True enough, kalalabas ko lang ng banyo ay tumawag si Adam sa cellphone ko. He said that he’s already home. Habang kausap siya at naririnig ko ang malalim niyang boses ay pinag-iinitan ako ng pisngi. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang nangyari kanina. How he took me. How he touched and licked my sensitive parts. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Mas lalo akong pinagpapawisan.
“Feeling better now, baby?”
“Ah, yes.” Para akong magdedeliryo dahil sa tanong niya.
Ngunit hindi din kami nakapag-usap nang matagal dahil kumatok sa aking pinto si tita. Agad akong nagpaalam kay Adam nang pumasok siya.
May pag-aalala sa mukha ni tita. “What happened, Ava?”
“Na-nagkaroon lang po ng hindi pagkakaintindihan. We went to their mansion, tita.”
She sat on my bed while watching me intently. “And? Bakit kayo nag-away? Babae? His parents against you? Or…?” hindi magkandaugagang tanong niya.
“Nalaman ko pong ipakakasal siya sa iba. But we’re fine now. Adam cleared himself that he won’t marry her. He loves me, tita. He took me to their mansion to properly introduce me to his mom.”
Doon pa lang nagliwanag ang mukha niya. Simula kasi noong nagkaayos kami, she became protective of me. Or, noon pa man talaga niya ako pinoprotektahan. Being mean to me was just her façade to protect me.
“And? What did his parents tell you?”
“Ang mama niya lang po ang naroon. Tsaka hindi din kami nakapag-usap kasi umalis din kami kaagad.”
Tumango siya kapagkuwan ay may naalala. “You are sick?” parang napapaso ako sa mga titig niya. Paano ba naman ,wala naman talaga akong sakit. I mean, may masakit sa akin pero… sa ibang dahilan naman. Pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko.
“O-opo.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Okay. Hintayin mo ang pinaakyat kong dinner mo at gamot.” Bago umalis ay sinalat muna niya ang noo ko. “Pahinga ka.”
“Salamat po, tita.”
Pagpasok ko kinabukasan ay namataan ko si Katrina na naghihintay sa labas ng room namin. May pakiramdam ako kung ano na naman ang sadya niya sa akin.
I walked towards her, mas matapang na ngayon. I only stopped when I am in front of her. I can clearly see the swellness of her eyes and hatred towards me.
Kahit papaano ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. And I can’t help but to feel sorry for her. I know how it hurts because I also felt the pain when I thought Adam didn’t love me. I also cried a lot and couldn’t accept the truth easily.
“Are you happy now? You ruined my life. Sinira mo ang lahat! Yes, we were just fixed. But I love him so much!” tears start to fall from her eyes. Hindi ko maiwasang hindi masaktan at maawa sa hitsura niya ngayon.
“I’m sorry-
“Sorry?! Kung hindi ka naging malandi, hindi mawawala sa akin si Adam!” galit na galit na wika niya habang umiiyak.
Naipikit ko ang aking mga mata. Pilit kinakalma ang sarili na huwag magalit kundi intindihin siya. Because I know where she’s coming from. I should understand her. I am a woman and I know how it feels.
“Hindi ko siya nilandi. Let’s say, I didn’t come in his life, hindi pa din siya magpapakasal sa’yo. Bakit? Because he doesn’t love you.”
Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang palad niya sa pisngi ko. Parang bulkan na pumutok ang pinipigilan kong inis. Nagpapakumbaba ako at iniintindi ko siya pero huwag namang dumating sa puntong sasaktan niya ako. Dahil sa inis ay sinumbatan ko siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...