Chapter 35

4 1 0
                                    

I am now having second thoughts about going to the wedding. Alam ko namang imposibleng darating si Adam ngunit mayroong parte sa puso ko na kinakabahan. Ranzen is Adam’s bestfriend and a close relative so he will surely come. But, no. No. Adam never stepped his foot in Limabu after the accident. So, hindi talaga siya pupunta.

Do not overthink, Ava! Please!

Pinikit ko ang mga mata na kanina pa nakatitig sa computer dahil sumasasakit na ang mga ito. Don’t stress yourself, Ava. Maaga kang tatanda!

After having lunch with Dianne and Dexter, I wasn’t productive with my work anymore. Kanina bago ako bumaba mula sa opisina ay maayos pa ang mood ko. Ngayon, hindi na ako makapag-concentrate.

Dexter asked for my number and I gave him. Itetext daw niya ako para masundo ako at sabay na kaming pupunta sa kasal.

Gusto kong hindi na pumunta. Malakas ang kutob ko na darating si Adam. Kaya lamang ay um-oo na ako kay Mona at Dexter. Ayoko naman na sumama ang loob nila sa hindi ko pagpunta.

Pilit kong iwinawaglit ang kaba sa dibdib sa buong durasyon ng trabaho pero hindi ko mapigilan.

What if I we met him at the party? Magagalit ba siya sa biglaang pag-alis ko? Or, he won’t mind seeing me because his feeling for me is not deep? Yeah. Maybe I am just assuming things. Maybe I am the only one who is really affected by all of these.

Dumaan ng mabilis ang araw kahit pa gaano ko kagustong pabagalin ang oras. Huwebes na ngayon at wala pa akong napipiling isusuot para sa kasal.

Kagagaling ko lang sa site para i-check ang progress ng construction ng commercial building. I’m wearing jeans and a white polo shirt. I tied my hair in a ponytail so that I would be comfortable from the heat of the sun.

Maayos naman ang lahat at walang problema. In-instruct ko na lang ang mga dapat pang gagawin.

Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. I opened it and saw it was from Dexter.

Dexter:
Can I visit you in your office?

Me:
Sure.

Walang pag-aalinlangan na reply ko. I told him from our last meeting where I work.

Dexter:
Thank you!

After an hour, he came in the office with paper bags in his hands. He wears white t-shirt and blue jeans. He looks simple yet handsome. I don’t deny that. He is fair and tall. You can also observe his muscles from his fitted t-shirt. He has a clean haircut, too. Oh! Iam sure his women are everywhere.

“Hi!” bungad niya sa akin. “Hindi ba ako makakaabala?” he smiled sheepishly.

“Of course, not.” My brows are furrowed but smiled at him.

“By the way, I brought you snacks. I am sorry I don’t know what you like.”

He handed me the paper bags at nahihiya ko itong tinanggap.

“Naku, hindi kana sana nag-abala pa." nahihiya kong wika. 

"It’s okay. Kakagaling ko lang kasi sa restaurant, naisip kita kaya nagdesisyon akong bilhan ka ng meryenda."

I opened the paper bags and saw  coffee jelly drink and a pasta. Mainit pa kaya bagong luto pa lang ito. Bigla naman ay kumalam ang sikmura ko.

Ilang minuto na kaming nag-ki-kwentuhan nang mabanggit niya ang tungkol kay Adam. "So, uh, does Adam know that you are here?”

Natigilan ako sa tanong niya ngunit hindi ko ipinahalata. Umiling ako. “No. He doesn’t need to know that I am here. Things are different now. We’re not meant to be together.”

"Was it hard?" Puno ng pag-aalala ang mukha niya.

Tumango ako sa kanya. "Little by little, I know I’ll make it.” Nagbuga ako ng malalim na hininga. “That is why I decided to live and stay here to forget.”

Ipinikit niya ang mga mata niya. “I’m sorry if I am being so nosy. I am just curious what really had happened to you. You and Adam… you both disappeared after the accident.”

“It’s okay. Matagal ko ding kinimkim ang lahat ng ito. It’s good I can share it now to other people.” I even smiled to lighten up the conversation.

“I know you are not yet fine talking about him. I am sorry for asking.”

“Ano ka ba? Okay lang naman pag-usapan. Parte naman ng pagmamahal ang masaktan. Medyo malas nga lang ako sa pag-ibig dahil palaging nasasaktan.” Pagak akong tumawa ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon niya. He cleared his throat and changed the topic.

Nagtagal siya sa opisina sa hapon na iyon. That’s okay because I don’t have much to do dahil ang schedule ko lang naman ngayong araw ay ang pagbisita sa site.

I had another visitor the next morning. I was surprised when Mona came to visit me. She is very different from the Mona I knew before. She wears a yellow floral dress which emphasized her fair skin. Matagal kaming yumakap sa isa’t -isa. She was one of my closest classmates during college so I kind of miss her.

“My gosh, you’re so beautiful.” Wika niya nang humiwalay na kami sa isa’t-isa.

“Ikaw din naman.” Nakangiti kong wika.

“You were so simple the last time pero ngayon? Gosh, ibang-iba kana! Well, I personally came to invite you. At tsaka I won’t let this pass! We miss you!”

Ngayon ay nadagdagan pa nga ang rason para dumalo ako sa kasal!

“Pupunta ako.”I assured her. Bahala na.

She smiled widely at me. “Great. Thank you!”

When I got home, I immediately rummaged my closet to find a dress for the wedding. Unfortunately, most of my dresses in the closet don’t fit to me anymore. Tumangkad kasi ako at mas na emphasized ang hubog ng katawan.

I disappointedly closed the closet. I decided to look for a dress tomorrow. Medyo maaga akong umalis sa opisina para pumunta sa mall. Ilang beses pa akong nag ikut-ikot dahil wala akong mapili. I stopped in a boutique when I saw this white ruffled dress. The dress is simple yet elegant so I decided to get it.

Hapon ang kasal. The couple wanted a sunset wedding in the church and the reception will be at the bride’s residence.

Simple lang ang ayos ko. I just put light make-up and I let my hair down. I paired it with white flat shoes. Satisfied the way I look, I stared at my reflection in the mirror and smiled.

I am excited and nervous. I just put in my mind that I won’t see him there. And if I do, I will just ignore  him and I will make sure we won't cross  paths. Iyon na lang ang itinatak ko sa isip ko para maging positibo sa pagdalo sa kasal. 

Dexter's black suit suits him. Maaga niya akong sinundo kaya naman ay nagmadali ako dahil ayaw kong paghintayin siya nang  matagal.  When we get to the church, we were welcomed by our classmates in college. Masaya kaming nagkumustahan sa gilid palang ng simbahan. Hindi pa    nag-uumpisa ang kasal at kasalukuyang inaayos pa ang entourage. Medyo madami na kami doon at ang mga tao ay napapatingin na sa amin. Medyo maingay din kasi kami.

I tightly embraced Rocelly. Oh, I miss her! I observed a lot of changes in them. They all matured beautifully.

Sinabihan kami ng wedding coordinator na pumasok na sa loob at magsisimula na ang kasal. Pumasok na kami at sa likod na umupo dahil puno na ang harapan.

Luminga-linga ako sa loob ng buong simbahan. I was quite relieved when I didn’t see any trace of Adam’s presence. I am right. Hindi nga siya pupunta. Dahil doon ay nakahinga ako nang maluwag.

My attention was on the couple the whole time. Nakangiti ako habang pinapanood ang mga reaksiyon nila. I smile when they smile and I cry whenever the scene is touching. And when they exchanged their vows, I was smiling and crying like a fool.

Ako kaya, will I ever experience this? The feeling of being in love again? And the feeling of getting married?

Matagal natapos ang kasal. Mas lalo pang tumagal noong nag picture taking na. The photographer called us and had a group picture.

Pagkatapos ‘nun ay dumiretso na kami sa reception. May kanya-kanya naman kaming dalang sasakyan kaya nauna na.

Nasa reception na kami nang makawala si Mona sa asawa niya at magtungo ito sa kinaroroonan namin. “Congratulations.” I kissed her cheek.

“Thank you! Dito na kayo ni Dexter.”

Tumango ako sa kanya at lumapit na kami ni Dexter. Kasama namin sa table sina Isaac, Clint at Rocelly.

“Enjoy your food. Maiwan ko muna kayo at babatiin ko pa ang ibang bisita. Harapin ko ulit kayo mamaya, okay?”

I smiled at her before waving my hand. Naagaw ang atensiyon ko at bumaling kay Isaac nang magsalita ito.

“You look beautiful, Ava. Kailan ka pa dumating dito?” nasa tapat ko siya samantalang ang katabi ko naman ay si Dexter at Rocelly.

“Two months already.”

“I see. Tagal namin kayong hindi nakita ni Adam, ah?” medyo malakas na tanong niya dahil medyo malakas na din ang tugtog

“I stayed in America for years. How about you, where do you work now?” pag-iiba ko sa usapan.

“I am helping my family’s business here in Cebu.”

Tumango-tango ako sa kanya. Naagaw lang ang atensyon ko nang tawagin ako ni Rocelly para kumuha ng pagkain.

“Excuse us boys, kuha lang kami ni Ava ng pagkain.”

While we are eating, there was a short programme made for the couple. Few relatives and friends speak in front to congratulate the couple. After that was a presentation of some of their friends. Mas nabuhay ang dugo ng mga tao dahil magagaling silang sumayaw.

Nakapagbihis na ang mag asawa at nag-iinuman na ang mga natira. The oldies and children went home and rested already. Alas y diyez na din kasi ng gabi.

I decided not to drink because I still have to drive. Umiinom ako pero ladies’ drink lang at paminsan -minsan lang ang shot na ginagawa ko.

Antok na antok na ako dahil kadalasan naman alas nueve pa lang ay natutulog na ako. Gusto ko na sanang magpaalam ngunit nahihiya naman ako. Nasa kalagitnaan pa lang kasi ng katuwaan at inuman.

Nagulat ako nang magkagulo doon sa may pintuan. They are cheering over something and they are laughing hard. I can’t see it yet because they are blocking my vision.

Kaya ‘nung nahawi ang mga tao dahil nagsiupuan na ang iba ay halos matumba ako sa kinauupuan dahil sa pag-ikot ng aking mundo. Akala ko ay ayos na. Akala ko ay hindi na siya darating. Nakahinga na ako nang maluwag kanina, eh! Now, he showed himself so freaking handsome!

My eyes are glued at him and I am deep rooted in my seat. Gustong-gusto kong ilayo ang mga mata sa kanya pero… sobrang na-miss ko siya!

Ano ba kasing ginagawa niya dito? Of course, attending his bestfriend’s wedding! I am dumb for thinking he won’t attend. He already did!

He lifted his face and found my gaze. Our eyes were locked. My heart turned somersault. I couldn’t stop looking at his beautiful eyes.

I can’t read his expression. Siya ang unang nagbawi ng tingin. Napalunok ako at napatuwid ng upo. Para akong hinahabol dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.

“He came.” Dexter whispered.

I clenched my jaw as the nervousness of my heart intensifies.

“Adam, dito.” Tawag sa kanya ng isang pinsan niya doon sa table namin. Napapikit ako sa labis-labis na kaba. Akala ko talaga hindi na siya pupunta pero nandito na siya sa harapan ko!

Dahi doon ay napainom ako ng shot ko.

“Ava, si Adam oh!” rinig kong hiyaw sa kabilang table. Hindi ko siya gaanong kilala pero namumukhaan ko siya.

Malakas ang pagkakasabi niya kaya tiyak rinig iyon ng lahat. Mahina na kasi ang tugtog ng musika dahil nagkukwentuhan na. Dahil doon ay mas lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko at mga kaibigan ni Ranzen

Uminit ang pisngi ko dahil doon. I didn’t dare looked at Adam. Gusto ko nang takbuhin ang pintuan at umuwi na dahil sa sobrang hiya.

He doesn’t know about us. He forgot about us. Paano pag nalaman niya ang  totoo? I left him and now he's here  hearing the truth. Paano na lang kaya ito?  I bowed my head. 

"We didn't hear about you two, kayo pa ba?" naghiyawan ulit ang lahat.  Hindi ko na ata kakayanin at hihimatayin na ako sa sobrang hiya. I bravely looked at Adam and found him seriously looking  at me. His eyes are dark. I’m doomed. 

"Ano na, Ava?” 

Mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. I planned not to answer them but for their  peace of mind... “Wa-wala na.”  Shit! Bahala na bukas dahil ngayon ay madilim na madilim na ang kanyang  mukha. Ngayon ay alam niya na ang totoo. Kaya hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Ano kayang tumatakbo sa isipan niya? Galit ba siya dahil itinago ko kung sino talaga ako sa buhay niya?

"Aw!” they exaggeratedly said.

I can’t  take it anymore. I stood up to go to the restroom because if I will still stay here longer, I will probably faint. Like, literally.

Pumasok ako sa loob para lang maghugas ng kamay at makahinga nang maayos. I stayed there for minutes. Hoping that if I go back, the topic had changed.

I breathed heavily before I decided to go out the comfort room.  Palabas pa lang ako ng pinto nang makitang nasa labas si Adam at mukhang inaabangan ang paglabas ko. He is leaning against the wall while his hands were crossed on his chest.

Kumabog nang mabilis ang puso ko. Here I am evading him but he has still followed me.

“Can we talk?” his voice is dangerous.

I hesitantly looked at his face. I know this is inevitable. This time will come but I am not yet ready to face him. Not now, at least.

“There is nothing to talk about.” I equalled the intensity of his voice and gaze.

“There are lots to talk about.” Mas madilim na sambit niya. Alam ko. Alam kong magulo ang isipan niya dahil sa mga narinig niya. Alam kong gusto niya ng kasagutan but I don’t think I could give it to him.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mas umalab pa nga ang galit niya. What now? Is he going to ask me about the past? May saysay pa ba kung malalaman niya? He cannot even remember me, hindi na iyon importante!

I guess, it’s better this way. Yung hindi niya ako naaalala. Wag nang guluhin pa ang isipan niya! Wala din siyang nagawa nang lagpasan ko siya.

Nagulat pa ako sa bagong ayos ng mga table ngayon. Ipinagdikit-dikit ang dalawang lamesa at iyong mga upuan. Iilan na lang kasi kami ngayon, ang iba ay umuwi na.

I bit my bottom lip to lessen the intensifying nervousness. Dahil mas malapit na kami ngayon sa isa’t-isa.

May nakakalokong ngiti sa amin si Mona nang umupo ako. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na sa tabi ni Dexter. Samantalang seryoso ang tingin sa akin ni Ranzen. Nang nahuli ko ang tingin niya ay bigla siyang umiwas.

Adam sat in the vacant chair in front of me! Look at that! Sa harap ko pa talaga! Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha itong lakas ng loob ko na umupo dito. Mas lalong hindi ako mapapanatag nito.

“I didn’t expect you two will get married really soon.” Halos manlambot ako nang marinig ang boses niya. Grabe! Miss na miss ko siya! Pati boses niya ay nakapanlalambot ng tuhod.

“Wala, gusto ko na itali kaagad, eh.” Si Ranzen na nakangiti sa asawa. Mona only giggled heartily.

Napangiti ako dahil doon kahit papano. Nagkantiyawan naman ang mga kalalakihan.

“Here, Ava.” Inabot sa akin ni Mona ang isang baso ng hard drink.

I don’t have a plan to get drunk tonight pero tinanggap ko naman. Nilagok ko iyon at napapikit ng mariin sa mapait na lasa nito.

“Maglalasing ka?” tanong ni Dexter sa aking tainga. May pag aalala sa boses nito. Siguro iniisip niyang magdadrive pa ako. 

Umiling ako dahil umiinom pa ako ng tubig.

"Ihahatid kita mamaya. Gabing-gabi na." 

"Si-sige."  Iniisip ko din iyon kahit pa may sasakyan naman. By this time kasi halos wala nang  mga tao at sasakyan sa kalsada. 

I accidentally turned my head to Adam. I caught him darkly looking at me while playing with his own glass of liquor. Pansin kong hindi siya masyadong nagsasalita. Madalas ay sumasagot lang sa mga tanong kasi ano namang sasabihin niya, diba? Eh,may amnesia siya!

Kahit papaano ay masaya ako dahil  hindi sumakit ang ulo niya ngayon. Siguro depende iyon sa kung sino ang makakasalamuha niya.

Pagpatak ng alas dose ay nagyaya na ako kay Dexter na umalis. Inihatid kami ng mag-asawa sa gate ng bahay nila Mona. Adam is still there, I don’t know if he will stay long or not. Tumayo ako na hindi tumitingin sa kanya hanggang sa makaalis na. Halos matumba ako dahil sa panginginig ng mga paa. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin.

Inihinto ko ang sasakyan sa harap ng gate. Tumapat ang sasakyan ni Dexter sa akin. “Thank you. Drive safely.” Pagkatapos kong nagpasalamat sa kanya ay umalis din siya kaagad.

Nagulat ako nang may isa pang sasakyan sa likod ko. I stopped for seconds para padaanin ang sasakyan but it stopped behind me. Napakunot tuloy ako ng noo. Muli kong tinignan sa rearview mirror ang sasakyan sa likuran pero hindi gumagalaw. The engine is on, though.

I nervously stepped on the gas and drove my car inside the house. I have a hunch who is that. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko magawang huminga nang maayos. Ano’ng  ibig sabihin ng lahat ng ginagawa niyang ito? Bakit pa niya ako sinusundan? Bakit galit ang kanyang mga mata? Bakit nakakatakot ang mga titig niya?

Seeing his car pass was like a déjà vu. It brings me back to the time when we are still happy. But things are different now and complicated. We can never bring back the love that we had.

The love that we have before, however strong and beautiful, is just a memory we can’t dwell on forever.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon