Mabilis na dumaan ang mga araw. Ang pag-anyaya sa akin ni Adam na kumain sa labas at ang paghatid sa akin ay parang isang panaginip lamang. Dahil ang mga nangyaring iyon ay hindi na muling nasundan pa.
That was why I can’t help but think that he only did that because he wanted to treat me because I am his new employee. Like, getting to know me. Pero imposible namang gagawin iyon ng isang may-ari ng kompanya. He’s always busy. Ano yun, he will always make time to get to know his employees?
Pero paano naman kung gusto talaga niyang kilalanin ang mga bagong tauhan niya? Making sure he could trust them? It is his company, after all. Kaya… baka nga. Baka iyon ang dahilan.
I exhaled deeply. Hindi ko na alam kung ano’ng iisipin. This past few days is an up and down for me. Oo, hindi na siya kagaya noon na sobrang sungit. He talks to me now but it’s about work only and nothing more. I should be glad that he is alive. That he has already reached his dream. Na nakapagpatayo na siya ng sarili niyang kompanya na hindi umaasa sa kompanya ng pamilya niya. Na nakagawa na siya ng pangalan sa business world.
But I cant find myself happy at this moment. Sometimes I am thinking that I am not being fair. Ilang beses kong hiningi sa Diyos na sana buhay siya. Na sana makita at makasama ko ulit siya. Yes, he is near me yet so far. I cannot reach him, and it really breaks my heart into million pieces. Akala ko kapag buhay siya, magiging masaya na kami. Sa iba na pala siya sasaya. Paano naman ako? I just can’t let go of him. I can’t!
Pagod kong ibinaba ang mouse ng aking computer. I am relieving my stress by making designs for Vandross' uncle's condominium. This project was not given to me, kaya lang ay pinagkatuwaan ko lang gawin para gumanda ang pakiramdam and I don't have much to do today. Medyo matagal na din noong huli ko tong ginawa, sa TCD pa. Kaya naman sobrang na-miss ko ang ganitong trabaho ko dati.
The elevator opened and I was startled by the noise. Hindi ko alam na mas magugulat pa pala ako dahil ang dalawang taong lumabas sa elevator ay si tita Dana at katrina. My heart is beating so loud and I feel numb that I was deep rooted on my seat. The moment they saw me, shocked was written on their faces.
I looked at Katrina who looked so sophisticated with her yellow Hermes bag on her hand. And from being shocked, it turned into anger. Why would she be angry at me? Diba dapat ako ang magalit? Adam and I met an accident. I was in the hospital for six months because of coma. Yes, I woke up but only to hear the news that Adam is fucking dead. I lived my life filled with loneliness. At ngayon malalaman ko na ang boyfriend ko ay magpapakasal na sa kanya. Hindi ba pwedeng magalit din ako? How about my feelings?
Sunod kong tiningnan si tita Dana. Her face is serious and determinaion is in her eyes. Gusto kong magmakaawa sa kanya. Gusto kong sabihin niya kay Adam ang totoo. Na ako talaga ang girlfriend niya.
“What are you doing here?” galit na galit na tanong ni Katrina. Nanlilisik ang kanyang mga mata. “Bakit ka pa bumalik dito? Diba maayos na ang buhay mo sa America? TCD has offered you a great job. Kaya bakit ka pa bumalik dito?”
Nagulat ako sa sinabi niya. How come she knew these things? Hindi kaya…
“Hija, calm down.” Tita Dana stopped her. She held her right hand to stop her from shouting at me.
Katrina stopped but then I can still see her burning anger. Tila ayaw magpaawat pero dahil na din siguro sa respeto niya kay tita kaya tumahimik ito.
“Kat, I want to talk to Ava privately. Mauna kana sa opisina ni Adam.” Utos ni tita Dana
Katrina nodded at her and gave me a victorious smirk before she entered Adam’s office. Sinundan ko siya ng tingin habang taas-noong pumasok sa loob.
“Ava…” Bumaling ako kay tita na seryosong nakatitig sa akin.
Now is the chance that I had been waiting for. Napakadami kong gustong itanong pero parang naumid ang aking dila. Parang sa sobrang excitement ko ay nakalimutan ko na ang mga gusto kong itanong. At this moment, I just want her to talk. I just want to listen about the truth.
“You shouldn’t have come back, Ava.”
Ang mga salitang iyon ay parang pasabog na dumiritso sa aking puso. Sobrang sakit. I shouldn’t have come back? Bakit? Para saan at hindi na ako dapat bumalik pa? Para hindi masira ang kasiyahan nila? Para ang tumatak sa aking isipan ay patay na si Adam at habang-buhay akong magdusa habang sila ay nagpapakasaya?
Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. “Ma’am-
Malungkot siyang tumitig sa akin. “The accident. It gave a terrible pain and impact to Adam.”
Is this about the migraine?
“He did not remember you-“
“Then why didn’t you tell him the truth? Na ako naman talaga ang girlfriend niya? Bakit niyo po siya ipapakasal sa iba?” tinatagan ko ang loob kahit nanginginig na ako sa galit. Tumutulo na din ang aking mga luha.
“Because Katrina can take care of him.”
I laughed sarcastically. Ako? Hindi ko ba siya kayang alagaan?
“Ma’am, I can take care of him. Bakit ipinagkakait niyo sa akin ang karapatan ko bilang girlfriend niya?”
Bumalik ang determinasyon sa mukha niya. “Please, Ava. I am doing this for my son. You are a beautiful and smart woman. I am sure you will find another man. Just not my son. The accident has brought impact to our family. Ayoko nang may mangyari sa anak ko.”
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nawiwindang ang utak ko sa lahat ng sinabi niya.
“Please, Ava. Hayaan mo na ang anak ko.” Lumambot ang kanyang mukha.
Hindi pa din ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Patuloy lang na tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko akalain na lalambot ng ganito ang kanyang mukha. Isang ina, nagmamakaawa sa akin na layuan ko ang anak niya. Ang anak niya na mahal na mahal ko. Ginagawa niya ito hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya.
Susundin ko ba siya? Makakaya ko kaya?
Unti-unting ang pinipigilan kong hikbi ay nakawala sa aking bibig. Bakit napakahirap ng buhay? I woke up from a coma only to feel this pain. Sana… Sana hindi na ako nagising pa. Nang sa gayun ay hindi ko na nararamdaman ang hapdi ng aking puso.
Pero agad-agad kong iwinaglit ang isiping iyon. I thought about mommy, kuya Kael, tita and ttito For sure they will be miserable and sad if ever they lost me.
She is looking at me now with pity. “I’m sorry…”
Hindi ko inaasahang mag so-sorry siya sa akin. Concern was in her voice. She heaved a deep sigh at iniwan na ako. She entered Adam’s office with grace and sophistication as though she didn’t hurt someone.
Naiwan akong gulong-gulo ang utak. How come Katrina knew about the offer for me in TCD? Oh my gosh! Hindi kaya kinausap talaga nila si Mr. Thompson para lang hindi na ako bumalik dito sa Pilipinas? Did they really go that far just so I won’t meet Adam again?
But then Mr. Thompson was the one who recommended me here. Ano ba talaga?
I went to the comfort room to fix myself. I do not want people to see how terrible my face is. More so, Adam. Nagpasalamat ako sa sarili dahil tinapos ko na ang lahat ng trabaho ko kanina. I do not have anything to do anymore.
I looked at my wristwatch and saw that it is already past three in the afternoon. That would mean I still have more than an hour to wait. Gusto ko nang umuwi. Gusto kong pag-isipang mabuti ang lahat ng ito.
Pagkatapos ng trenta minuto ay bumukas ang pinto at iniluwa nun sina Adam at Katrina. My gaze immediately landed to Adam. He is looking at me intently. Ito ang tinging nakakapagpahina sa akin dati pa.
I immediately looked away. Kahit pa gustong-gusto kong tingnan sila, ayokong gumawa pa ng eksena.
Katrina arched her brow at me. Hindi rin naitago sa mga mata ko ang mahigpit na paghawak niya sa kanang braso ni Adam. The way she’s holding him, it tells me that all the rights are hers. That she owns Adam in every way.
Tita Dana was behind them. She just looked at me seriously before she resumed walking. Huminga ako ng malalim pagkatapos nilang dumaan sa harapan ko. Hindi ko namalayan na pinipigil ko pala ang aking paghinga noong nasa harapan ko sila.
Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Sobrang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Noong muling bumukas ang elevator ay kumabog agad ang dibdib ko. Hindi nga ako nagkamali at si Adam ang iniluwa nun. Well, sino pa ba? He is walking like a king and he didn't fail to always catch my attention. He stopped his tracks in front me. He is clenching his jaw at parang may gustong sabihin
He was seriously looking at me but then he resumed walking and went inside his office. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto niya. Kung may gusto siyang sabihin, bakit hindi niya kayang sabihin sa akin? Bakit parang may pumipigil sa kanya?
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama pero ramdam ko pa din ang aking pagod. I am so tired physically and mentally.
Tinanghali ako ng gising kinabukasan dahil hindi din ako nakatulog ng maaga kagabi. Parang sasabog na ang utak ko sa sobrang pag-iisip. Nevertheless, I still had the energy to cook sinigang na baboy for Adam. Habang pinapakuluan ang niluluto ay naligo na din ako.
