hininga, nagpatuloy sa paglalakad. Kung sana kasing payapa ng lugar na to ang buhay ko. But I know better. How many times did I pray to God to change my destiny?How many times did I imagine I was someone else? I don’t want this life. Ayoko nang maranasan ang sakit!
Pero hindi pwede because this is the reality. I know I need to face my problems. Alam ko na ang problema hindi yan tinatakasan, hinaharap yan. Dahil hangga’t hindi yan nareresolba, nandiyan lang yan. Patuloy kang mahihirapan at masasaktan o ikaw ang makapananakit sa damdamin ng iba.
I shouldn’t think negative thoughts. I know my life would be better. Pero nasa sa akin yun. Kailangan kong mag-aral nang mabuti para sa mga pangarap ko. Sabagay, ilang taon na lang naman. Kakayanin ko.
Natigil ako sa paglalakad upang bigyang-daan ang isang sasakyan. Talagang humahanga ako kapag nakakikita ako ng magagandang sasakyan. Naiinggit ako dahil hindi na kailangan ng may-ari niyon na maglakad. Hindi katulad ko na ilang kilometro pa ang kailangang lakarin upang makarating sa iskwelahan.
Naglakad ako patungo sa room namin, tiningnan ko ang relong pambisig at medyo nataranta nang makitang sampung minuto na lang ay magsisimula na ang klase. Sobra kasi akong nalibang kanina sa paglalakad.
Halos patakbo akong naglalakad sa hagdan. Naiinis ako bakit nasa ikatlong palapag pa ang room namin.
As I was about to turn to the stairs, I was bumped into something hard. I grimaced as I felt the pain on my side. He possessed a hard body, huh?
I looked up only to be shocked to meet two eyes intensely looking at me. It’s as if he is memorizing every features of my face. Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya kaya inayos ko na lang ang sarili ko.
“Sorry.” I muttered as I skipped to go.
Hindi ko na narinig ang sasabihin niya o kung meron man dahil halos patakbo na akong umakyat sa hagdan.
Nakahinga lang ako ng maayos nang nasa harap na ako ng room namin. Nagpasalamat dahil wala pa ang aming propesor. Umupo na ako habang ang mga kaklase ko ay abala pa sa kung anu-ano.
I can’t forget those eyes. His face. It was so manly. He has this thick eyebrows, deep set of eyes, pointed nose and a strong jaw.
Everyone knows him here, that’s for sure. His family owns almost all of the hectares of land here in Limabu. They are into horticulture and they also export. His family is also known for being the best architects and engineers in the country.
That was our first encounter. Hopefully, also the last because whenever he’s around, I can’t look straight into his eyes. Parang lagi akong kinakabahan and I don’t want that feeling.
I closed my eyes and shook my head to erase those thoughts. Why am I even thinking about him? I need to focus. Inayos ko ang aking upo at siya namang pagpasok ng aming propesor.
The day went well so fast. Miraculously, naiwaglit naman sa isip ko ang nangyari kanina. Ni hindi ko namalayan ang oras sa sobrang tutok ko sa pag-aaral. Ganyan nga siguro kapag gustong-gusto mong mag-aral at marami kang pangarap sa buhay.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling naglakad. Malayo pa naman ang lalakarin ko. Ayokong abutan ng gabi sa daan dahil may iba pa ding parte ng Limabu ang walang ilaw. At isa pa, madami pa akong trabahong gagawin sa bahay.
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...