Chapter 24

7 2 2
                                    

I woke up early because I immediately dozed off last night. Marahil dahil na din sa pagod sa pisikal at mental kaya nakatulog agad ako. Kaya nang magising ako ay magaan na ang aking pakiramdam. A new day begins and it’s best to start it with positive thoughts.

I was at the office early as I expected. Wala gaanong trafic kaya naman maaga akong nakarating. Pagdating ko ay wala pa si Adam. I started my work and was humming my favorite song when I was startled when I heard the private elevator opened.


My heart started to beat rapidly. I turned around to greet him and flashed my sweetest smile.

“Good morning, sir.” I was so composed and confident when I greeted him but nearly had a mini heart attack when he smiled back at me. Kumabog nang mabilis ang aking puso.


Really. I didn’t expect him to smile at me because I was so used to him ignoring me whenever I greet him. He didn’t greet me back but his smile is enough to make my day.

Pagpasok niya ng tuluyan sa loob ng kanyang opisina ay napaupo ako sa aking upuan dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang aking mga tuhod. His effects to me is so overwhelming. I didn't know that his simple smile could melt me like a jelly. 

After composing myself and making sure that my heartbeat steadied, I decided to enter his office. With a cup of coffee, I gracefully made my way to his office. Naabutan ko siyang abala sa kanyang mesa at abala sa pagguhit.

I put the coffee on his desk and started to inform him his  schedule for this day.  The whole time I was talking, his attention was focused in his drawing pad. I was done talking yet he did not even lifted his gaze towards me.

Tatalikod na sana ako dahil ayokong istorbohin siya dahil napakaabala niya. Kaya halos mapalundag ako sa gulat nang magsalita siya.


"You're free this lunch?" 


Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Nanlalaki ang aking mga mata. Ano raw?

Humarap ako sa kanya na sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib. Masyado ba akong nag-aassume at kung anu-ano na ang naririnig ko?


"H-ha?"  Hindi pa din siya nag-aangat ng tingin at nanatili ang kanyang atensyon sa ginagawa.


"Have lunch with me later."  Maikling sagot niya na parang hindi big deal sa kanya iyon. Oo, sa kanya hindi big deal pero sa akin… gosh!

Gusto kong tumawa, tumalon at sumigaw sa sobrang sayang nararamdaman.Totoo ba tong naririnig ko? Gusto kong kurutin ang aking sarili para masigurong gising ako at hindi ito isang panaginip lamang.

I was smiling like an idiot the whole time I was waiting for lunch. Parang gusto kong hilain ang oras. Halos hindi ko na din namalayan ang oras sa sobrang saya at excitement. This is the moment I have been praying for. To be near him. Hindi ko mapigilang isipin na isa itong date. God! Kinikilig ako!


Para na akong baliw kakangiti nang nasa sasakyan niya na kami. Tahimik lang siyang nagda-drive at ganun din naman ako. Kaya nga lang, may nakadikit na ngiti sa aking mga labi.

The car halted for a stop and I saw that we are in an Italian restaurant. Bumaba siya sa kanyang sasakyan. Agad din naman akong sumunod sa kanya.

“Good afternoon, ma’am, sir!” a waitress greeted us when we were finally inside.

“I reserved for two.”

“Ah! Your name, po?” The waitress smiled shyly and I know the reason why. Hindi ko mapigilang hindi mainis dahil sa pagpapa-cute nito. But then, naiintindihan ko siya. Lahat naman ng kababaihan ay humahanga kay Adam. Hindi lang dahil sa mga achievements niya kundi pati na din sa pisikal na anyo nito.

I exhaled deeply to wipe away the irritation inside me. Dapat sanay na ako, eh! Dati pa naman marami nang babaeng nagkakandarapa sa kanya. But before, he always assure me na ako lang sa buhay niya. Iba na kasi ngayon. Iba na dahil hindi naman niya ako naaalala.

“Admon Damien Cervantes.”

The waitress smiled sweetly and immediately guided us to our table. I swear I nearly rolled my eyes. Adam pulled a chair for me. Promise, I’m doing my best not to cling to his neck and hug him. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malawak kahit parang hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

“Thank you.”

He confidently took a seat in front of me. Hindi ko talaga lubos maisip na inaya niya akong mag-date. Huh! It's a date for  me!


"Stop staring. Mag-order ka na." Utos niya  habang nakatutok pa din sa menu ang  mga mata. 

“Sorry.” I snorted inside.

Kinuha ko ang menu at agad na tumingin ng o-order-in ko. Para na akong loka-loka na napapangiti. Imbes na mahiya dahil nahuli niyang nakatitig ako sa kanya, mas nanaig ang saya dahil nasa akin pala ang atensyon niya kahit may iba siyang  ginagawa. 

After the waitress took our orders and went away, I put back my attention on Adam. 

"Iniinom mo ba ang mga gamot mo?” tanong ko nang maalala ang nangyari kahapon.

"Yeah."  he answered lazily.

Tumango ako. Good.

"Eh, yang ulo mo, sumasakit pa ba?"


"Nope." Sagot niya habang malalim ang tingin sa akin.


I literally rolled my eyes. Ang tipid naman talagang sumagot!  "Mabuti naman-"  

“It was my cousin’s condo.” Putol niya sa sinasabi ko.

“What?” My eyebrows were knitted together because of curiosity.

“Yung pinuntahan ko.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ha?” tanong ko kasi hindi ko talaga siya maintindihan.

He rolled his eyes. Kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa ginawi niya. But then, I nearly burst into laughter because of his cuteness. Ang sungit, pero ang gwapo naman!


“When you saw me in the elevator. That time, I went to my cousin’s condo.”

Para akong nakahinga nang mapagtanto ang sinasabi niya. “Oh, that. So you’re not living there?” Mas lalo akong naging kuryuso kung saan nga siya nakatira.

“I don’t.”

“So… Ano’ng ginagawa mo doon?”

Jeez! Why I am asking about a private matter? I’m not even his girlfriend for God’s sake. But hey, I am right? Kaya dapat lang magtanong ako.


“We just talked about business matter.” Seryosong sagot niya habang titig na titig pa din sa akin. Hindi ko tuloy alam kung mako-conscious ba ako dahil kanina pa yang ganyang paraan ng pagtitig niya sa akin.

“So, s-saan ka talaga nakatira? Do you live with your parents or you own a place?”

Salute yourself Cres for trying to fish information about Adam smoothly. 

“I have a condo near Makati.”


Natigil ako dahil sa pagsagot niya sa tanong ko. Buong akala ko ay hindi niya na sasagutin pa ang tanong ko pero…

Near Makati? Saan naman kaya? I wanted to ask him but I don’t think it’s right. I mean, in his eyes I am just his employee..Kaya hindi dapat. Not unless sabihin niya sa akin. Then I will be very happy!

Hindi din nagtagal ay dumating na ang orders namin. We ate silently and I had  time to think what was the reason why he invited me for lunch.

“Eat. Quit staring.” He looked at me with sharp eyes.


Hindi ko tuloy alam kung paano niya nagagawang nakatuon ang kanyang atensyon sa kinakain ngunit alam niyang nakatitig ako sa kanya. Multi-tasking?

“Ang gwapo mo kasi.” Nakangising sagot ko bago ibinalik ang aking atensyon sa aking pagkain.

Nagulat ako nang maglagay siya ng vegetable salad sa plato ko.

“Eat this.” He ordered.

I smiled inwardly because of his simple gestures. Kung hindi ko lang alam na may amnesia siya, iisipin kong siya ang Adam ko.

After that earth-shattering lunch with Adam, we headed back to the office. This day is full of surprises. Normal lang ang tibok ng puso ko nang pumasok ako. I didn’t know that my heart will beat crazily today because of him.


We were so busy the whole afternoon. He had a meeting with the board until four. That's the longest meeting I had with Adam. I was so tired and drained pero siya parang hindi napagod. He was so attentive and serious the whole time yet so handsome. 


I lazily slumped my body on my chair after the meeting. Sobrang nakakapagod at nakaka-drain ng utak. I closed my eyes at hindi ko na naramdaman na nakatulog na pala ako. 


Nagising lang ako nang may tumapik sa braso ko. Kinusot ko ang mga mata at nabigla nang makita si Adam na mariing nakatitig sa akin.  Napatayo ako bigla at nagising ang buong sistema ko dahil nahuli niya akong natutulog. Kung kanina antok na antok pa ako, ngayon para na akong binuhusan ng malamig na tubig. 


"I will take you home."  Halos mabingi ako sa aking narinig. Ihahatid niya talaga ako?  

“Po?” I unbelievably asked.

Instead of answering me, he grabbed my things and started walking to the elevator. Nakatanga lang ako sa kanyang likuran habang naglalakad siya palayo. Nung medyo nakalayo na siya ay tsaka lang ako nahimasmasan. Ihahatid niya talaga ako! Gosh! Gusto ko nang magtatalon sa sobrang tuwa. It’s indeed the best day for me. Nakangiti akong sumunod sa kanya.

Naabutan ko siyang inilalagay ang mga gamit ko sa backseat. Wala na talagang mas ikasasaya pa sa araw na ito. I smiled victoriously when he opened the passenger’s door for me. After closing the door, umikot na siya at pumasok sa loob ng sasakyan.

Bumaling ako sa kanya. “Salamat sa paghatid sa akin. Bibili naman ako ng sasakyan. Kapag naharap ko na siguro.” Nahihiyang sambit ko

“I'm sorry you got tired because of the meeting.” He stated seriously while his eyes are on the road. Mabagal lang ang pagpapatakbo niya na ipinagpapasalamat ko talaga. Dahil sa nangyari sa amin noon, talagang natatakot na ako.

“Okay lang, noh? Trabaho ko naman yun.”

“Just don’t sleep again if I’m not around. Baka mapahamak ka. You’re unconscious at hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo.”


He briefly glanced at me. Grabe! Para na talaga akong aatakehin sa puso! Lord, ano po ba ang ginawa ko at napakabait Niyo ngayon sa akin? I won’t get tired doing it everyday.

“Yes, sir.” Abot-langit ang ngiti ko. Pansin ko lang, kanina pa ako masaya. Sana, ganito na lang palagi.


Inihatid niya ako hanggang sa harap ng building ng condo ni kuya. Bumaling ako sa kanya at handa nang magpaalam nang mapansin kong mariin ang pagkakatitig niya sa akin. Nakabuka ang mga labi at parang may kung anong sasabihin kaya hinintay kong magsalita siya.


“Ava…” he whispered almost inaudible. Medyo kumunot ang kanyang noo kapagkuwan ay mariing ipinikit ang mga mata.


“A-ano?” medyo kinakabahan kong tanong dahil sa inaakto niya.


Umiling siya at malungkot akong tiningnan sa mga mata. Naninikip talaga ang dibdib ko kung bakit ganito siya. May alam na ba siya? Nakikilala niya na ba ako?


Tumakas ang isang butil ng luha sa aking mata. What I would give just so he would remember me. Itinaas niya ang isang kamay para haplusin ang aking mukha. Dahil doon ay mas lalong lumabo ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha.


Sana dumating na yung araw na maalala niya ako. Na yayakapin niya ako nang mahigpit dahil miss na miss niya na ako. Na hihingi siya ng tawad dahil nasaktan niya ako. Na babalik na sa akin ang Adam ko. Ang lalaking mahal na mahal ko.






















Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon