Chapter 11

5 2 0
                                    

Natameme ako samantalang mahina siyang humalakhak sa likuran ko. Anong ibig niyang sabihin doon? Iwinaglit ko iyon sa aking isipan kahit pa kumabog nang malakas ang aking dibdib.


Pamilyar ang lugar na tinatahak namin, ito din ang lugar na tinahak namin noong nagpunta kami doon sa talon. Ang huni ng mga ibon ay animo umaawit at masarap sa pandinig. At ang mga dahon at bulaklak ay mistulang sumasayaw sa mabining ihip ng hangin. Napakagandang pagmasdan. Animo nagkakaisa sila para magkaroon ng napakagandang tanawin.


I felt Adam’s embrace tightened when we were entering the rocky road towards the falls. After our conversation a while ago, we didn’t talk again. We just enjoyed the beautiful scenery. Of course I know what he meant. I’m not dumb to realize what he really meant a while ago. But I’m pretty sure that he was just joking around. He couldn’t be sure of me now, could he?


I got so excited when we were approaching the falls. Tinulungan niya akong makababa sa kabayo at kakaibang kiliti ang idinulot nun sa akin. He held me in my tiny waist and hugged me to help me get down from the horse.


Gusto kong maligo at i-enjoy ang malinis na tubig ngunit nang maisip na kaming dalawa lang ang nandito ay nagbago ang isip ko. Iginiya niya ako sa loob ng kubo at naramdaman ko kaagad ang napaka-preskong hangin na pumapasok doon.


Asul ang kulay ng tubig na talagang nakaka-engganyo na lumangoy dito. Matatayog ang mga puno at may mga nagliliparang paru-paro dahil sa mga bulaklak na naririto. Napakatahimik ng lugar na ang tanging maririnig ay ang lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon.



I instantly fell in love with this place. No wonder Adam said that this is his haven. Kahit ako ay gustong-gusto ko dito. This is indeed breath-takingly beautiful. I was surprised when Adam speak behind me.


“Do you want to swim?” he eyed my clothes briefly. Of course, I won’t swim with him! I didn’t bring extra clothes at isa pa naiilang ako sa kanya. Nahiya ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya bumaling ako sa ibang direksiyon.


Umiling ako. “Hindi na muna. Mamamasyal na muna ako.” Luminga-linga ako para pagmasdan ang paligid. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang kagandahan ng lugar na ito.


His eyebrows a bit furrowed. “You sure?”


“Yeah. Swim kana.” I flashed a genuine smile at him.


He eyed me darkly but he eventually nodded. “Basta huwag kang masyadong lalayo, okay?”


I nodded at him. Tinalikuran niya na ako at naglakad para maligo. I kept my eyes on him while he’s taking off his shirt. His muscles were defined and he looks so hot even in his bare back. Lumingon siya sa akin kaya bigla kong iniwas ang mga mata dahil sa hiya. Baka sabihin niyang pinagnanasahan ko siya. Though I admit that he’s so freaking hot pero hindi ko siya pinagnanasahan, no? I was just thinking how it feels touching his muscled chest. And the feeling to be enveloped by those strong arms. I am just admiring him for being so blessed to be given a sexy body and a handsome face like that. Oh, yeah! Try harder, Ava! Said my treacherous mind.



Agad akong naglakad-lakad para maiwaglit ang mga naiisip. Hindi naman gaanong masukal ang gubat kaya hindi ako natatakot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, nage-enjoy sa iba’t-ibang klase ng mga puno, paru-paro at mga bulaklak. Napapansin ko na habang lumalayo ako ay dumarami ang mga nakikita kong paru-paro. Binilisan ko ang paglalakad dahil nae-excite ako sa nakikita.


Ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang isang napakagandang tulay na napaliligiran ng mga bulaklak. I don’t know the name of these flowers, I only know that these are wild flowers. Wow! Just wow! Napapanganga ako dahil sa ganda ng nakikita ko. Under the beautiful bridge is a clear water. The bridge was painted with white. Parang iyong nakikikita ko lang sa mga fairytales. Sobrang namangha ako dahil madami pa akong nakitang iba’t-ibang uri ng mga bulaklak.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon