That night, Adam texted me that he’s already home. Actually, he’s always informing me his activities but I never texted him back.
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para tumulong sa mga gawaing-bahay. Nagwawalis na ako sa bakuran nang tawagin ako ni manang Esther.
“Ava, pinapatawag ka ng tita mo.”
“Opo.” Magalang na wika ko at nagmamadali nang pumanhik sa loob ng bahay.
“Pinapatawag po ninyo ako, tita?”
“Halika, saluhan mo ako sa pagkain huwag ka nang tumulong sa mga gawaing-bahay.” Malambot ang ekspresyon na kanyang mukha. Napangiti ako dahil doon. “Pasensya kana, anak. Ginawa kitang katulong noon, sinaktan, pinahirapan. I’m really sorry, Ava. Simula ngayon, hindi mo na kailangan pang tumulong sa mga gawaing-bahay. All you have to do is study.”
“Naiintindihan ko po. At tsaka may naitulong nga eh, marunong na ako sa mga trabaho dito at hindi na ako nakakabasag ng mga plato.”
We both burst out laughing. “Oh, I can still remember you almost broke all our plates! Halos araw-araw kung inuutusan si Mildred na mamili ng mga plato.” Umiling pero maaliwalas ang kanyang mukha.
I had a great time talking with tita. I miss this kind of bonding with her. Back in Manila, we used to be really close. Palagi niya akong dinadalaw doon kahit pa dito sila naka-base. I love how events turned. Hindi ko naisip noon na aayos at babalik sa dati ang pakikitungo sa akin ni tita.
We talked about so many things but never touched the topic about mommy. Hindi ko alam pero ayoko munang makarinig ng anumang impormasyon tungkol sa kanya. Masyado pang masakit ang katotohanang iniwan na talaga ako ni mommy.
After we ate breakfast, umakyat na ako para makapag-ayos ng sarili. Pababa na ako sa hagdanan nang may marinig na nag-uusap.
“She’s so cute, right? At eto naman, umiiyak siya noon dahil natanggal ang ngipin niya sa harap.” Narinig kong humalakhak si tita.
Nagmadali akong bumaba sa hagdan. Ganun na lamang ang gulat ko nang makitang ipinapakita ni tita yung album ko noong bata ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagkapahiya.
“Tita, naman eh!” nakasimangot kong maktol.
She just laughed at my reaction but didn’t close the album. I looked at Adam and saw amusement in his eyes. I rolled my eyes at him. Nakakainis na pinagtatawanan niya ako doon sa picture! Ang pangit ko kaya doon!
“Tara na.” nakasimangot kong wika kay Adam. I approached tita and kissed her cheek. I felt a little awkward dahil ngayon ko na lang ulit ito magagawa. But I did it, anyway. “ Alis na po kami, tita.”
“Mag-iingat kayo. Adam, yung bilin ko sayo, ah?”
Tumayo siya at lumapit sa akin. “Opo. Huwag po kayong mag-alala.” Magalang na sagot niya.
Kumunot ang noo ko. Ano kaya iyong bilin ni tita? Umalis na kami at sumakay sa sasakyan niya. “What did tita tell you?” nakataas ang kilay na tanong ko.
I can see a smug look in his face. “Wala naman.”
I hissed but he just laughed at me. “ By the way, hindi pala kita masusundo mamaya. May importante lang akong gagawin.” He glanced at me. His face now became serious.
I wanted to know what it is pero hindi na ako nagtanong pa. Alam kong wala akong karapatan kaya itinikom ko na lang aking bibig.
My eyes are on the road. “Okay lang, may gagawin din naman kaming project doon kina Mona.”
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...