Alam kong pinagsabihan at pinakiusapan na ako ni tita Dana na layuan si Adam. Pero gusto ko pa din siyang ipagluto. Sa loob-loob ko gusto ko siyang ipaglaban. Gusto ko kaming dalawa.
Pero iniisip ko ang sakit na mararamdaman ni Adam kapag nasa tabi niya ako palagi. Tama nga siya. Masasaktan lang si Adam dahil sa akin kaya di na dapat ako bumalik pa.
Ipinikit ko ang mga mata sa naisip. I wanted to become selfish and stay, pero makakaya ko bang makitarng harap-harapang nasasaktan si Adam? How many times did I already witnessed Adam suffering in pain because of me? Ang hirap makitang nahihirapan siyang ganun. Pero… makakaya ko nga bang tantanan na siya para lang hindi niya na maranasan pa ang sakit? Darn! Ewan ko! Hindi ko na alam!
Akala ko ay mali-late ako pagpasok pero sakto lang naman ako sa oras. Buti na lang at binilisan ko ang galaw ko kanina.
Feeling gloomy and sad, I walked to my desk and put all my things on my table. Adam is already inside at agad akong nagtimpla ng kape niya. I knocked in his door before I went inside. I saw him busily reading something on his desk. Nakakunot ang kanyang noo pero mas lalo lang iyong dumagdag sa kagwapuhan niya.
“Good morning, sir. Coffee?"
Ibinaba niya ang binabasang mga papel at tumitig sa akin. Kinakabahan naman akong lumapit sa kanya para ilapag ang kape niya. He is staring at me deeply so I thought that he is waiting for me to inform him his schedule for today.
"Today is your scheduled visit at Polavieja Enterprises. That is until lunch. And, ahm…”
I am totally nervous because he can’t quit staring at me. Naiilang ako sa hayagan niyang pagtitig sa akin. Ni hindi man lang nahiya sa lantaran niyang ginagawa. Hindi ko tuloy siya matingnan ng diretso.
“And?” he asked while still staring at me. He’s playing with his ballpen in his hand. I sighed. He looked so freaking hot.
“1:00 p.m you have a board meeting. That’s all your schedule for today”
I bravely met his gaze. Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya. This is what you want? Okay! Magtitigan tayo maghapon!
His eyes moved to my lips. Shit! That was so unexpected! I Swallowed hard at his actions. Hindi din nagtagal at nag-iwas na siya ng tingin sa akin. Oh, ano di mo kaya? Come on, magtitigan pa tayo! Nakakabitin ka sir, eh!
“Okay.” He huskily replied.
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at bumuntong-hininga. I silently went out from his office. Pagkalabas na pagkalabas ko ng kanyang opisina ay doon lang ako nakaramdam ng ginhawa. Pigil na pigil ko ang aking paghinga. Shete! Magkakasakit pa nga ata ako sa puso!
Nag-aayOs ako ng mga gamit sa lamesa ko nang maalala na sa labas nga pala siya ngayong umaga until lunch. That means he will eat lunch outside. Bakit ba kasi hindi ko naisip na tingnan ang schedule niya bago nagluto?
Ipinikit ko ng marin ang mga mata bago nagdesisyong tumayo at kunin ang lunchbox para ibigay sa kanya.
Pagpasok ko sa opisina niya ay ganun pa din ang ginagawa niya, nagbabasa.
He lifted his head at nagtama ang mga mata naming dalawa. Itinaas ko ang dalang tupperware para ipakitang ibibigay ko iyon sa kanya.
“I cooked sinigang na baboy. Madaming sobra kaya îbibigay ko na lang sayo.”
I handed him the tupperware but he just folded his arms. I can clearly saw how his muscles flexed. Wooh, hot!
Hindi siya nagsalita kaya dinugtungan ko na lang ang sasabihin ko. “Sa labas ka nga pala kakain, noh? I-ibibigay ko na lang pala to kay kuya Lex.” Kuya Lex is his personal driver. Medyo close na din kasi kami.
Pero hindi ko alam kung totoo ba tong nakikita ko sa mukha niya. His face became grim and his lips formed into a thin line.
Tatalikod na sana ako para makaalis na dahil nakaramdam ako ng takot sa mga mata niya nang bigla siyang nagsalita.
“That's mine, right? Bakit mo ibibigay sa iba? I am so hungry. I didn't eat breakfast."
Para akong nabingi sa narinig mula sa kanya. Ano raw? Kakainin niya? What about his lunch outside?
Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kanya at inabot ang dalang tupperware.
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...