Chapter 32

6 1 0
                                    

Sinisisi ko ang aking sarili ngayon kung bakit pa ako umalis. I should have talked to him and sort things out. The accident couldn’t have happened. Sana wala kami ngayon dito sa hospital.

I am afraid of hospitals even before when I was a child. I can’t imagine how my family made it when I was at the verge of death.

It is such a frightening feeling to be here inside the hospital again especially in the emergency room. Lalo pa’t si Adam ang nag-aagaw-buhay ngayon dito. Pero tinatagan ko ang aking sarili.

Please, let everything be back to normal and I promise I will be gone!

Napatayo ako sa upuan sa waiting area nang dumating si tita Dana at ang papa niya. I feel guilty and I feel that I am responsible for this accident. Humahangos silang pumasok sa loob.

When tita Dana landed her gaze at me, I could clearly see the visible anger and disappointment in her eyes. Abot-abot ang kaba at hiyang nararamdaman ko. Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang mabagsik niyang titig.

Nang nakalapit ay isang sampal ang iginawad sa aking kaliwang pisngi. There. I deserve it. Napalunok ako bago nagtaas ng ulo. Malakas ang sampal niya but I can’t feel the pain because of numbness. Dahil wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi ang matinding galit niya sa akin at ang nararamdamang konsensya. Wala akong gusto ngayon kundi ang mabuhay si Adam. Hindi ako nagalit sa pagsampal niya sa akin. No. I deserve it. She’s Adam’s mother. Naiintindihan ko siya.

“Sinabihan na kita, hindi ba?! Sinabihan na kita!” umiiyak na sambit niya. Ngunit itinulak niya ako kaya napaatras ako. Pilit siyang inaawat ng asawa ngunit patuloy ito sa pagtulak sa akin at paghagulhol.

Hindi ko na din mapigilan ang mga luha ko. Napaupo ako at lumuhod sa kanilang harapan. “I’m so sorry, po. Sorry. Sorry.” Paulit-ulit kong iyak.

“Sorry? May magagawa ba ang sorry mo?! Napahamak ang anak ko nang dahil sayo! May magagawa ba ang paghingi mo ng tawad ngayon?! Wala!”

“Patawarin po ninyo ako.” Lumuluhang sambit ko habang ang aking ulo ay nakayuko.

“If something happens to my son, remember this, I will never forgive you!”

“Dana, stop it. Hindi ito kasalanan ni Ava.” Tito Arthur looked at me apologetically. I immediately lowered my gaze because I can’t meet his eyes. I am so guilty to do it.

Natigil kaming lahat nang lumabas ang doktor ni Adam. His parents immediately approached the doctor and I was left here. Nangangatog ang mga tuhod habang tumatayo.

“He is still in critical condition.” I overheard the doctor saying.

Oh, God! Please.

Kasalanan ko itong lahat! Kasalanan ko! Kasalanan ko!

Napakatigas kasi ng ulo mo, Ava! Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo! Huwag mo nang ipilit, please. Huwag na.

So I quickly ran away. Not because I am afraid. But because I can’t take it anymore. My conscience is eating me. Bakit ba hindi ako nakinig kay tita Dana?Kahit anong pagsisisi ko, hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Iba ang buhay namin noon. Iba ngayon. Kaya tama na. Tanggapin mo na, Ava. Time’s up na.

I took a taxi to the place where I left my car and headed straight to my condo. Hinang-hina ako pagdating ko. I went straight to the computer and decided to make a resignation letter.

Habang gumagawa ay bumubuhos ang mga luha ko. Now, I’ve decided to leave Adam’s life. For good. Ang pakunsuwelo na lang sa akin ay malaman na buhay siya.

Hindi naman niya ako naaalala so, what’s the point of staying, di ba? Kung may masasaktan man, ako lang iyon. Adam won’t get hurt because he doesn’t remember me.

Kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin, makakalimutan din niya iyon. Siguro, hindi naman niya ako ganun kagusto para masaktan siya masyado. He will get over me soon. Madali lang niya akong kalimutan.

Hindi ako lumabas sa buong araw na iyon. Nasa kwarto lang ako, umiiyak. I never called anyone. I want to keep it all for now. I didn't even call Cassie and Lyca even if they are here. Pero kung aalis man ako, I know I should tell them about it.

My eyes are pufty the next morning. I had decided to visit Adam in the hospital even if tita Dana will spit angry words at me. Gusto ko lang malaman kung ano na ang kalagayan niya.

I wore a black sunglassess to hide the puffiness of my eyes. I asked about Adam in the information desk. They told me he was transferred to the intensive care unit. They gave me the room number then I headed to his room.  Ilang beses akong huminga nang malalim bago kumatok at pumasok sa loob.  Tita Dana looked at me without expression. She didn't utter a word to push me away. Parang expected na niya na bibisita ako kay Adam.

"Ku-kumusta po siya?" lakas-loob kong  tanong.  

Nasa gilid lang ako nakatayo. Ni hindi ko magawang lumapit at umupo. She didn’t glance my way, though. Patuloy lang siya sa pagtitig sa anak. Nadurog ang puso ko dahil sa nakikita. Hindi ko ma-imagine kung ano’ng hirap at sakit ang pinagdaanan niya para sa anak bilang isang ina. As a mother looking at his son in this state is so heartbreaking.

Hindi ko mapigilang mapapikit sa sakit na nararamdaman.

“He was in critical condition last night pero naging maayos din sa awa ni Diyos. Anytime pwede na siyang magising sabi ng doktor.”

Guminhawa ang pakiramdam ko sa narinig. Parang ang malaking bagay na nakadagan sa dibdib ko ay nawala. May benda sa ulo niya at mga gasgas sa kanyang mukha. Even if the doctor told them that he’s now stable, nakakapanghina pa rin siyang tingnan. Hindi ako sanay na ganito siya. Gusto kong lumapit at haplusin ang mukha niya ngunit pinipigil ko ang sarili.

“I-I'm sorry if I was hard headed, ma’am. I love Adam so much that I could do everything so he would remember me. ”

Ngayon ay nagsisisi ako sa pagiging makasarili. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ni tita Dana para sa anak. Alam kong hindi naging madali ang lahat nang mangyari ang unang aksidente. At ngayon, ito na naman.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. “Ilang taon po akong nagluksa dahil akala ko patay na siya. Buhay ako pero para din akong namamatay dahil sa pagkawala niya. Nagsikap po ako sa Amerika. I lived there alone. I didn’t want to go home because if I will, mas lalong magiging mahirap sa akin ang lahat.”

I paused and smiled at the painful memories. “Kung ano po ako ngayon, it was all because I taught myself to become like this. Stronger and independent. I achieved everything that I have right now because he was my inspiration. Kaya nang nakita ko po siya, sobrang hindí ako makapaniwala. Hindi niyo po alam kung gaano kasakit sa akin na hindi niya ko maalala..”

Tumigil muna ako sa pagsasalita dahil sa sunod-sunod na paghikbi. Pinunasan ko ang mga luha pero agad ding may nahuhulog na namang luha mula sa mga mata. I even saw tita Dana wiping her tears.

“Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero natakot ako nang makita ang sunod-sunod na pagsakit ng ulo niya. Sobrang nahirapan siya kaya hindi ko kayang sabihin sa kanya. At noong sinabi ninyo na umalis na ako sa buhay niya, hindi ako sumunod dahil pinairal ko ang puso ko. Dahil mahal na mahal ko siya. But I realized that you are probably right.” Saglit akong tumigil kaya bumaling siya sa akin. “I will just bring danger in his life, kagaya  ng nangyari ngayon. Kagaya rin nang madalas na pagsakit ng ulo niya noong nagpakita ako." 

Kumunot ang kanyang noo at matiim na tumitig sa akin.  "Kaya magre-resign na po ako sa trabaho ko. I was selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko inisip kung ano' ng mararamdaman ninyo.” Her jaw dropped but didn't say anything. 

I glanced once again at Adam before I went out of the hospital room. Nagdiretso ako sa kompanya para iabot kay Dona ang resignation letter.  Dona was shocked the moment she  received my resignation letter. She looked puzzled and curious.  Marahil nagulat siya dahil ngayon pa  talaga ako magre-resign. Now that Adam is in the hospital.  I uttered a brief thank you and I went to our department.   

Lahat sila ay nagulat sa sinabi kong pagre-resign ko. Kagaya kay Dona, lahat sila ay nagulat at kuryuso kung anong dahilan. Ngunit hindi ko man sila sinagot sigurado akong alam na nila ngayon kung ano nga ba ang dahilan.

They sadly hugged me. My heart sank in pain. I’ve grown to love them even if l’ve only been here for a short time.

Hindi din naman ako nagtagal at umalis na. I called Mr. Saavedra this morning and scheduled a meeting with him. Hindi naman ako ang head architect but I think it is only wise to explain everything to him. I know he likes me to be in that project but I can’t stay longer.

“Iha, para saan ito?” tanong ni Mr. Saavedra nang makaupo na kasama ang kanyang asawa.

“I just submitted my resignation letter today, sir.” As expected, they were surprised from what I said.

“Drop the formalities, hija. You can call me tito and my wife tita.”

Dahil doon ay napangiti ako ng tipid. I glanced at Mrs. Saavedra and she smiled genuinely at me.

“Well, bakit naman ngayon ka pa nag-resign, hija? I heard engineer Cervantes is in the hospital right now. I don’t think it is a good time, hija.”

“I will leave for Cebu, tito. Kailangan po kasi ako sa kompanya ng tito ko.” Pagsisinungaling ko. Nagbaba ako ng tingin dahil ayaw kong makita nila ang lungkot sa aking mga mata.


“We understand you, hija. Kung kailangan ka ng pamilya mo, you really need to go.” Nakakaunawang wika ni tito.

Tipid akong ngumiti sa kanila at tumango. Nang makaalis sa restaurant ay dumiritso ulit ako sa hospital. I wanted to see Adam for the last time. Nanghihina ang katawan ko pero kailangan kong maging matatag.

It took me less than twenty minutes to get to the hospital. Nagulat ako nang nakita si Katrina na nasa loob kasama si tita Dana.

Nang nakita niya akong pumasok ay agad siyang napatayo. Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata. “Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito!”  

"Katrina!” saway sa kanya ni tita.  Napatinigin ako sa kanya kaya lang ay agad din niyang iniwas ang tingin sa akin.

"I just want to visit Adam for the last  time."  Magsasalita pa sana si Katrina pero may kumatok na nurse at hinahanap si tita. May sasabihin daw sa kanya ang doctor  ni Adam.  She then went out with the nurse and I  am left with Katrina. 

"Ang kapal ng mukha mong dumalaw pa dito gayong ikaw ang dahilan ng aksidente."

"Hindi ko naman ginusto- 

"Kung noon sana ay nakinig ka kay tita na umalis sa buhay ni Adam, sana hindi na  nangyari ang lahat ng ito.”

Hindi ako nagsalita dahil totoo naman ang sinasabi niya. I am guilty, ano pang sasabihin ko? I am not a bit proud sa lahat ng nangyari kaya gusto kong manahimik na lang. Diretso lang ang titig ko kay Adam na wari’y payapang natutulog.

"Kung hindi ka nagpakita ulit, kasal na  sana dapat kami!”

Nagtaas ako ng ulo dahil sa sinabi niya.

“Even if I didn’t show up in his life, you will never get married because in the first place, you were really never together.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. She might have concluded now that Adam had told me everything.

“Walanghiya ka talaga! Noon pa man, mang-aagaw ka na. Inagaw mo siya sa akin noon. Ngayon, inaagaw mo na naman siya sa akin!”

Napapikit ako ng mga mata dahil ayokong pagsalitaan siya ng masama. “Look, I don’t want to be harsh to you. Alam mo na siguro kung gaano ko kamahal si Adam. I mourned for him. Akala mo naging madali ang buhay ko? Araw-araw na gumigising ako  tuwing umaga para lang paulit-ulit na patayin sa sakit at katotohanan.  At nang nakita ko ulit siya, halos hindi ako makapaniwala at sobrang saya ko. Pero hindi niya ako maalala. Hindi mo alam kung gaano kasakit iyon.” I paused to wipe the tears on my cheeks.

“Sabi ko kaya kong tiisin lahat ng sakit kahit hindi niya ako naaalala. Kahit gustong-gusto ko nang yakapin siya pero hindi ko magawa. Kahit gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko kayang gawin dahil ang kapalit ‘nun ay ang kapakanan niya. Pero, itong nangyaring ito? I had decided to give him up kahit napakasakit.”

Nakita kong nagpupunas din siya ng luha niya. Hindi siya makatingin sa akin. “Kaya ipapaubaya ko na siya sayo.”

Dahil sa aking sinabi ay gulat siyang tumingin sa akin. Tinitigan ako ng mariin na wari ay tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

“Kung hindi na talaga siya makaalala, make good memories with him. Someday, he will learn to love you. And he will forget about me.”

Pagkatapos sabihin iyun ay umalis na ako. Dumiritso na ako sa condo ko at hapong-hapo na umupo sa sofa. This day is a roller coaster for me. Ang daming nangyari at pagod na pagod ako.

Naglakad ako patungo sa bintana at tumingin sa baba. I sighed deeply. Today I made the best decision for everyone.

Ayos lang ako. I will be fine. I will just resume my life without him. I did it before. I can do it now. Now that I am stronger and braver. Makakaya ko ‘to. Ako pa ba?

I wiped the tears that rolled down my cheeks while smiling bitterly. Suminghot ako bago tiningnan ang cellphone para makapag-confirm sa flight patungong Cebu bukas.

After confirming, I closed my eyes tightly. Madilim. Ganito ang buhay ko ngayon ngunit kapag bubuksan ko ang mga mata, makikita ko ang liwanag. Someday, happiness and I will meet. At hindi ako nawawalan ng pag-asa na matatagpuan din ni Adam ang liwanag. Ang totoong kasiyahan.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon