The rest of the day was so lively to all of us because of our achievement. Nanlibre ako ng lunch. It’s my very first project here and I am really glad that it was approved. We deserve a celebration because we all worked hard for it. We just had our foods delivered para hindi na kami lumabas pa. Sobrang gulo nila ngayon at lahat ay masayang-masaya.
Nang inihatid ako ni Vandross dito kanina sa opisina ay hindí muna siya agad nakaalis dahil kinulit pa siya ng lahat. They were so surprised we know each other. They even thought that he is my boyfriend. Sinabayan pa nga sila ni Vandross. Sinabi niya na totoong boyfriend ko siya, but I told them the truth that we are just friends. Pero inasar lang nila kami nang inasar. Tinatawanan at iniilingan ko na lang sila at hindi na pinatulan pa ang mga pang-aasar nila.
“Grabe talaga, miss Ava. Manghang-mangha sila. Ang galing mo.” Ani Chris.
“Natin.”I corrected him. Oo, karamihan sa buong design ay suhestiyon ko pero hindi naman ako ang buong nagtrabaho doon. Lahat kami. So the credits should be to all of us. “Ano ba kayo? We all put our efforts here kaya the credit is all on us.” mahinahon kong paliwanag sa kanila.
We were in that scene when Adam came inside our office. Kung kanina ay napakaingay, ngayon naman ay nakabibingi ang katahimikan. Lahat ay nakamasid kay Adam na seryosong nakatingin sa amin. His powerful presence made my knees tremble. His dark eyes darted at me.
“I just want to congratulate you for your achievement today. Your design is excellent. Good job, everyone.”
Everyone cheered. Napangiti ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikitang saya sa mukha ng mga kasama ko.
“I see that you are celebrating. Bukas ay ako naman ang manlilibre sa inyo.”
Mas lalong lumakas ang hiyawan sa loob. “Maraming salamat po sir.” Wika ni Cheska. Everyone thanked him while I just smiled at him. His eyes became gentle when his eyes landed on me. His deep stare lingered on me for a while. Nag -iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.
My officemates offered him snacks but he declined. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-ayos ng mga gamit sa lamesa ko kahit lahat naman ay nasa ayos. Narinig kong aalis na siya dahil may meeting pa siyang pupuntahan.
Nang narinig kong nakaalis na siya ay tsaka lang ako humarap. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na siya. Pinulot ko ang aking cellphone at nakitang nag-text sa akin si Cassie. She said that we will meet at The Tribe later.
My brows were knitted together. The Tribe? Where is that? I searched for the location of that nightclub and realized that it’s a bit far from my condo. Maaga na lang akong aalis para makarating nang maaga doon.
Kagaya kahapon ay maaga din akong umuwi dahil wala nang gaanong ginagawa sa opisina. The rest of the afternoon was not hectic because we were done with the designs.
Pagdating ko sa condo ay tumawag si mommy at nangangamusta. I told her about my first project in the company and she was so glad about it. Hanggang sa napunta ang usapan namin kay Adam. I told her na ayos lang kami at hindi pa niya ako naaalala. Habang kausap ko siya ay nag-aayos naman ako ng sarili. Naka-loudspeaker ako kaya ayos lang. Nagluto din ako ng dinner ko. Just fried a canned good and I'm okay. Mag-isa lang naman ako.
It's only eight In the evening when I went out of my condo. I am wearing a fitted black backless dress which reached above my knees and I paired it with a black three inches high stilletos.
I texted them I am on my way now to The Tribe. I even used a google map just to find that place! Tss!
It took me less than an hour to get there because of heavy traffic. Vandross meet me at the entrance. Nang nakapasok ay medyo madami nang tao pero kakaunti pa lang ang sumasayaw. Siguro dahil maaga pa. Agad din namang nahagilap ng mga mata ko ang mga kaibigan na nakaupo. May dalawa pang upuan sa harapan nila kaya umupo ako doon sa isa samantalang si Vandross naman ay sa tabi ko naupo.
“Hey, ang tagal mo, girl.” Bungad sa akin ni Cassie.
“Sorry. Medyo hirap akong hanapin ito.”
Tumango si Cassie. “Fine. Kahit ikaw ang mas matagal dito. Oh! We had already ordered drinks.” Wika niya sabay abot sa akin ng hard drink.
I looked at her with one arched brow. Ang aga pa para sa hard drinks! She grinned at me habang itinataas ang baso niya. “Cheers, babes. We’ll get wasted tonight.” Tawa nya bago nilagok ang alak sa baso niya.
“Hayaan mo na. Ngayon lang ulit kami iinom. Hindi na kami nakapag-nightclub ulit mula nang umalis ka.” Si Lyca na medyo tipsy na din ata.
I just rolled my eyes at them. Grabe! May mga kaibigan talaga akong lasinggera! Tinawanan lang naman ako ng dalawa.
Iginala ko ang mga mata ko upang tingnan ang mga naroroon. I saw familiar actors, actresses and businessmen. So, here is where rich people flock at night, huh?
Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan si Adam sa isang table. Biglang kumabog nang mabilis ang aking dibdib. Napansin ko na marami sila sa grupo nila. Mga gwapo ang mga kasama niya at sa hinuha ko ay mga mayayamang negosyante din. Ang iba ay may kaakbay na babae ngunit si Adam ay wala. I was relieved. I can’t imagine how my whole night will be ruined if ever I saw him with one tonight.
But... Damn! I was totally shocked when a beautiful and sexy woman sat beside him. The woman whispered something in his ear that made him smile. Anger boiled inside me. How dare him cheat! May fiancee siya at eto siya nakikipaglandian sa iba?!
Dahil sa galit ay inisang lagok ko ang alak sa baso ko. Kalahati ang laman niyon pero nakaya kong ubusin lahat. Hindi ko alinta ang pait ng alak na dumaan sa aking lalamunan. Muli ko silang tiningnan at nagkakatuwaan pa din silang dalawa.
“Woah! Easy, girl." ani Cassie na tinatawanan ako dahil sa sunod-sunod ang shot na ginawa ko. Binalewala ko lang iyon at muling nilagyan ng alak ang baso ko. Ganito na ba siya ngayon? Gabi-gabi ba siyang nandito? Fuck! How would I know, right? Baka nga. Ilang taon kaming hindi nagkita. I have been in hell for the past years because of him and now makikita kong ganito? Na nagpapakasaya siya habang nagluluksa ako sa kanya?!
Dire-diretso kong ininom ang laman ng baso ko habang nakatingin sa kanila. Ano yung nangyari kahapon, wala lang? May payakap-yakap pa siya! Ngayon, ganito?!
"Are you okay?" tanong ni Vandross malapit sa tainga ko para magkarinigan kami. Masyado na kasing malakas ang tugtog
"Okay lang ako." maikling sagot ko sa kanya ngunit hindi ko siya sinulyapan man lang. My whole attention was on the two.
"Let's dance?" aya niya sa akin. Sina Cassie at Lyca kasi ay umalis na patungong dance floor. I looked at them and saw that they are in the sea of people, dancing, enjoying the loud music. Samantalang ako ay nandito at nagngingitngit sa galit!
“Sige, mamaya. Ubusin ko lang ito.” I said referring to the drink I have in my hand.
Ayoko naman na manood lang sa kanila na nagsasaya kaya nagdesisyon akong sabayan sila sa dance floor. I am here tonight to have fun! Not to sulk myself bitterly.
I glanced at Adam’s table and I was surprised he’s looking at me. Straight in my eyes. Halos masamid ako sa pag-inom dahil sa intensidad ng titig niya sa akin. The woman beside him is no longer there. Hindi ko sigurado kung saan na nagpunta.
Pinutol ko ang pagkakatitig sa kanya. Bumaling ako kay Vandross. “Let’s go.” Wika ko at tumayo na.
Muntik pa akong matumba dahil sa pagkakawala ko ng balanse. Marami na nga siguro akong nainom. Buti na lang at nasalo ako ni Vandross. Kung hindi ay baka sumubsob na ang mukha ko sa sahig.
“Easy, woman. Kaya mo pa bang sumayaw?” he looked at me with concern.
Tumawa lang ako habang inaayos ang pagkakatayo. I stared at his serious face. He is handsome, alright. Madaming babae ang nagkakagusto sa kanya kahit pa sa Amerika. Kung siguro nauna ko siyang nakilala, sa kanya ako maiinlove. Pero hindi din siguro. Adam is different. He was the only one who captured my heart. Vandross is a dear friend. I think my heart will only beat for one person in this lifetime.
"Cres?"
I blinked many times. Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. I just smiled at him and pinched his cheeks tsaka nauna nang naglakad patungo sa dance floor.
Pagdating namin ni Vandross sa dancefloor ay biglang nag-iba ang musika. Napalitan iyon ng malamyos na tugtog. Madaming tao ang nagsialisan at kukunti na lang ang natira sa gitna.
"May I have this dance, my lady?" pagpapaalam ni Vandross sabay lahad ng kanyang kamay.
I rolled my eyes at him and laughed. Napaka-corny! “If you are so persistent, then fine.” nakangiti kong wika at inabot ang kamay sa kanya.
We danced in the sweet music. Paminsan minsan ay nagtatawanan kami dahil nakabusangot ang dalawa naming kaibigan sa aming table.
Sa gitna ng aking tawa ay nahagip ng mga mata ko si Adam na ngayon ay may hawak nang baso ng alak sa kanyang kamay. My heart thumped faster when I caught him staring at me. His aura is dark. Parang galit. Pero... bakit naman?
He moved his eyes in his glass. Dahil doon ay napahinga ako nang maluwag. I didn’t know that I was holding my breath while he was staring at me. His friend talks to him and I doubt if he listens because his attention went in his glass of drink.
Ngunit halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang bumalik sa akin ang titig niya. His expression is unreadable now. He is watching me beyond my soul. His stare made me uneasy I just want to get out of here.
“P-pwede bang umupo na tayo? Na-nahihilo na kasi ako.” Half-lie na wika ko kay Vandross. I really want to get out of here. Nasa dancefloor kami at malaya niya akong napapanood. Parang gusto kong magtago mula sa malamig niyang tingin.
“Okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang suri niya sa akin.
“Y-yeah.” I nervously answered.
He then guided me in our table and helped me sit. Hindi na ako ulit tumingin pa sa gawi nila Adam dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.
“Cres, that is your boss, right?” turo ni Lyca sa kabilang table.
Shit!
Hindi ko na kailangan pang tingnan dahil alam ko naman na siya iyon.
“Omg, ang gwapo!” tili ni Cassie. “Ipakilala mo naman kami.”
I was alarmed. Oh, goodness! Not now, please! “Nakakahiya. Ang dami niyang kasama. Maybe next time.” May pinalidad na sambit ko. I don’t want to face him right now.
Cassie pouted her lips. “Sayang naman.”
“May ibang pagkakataon pa naman.” Wika ko bago tumayo upang pumunta sa comfort room. I chose to get away from them because they will only nag.
“Cres, you sure you can walk?” napatayo si Vandross nang makitang aalis ako. May pag-aalala sa kanyang mukha.
“I can still walk.” Maikling wika ko kahit pa parang umiikot na ang mundo ko. He nodded at me pero tinitingnan niya ang lakad ko. So, I tried my best to walk straight. Nakipagsiksikan ako sa mga tao papuntang comfort room. Nang dahil doon ay lalong tumindi ang hilo ko.
Para naman akong nakaramdam ng ginhawa nang nakitang walang tao sa loob ng cr. I leaned on the wall to get some support. My head is still spinning. Seconds passed, I thought I will feel better but my world spinned more. Biglang dumilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa isang malambot na kama. Nasa kwarto ako! Bakit ako nandito? Sa pagkakaalala ko ay nasa nightclub ako. Isa pa, hindi ito ang kwarto ko. Ginapangan ako ng matinding kaba sa dibdib. Shit! Don’t tell me…
Para makasigurado ay ibinaba ko ang kumot mula sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng ginhawa nang nakitang suot ko pa din ang damit ko kanina. Pinakiramdaman ko din ang sarili kung may kakaiba ngunit wala naman.
Mabilis akong tumayo sa kama at iginala ang tingin sa buong paligid. The whole room is painted with white. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Dahan-dahan akong naglakad papunta doon. Hoping to see who brought me here. Siguro naman mabait ang nagdala sa akin dito? Because if he’s not, he should have taken advantage of me. Pilit kong kinakalma ang sarili.
I was welcomed by marbled walls. I continued walking and there I saw the jacuzzi almost full. Agad ko namang pinatay ang tubig. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao.
I then turned to exit but was surprised to face Adam. Halos lumundag ang puso ko sa gulat. Anong ginagawa ko dito sa bahay niya? But the nervousness I felt washed away upon seeing him. Akala ko ay masamang tao ang kumuha sa akin. Even if I could see a dark expression written in his handsome face, I can’t deny that I am safe with him.
He’s wearing a white tee shirt and a black shorts. He looks so hot. But I can’t ignore the seriousness of his face. He looks ruthless. I bit my lower lip.
“B-bakit ako nandito?” hindi ko mapigilan ang pagkautal dahil sa kabang nararamdaman. How did I get here? What happened?
But he stayed silent. I got no answer from him. He is just staring at me darkly. I tried again to start a conversation with him.
“Uh, nahimatay ako kanina. Ikaw ba ang na-nakakita sa akin?”
I was expecting him to answer me this time but I still didn’t get a response from him. Huminga ako nang malalim at nagpasyang magpaalam na dahil hindi naman niya yata ako kakausapin.
“Uuwi na pala ako. Salamat sa pag-
“You are not going anywhere.” His voice is calm but I sensed danger in it.
“But-
“You are still drunk you have to sober up.” I felt that he’s fuming mad now. Halos magdikit na ang kanyang makakapal na kilay. I don’t know but I find him sexier now that he’s staring at me with dark eyes.
“Okay.” I barely whispered. I decided not to argue with him. Not right now that he is like this. Pakiramdam ko lahat ng gusto niyang gawin ko ay gagawin ko. I am that crazy for him! Lalo pa ngayon at lasing ako.
He clenched his jaw. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa kaba ay napapaatras ako.
“Hindi ka na pwedeng uminom sa susunod.” He huskily stated. He stopped his tracks when we were just an inch apart. My back is against the cold marbled wall. I am cornered now. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit niya sa akin.
But what he said reminds me of what he had told me the first time I got drunk. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi na pwedeng uminom! But hey, lasing ulit ako ngayon!
Dahil doon ay mas lalong kumunot ang noo niya. Mas lalo pa atang nagalit sa akin.
I wiped away the smile on my lips. Hindi na nga pala siya ang Adam ko. Tinapatan ko ang mga mata niyang seryoso. “Ano ngayon kung malasing ako? You are not my boyfriend. Wala ka nang pakialam sa buhay ko.” May paghahamong sambit ko sa kanya. Sa aking sinabi ay mas lalong dumilim ang mukha niya.
“And who’s your boyfriend? Ang lalaking iyon na nakabakod sayo kanina?”
Nakabakod? Is he referring to Vandross? But, I ignored him. Hindi na siya itinama pa. Naalala ko ang babaeng kasama niya kanina. “And how about you? How dare you flirt with other woman in the club gayong may fiancee ka naman?!” I shouted. Hindi ko mapigilan ang iritasyong nararamdaman. I know its not about Katrina. Alam ko na may ibang dahilan kaya ako nagagalit sa kanya. And I just can’t admit it in his face!
“Who told you I have a fiancee, hm?” Ngayon ay naniningkit ang kanyang mga mata. I know he is beyond angry despite his calm voice.
I chose to stay silent. Ayaw nang dagdagan pa ang galit sa kanyang mga mata. I didn’t look at him. My eyes are at the wall as if there’s an interesting thing about it.
“Katrina is not my fiancee.” He stated calmly.
Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa kanya. What? Halos panindigan ako ng balahibo. Is he serious? W-why? H-how? Akala ko ba…
“Hindi ko gustong pakasalan siya. I refused, matagal na. No one can dictate me who I will marry. Even my parents.”
My heart is beating so loud. My eyes are glued at him. Watching his expression intently. I was expecting him to take his words back but he never did. So… it’s true? Hindi pa tuluyang napo-proseso ng utak ko ang sinabi niya nang muli siyang magsalita.
“I know she’s not the woman I always dream at night.”
Kumunot ang aking noo. She’s dreaming about a woman? Si-sino naman? Could it be... I bit my bottom lip. Ako ba? Kaya ba nagbago ang turing niya sa akin? Is he dreaming about me?
Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa sa halo-halong emosyong nararamdaman.
Hindi niya tinatanggal ang mariin na pagkakatitig sa akin. I bowed my head because I cannot meet his burning stare. But he lifted my chin and made me look at him. Wala na akong nagawa kundi ang titigan siya sa mga mata. Ngayon, hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Wala akong ideya kung ano ba ang iniisip niya.
Para nang tinatambol ang puso ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. I unconsciously closed my eyes and felt his soft lips on my lips. Kasabay ng paggalaw ng kanyang mga labi sa labi ko ay ang pag-alpas ng luha sa aking mata.
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...