Chapter 7

12 1 0
                                    

Pagpasok ko sa loob ng room namin ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga nangyari kanina. Pinipilit kong iwaglit sa isip ko iyon pero kusang bumabalik. Natapos ulit ang klaseng walang pumapasok sa utak ko.


Kagaya kahapon ay nagpahuli akong lumabas sa classroom. Hindi ko namang inaasahang ihahatid niya ako ngayon dahil sa nangyari kanina. He looks so angry kaya baka hindi niya ako ihatid. Not that I am hoping for him to take me home. Naninigurado lang.


Paglabas ko pa lang ng room ay namataan ko na siyang nakatayo sa gilid ng pinto, hinihintay ako. Mabuti na lang pala nagpahuli ako. He looked at me grimly at parang may hinahanap sa mukha ko.


Napakunot ako ng noo. “Bakit nandito kana naman? Bakit hindi iyong babae mo ang kasama mo?” I can’t hide the bitterness in my voice.


Instead of answering, he just smirked. Lalo akong nainis sa kanya. Anong nakakatuwa? I am asking seriously and he would just look at me like that?


“Selosa.” He is still smirking.


My blood boiled. So wala akong karapatang magselos? Nanliligaw siya sa akin pero hindi dapat ako magselos? Wait! Bakit nga ba ako magseselos eh, hindi naman kami. Sumama siya sa gusto niyang babae hangga’t gusto niya. Nanliligaw pa lang naman siya, eh. Tsk!


Inirapan ko siya. “Hindi ako nagseselos.” Tanggi ko pero bakit pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko? Tumingin na lang ako sa sahig para itago ang mukha.


“Iiwasan ko na siya para sayo.” Nakangisi parin na wika niya. Naiinis ako dahil parang tuwang-tuwa pa siya sa reaksiyon ko. Nakasimangot ko siyang tinalikuran. Wala naman akong sinabing iwasan niya, ah?


“Ano pang gusto mo?” malambing niyang tanong nang nagsimula na kaming naglakad pababa.


I turned to face and ready to tell him to leave me alone when he suddenly speak. “Well, except to leave you alone.” It’s like he can read my mind that’s why he immediately said that.


I rolled my eyes at him and turned around to resume walking. He only chuckled at my reaction. Nauuna akong maglakad samantalang nakasunod siya sa akin. Hindi na kami muling nag-usap pa. Throughout the whole week ay ganun ang nangyari. Hatid-sundo ako ni Adam and our bond grew stronger. Hindi na kagaya ng dati na nakataas ang kilay ko sa kanya. Samantalang si Vaughn naman ang lagi kong kasama sa lunch.


About Katrina, I seldom seeing him with Adam now. Only when they are with their circle of friends.


Isang hapon ay nadatnan ko si tita Celestine na galit na galit sa isang kasambahay. She got angrier the moment she saw me entering the house.


“Oh, well. The daughter of that bitch is here.” The anger in her eyes is very visible and there is a sarcastic smirk in her face. Nevertheless, she walked
towards me with sophistication.


“Ano pong nangyari-“ I was cut off by a slap in my face. Bumuhos ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman.


“Did you know that I saw your mother in New York? Ang iresponsableng babaeng yon!” she said furiously.


She saw mom in New York? Kaya ba siya nagpunta doon ay para hanapin si mommy? I swallowed the lump in my throat.


“Nakausap niyo po? A-anong sabi ni mommy?”


“Hah! I tried convincing your mother to come home but guess what she did? She refused! Siya pa itong matigas. I lowered my pride and pleaded to take you back pero anong ginawa niya? She fucking ignored me!”


Gulat na gulat ako sa sinabi ni tita kaya umurong ang mga luha ko. I thought she despises me? Hindi ko inaakalang nagmamalasakit din pala siya sa akin. I can’t imagine how she did that, how she lowered her pride for me, for my welfare. I know her very well. She will never bow down to anyone. Kahit sa ina ko pa. Pero ginawa niya.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon