Chapter 34

4 1 0
                                    

Kinaumagahan ay maaga ngang umalis sina Cassie, Lyca at Vandross. Sumama akong naghatid sa kanila sa airport kasama si tita at mommy.

Niyakap nila ako ng mahigpit, nahihirapang umalis. Si Vandross ang huling yumakap sa akin. Hindi man magtagpo sa gitna ang aming nararamdaman, mahalaga pa din ang aming pagkakaibigan na hindi ito basta-basta masisira.

“Ang bilin ko sayo, ha? Ingat ka dito palagi.” Wika niya habang hinahaplos ang ulo ko.

I don’t know why it is more emotional now than in New York when I went home. Siguro dahil na din sa malungkot na estado ngayon ng puso ko kaya sobrang bigat. They helped me a lot to relieve the pain. Ngayong aalis na sila ay para akong nanlulumo.

“I will. Salamat.”

Lumingon ako sa dalawang kaibigan na nakamasid sa amin. “Salamat sa pagsama sa akin dito. Ingat kayo palagi.” I smiled at them weakly.

“Mag-ingat kayo mga anak. Salamat sa pagmamahal at concern niyo sa anak ko, ha?” si Mommy na nakangiti sa kanila.

“Sure, tita.”

“You can visit whenever you want, okay?”

“We will po. Bisitahin po ulit namin kayo.” Nakangiting sagot ni Lyca.

Pagkatapos 'nun ay pumasok na sila sa loob. Mabigat ang loob ko nang sumakay kami sa van.

“Naku! I’ll definitely miss those kids.” Madamdaming wika ni tita.

“Yeah, me too. You have great friends, anak.”

“Opo, mommy.” Maikling sambit ko.

Pagdating namin sa bahay ay kinausap kaagad ako ni tito tungkol sa plano kong magtrabaho sa kompanya. He was happy when I told him I will help in their company. Si kuya Kael naman kasi ay busy na din sa career niya kaya wala nang ibang inaasahan si tito.

“I can put you as the head architect of the company, Ava.” Tito said confidently.

Maagap akong umiling. “No, tito. Ayoko po ng 'ganun. I want to earn my position po. At tsaka naniniwala po ako’ng may mas magagaling pa sa akin.”

“I believe that you can do better, too.” Tipid na ngumiti sa akin si tito. “Well, if that’s what you want, then it’s okay. Masaya ako at naisipan mong tumulong sa kompanya, hija.”

“Opo, tito.”

“You know your mommy and tita. Ikaw ang bukambibig kaya mas magandang nandirito ka.”

Tita Celestine butt in. “Of course, nag-aalala kami kasi nasa malayo siya. Walang mag-aalaga sa kanya doon.” Wika niya pagkatapos ay uminom sa kanyang orange juice.

“Kagaya na lang ngayon.” Makahulugang wika ni mommy.

Huminga lang ako nang malalim at hindi na nagkomento pa ni tumingin kay mommy. Itinuon ko na lang ang atensyon sa basong may laman na parang may interesting na bagay doon.

“May balita ka na ba kay Adam, hija?” Si tita Celestine habang nakakunot ang noo. Napatigil ako sa paglalaro sa aking baso. I sighed weakly. This is a topic I never wanted to touch. Parang kasing binubudburan ng asin ang sugat sa puso ko. Sobrang sakit pa pag-usapan.

Well, I understand her. Compared to mom, mas malapit siya kay Adam dahil naipakilala ko si Adam sa kanya. Si mom kasi, never pa niyang na-meet si Adam. Kaya naiintidihan ko ang pagiging kuryuso niya sa mga nangyayari.

“Wala na po, tita. I don’t try to contact anyone in Manila to ask about Adam.”

“Mas mainam na iyan, anak para maka move-on ka.”

I just pressed my lips. Ayaw nang magsalita pa. Tumango-tango naman si tita sa kanya bilang pagsang-ayon.

I doubt it if I could ever move on. Noong sa New York nga ilang taon man ang nagdaan ay hindi pa din siya nakalimutan ng puso ko. Ngayon pa kayang alam kong buhay siya?

But... will I ever love again? Inisip ko nga, tatanda kaya akong dalaga? Because I think I can’t love somebody else other than Adam. Kung magmamahal man ako, kailan kaya? Gusto kong matawa. Ni hindi pa nga ako nakakamove-on, iyan na agad ang iniisip ko!

Kinaumagahan ay pumasok na ako sa trabaho. Well, hindi naman trabahong office works agad. Ipinakilala lang ako ni tito sa mga empleyado niya at ipinasyal.

I can’t help but compare the staffs in Adams’ company and here. Ang mga ka-team ko sa dating trabaho ay madadaldal at maiingay, samantalang dito naman ay tahimik lang sila. But I can't tell it yet because I just met them. I will get to know them more. But overall, they are kind and polite. 

Sa sunod na araw nga ay sumalang na ako sa trabaho. Unlike in Dela Serna  Construction and Development, Inc. they have lesser projects here.  There is a new project that they handled  to me and that is the construction of a new commercial building in the city. 

Hindi ko inaasahang lalakad nang mabilis ang araw. Isang buwan na ang mabilis na lumipas. Kasundo ko na halos lahat ng empleyado ni tito. Gaya ng impresyon ko noon sa kanila, mababait nga sila. 

Sanay na sanay na ulit ako dito. Pati na din sa working place ko. I had decided to fill my schedule everyday. I was doing it to completely forget Adam. Kasi kung may mga pagkakataon na wala akong ginagawa, siya at siya lang ang naiisip ko.

I made sure that my schedule is full and I am tired of work so when I get home, I will be easily drifted to sleep.  Ganoon palagi ang routine ko sa nakalipas na isang buwan. Pero mayroon pa ding mga pagkakataon na naiiyak na lang ako. Yung nagtatrabaho ako tapos biglang sumasagi sa isipan ko si Adam at mapapaluha na lang ako.  Minsan naiisip ko din na kumustahin ang mga dating katrabaho kaya lang ay baka hindi ko mapigilang magtanong tungkol kay Adam, kaya wag na lang. 

Siguro makakaya ko na ngayon na kalimutan siya dahil desidido na ako. Hindi katulad noon na ayaw ng puso ko na kalimutan siya. Ngayon, makakaya ko na. Dahil para naman sa kanya ang lahat ng sakripisyo kong ito.

Nagsusuklay ako ng buhok isang gabi    para makapagpahinga na nang tumunog ang cellphone ko. Ibinaba ko ang suklay at pinulot ang cellphone sa kama.

Nagulat ako nang makitang si Mona pala ang nag-chat sa akin sa messenger. She informed me that she is getting married next week and she invited me to attend the wedding.

Nalaman daw kasi niya na nandito ako kaya inimbitahan niya ako na dumalo sa kasal niya.

Nabigla ako sa nalaman at the same time natuwa din dahil naalala niya pa pala ako. We were just classmates for two years and it is just so overwhelming that she invited me.

Sinabi ko naman sa kanya na makakadalo ako. Natuwa siya at sinabi sa akin kung saang simbahan iyon gaganapin.

The wedding is a week from now and I am so excited to meet my classmates again. For sure, they will attend the wedding, too.

I put my phone down and decided to sleep. Alas nuebe pa lang ng gabi ay natutulog na ako, that’s my new normal sleep here in Limabu. Kaya pagdating ng umaga ay maaga akong nagigising. I usually wake up around five in the morning and prepare for breakfast. 

Ganito ang madalas kong gawin. I always  make sure that my mind is always occupied with different things.  Si tita ang unang nagising ngayon. Natagpuan niya ako sa sink na naghihiwa  ng talong 

"Preparing again for breakfast, Ava?" 

"Yes, tita." bumaling muna ako sa kanya bago ibinalik ang tingin sa hinihiwa. 

"Napakasipag naman, kung may boyfriend ka lang sasabihin ko na na pwede kang mag-asawa" nakangising wika niya. Ngunit nang ma-realize ang sinabi ay natahimik bigla.  She knows everything. I didn't hide anything from her because she will just dig for more details at  maganda din iyon kasi nailalabas ko na sa iba ang nararamdaman ko. 

“Wala pa po akong boyfriend, tita.” Inilagay ko ang mga nahiwa sa plato at nagkunwaring normal lang ang narinig mula sa kanya at walang epekto sa akin    iyon.

Tumikhim siya bago nagtungo sa lagayan ng mga tasa at kumuha ng isa para magtimpla ng kape.

“Mahigit isang buwan kana dito. Wala bang nanliligaw sayo?” muli siyang nagsalita habang naglalagay ng asukal sa tasa.

I lifted my eyes at her. “Wala, po.”

“Kahit doon sa kompanya, wala?”

“Wala naman, po.”

She pouted her lips. “I wonder why? You’re so beautiful and intelligent woman. Bakit ayaw nila sa pamangkin ko?” natawa ako dahil sa sinabi niya. Umiling ako bago nagtungo sa induction at nagsalang ng kawali. Ilang minuto din kaming tahimik sa loob ng kusina.

Kapagkuwan ay narinig kong nagsalita siya. “Mas masaya siguro kapag may batang naglalaro dito, noh?” Pahaging ni tita.

Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Nagtungo ako sa reef para kumuha ng itlog at hotdog.

“You better tell that to kuya tita…”

Natawa kami parehas. Umupo siya sa upuan sa counter malapit sa akin. "Ito kasing kuya mo ayaw pa mag-asawa.” Parang nagmamaktol na wika niya.

"May girlfriend na ba, tita?" 

"Hm, ewan ko doon. Wala pa namang ipinapakilala sa akin. Kaya nga ikaw  sana." She grinned at me.

I rolled my eyes at her. "Wala pa nga po, tita. Matagal pa siguro."

She arched her brow at me and smirked.  She sipped on her cofee while I flip the other side of the hotdogs. 

"Good morning!" we both looked at mommy who is now entering the kitchen. 

"Nagluluto na naman pala ang cook natin." nakangiting wika niya. 

"Good morning, mommy." 

"What time is it? Hindi ka pa bihis,  baka ma-late ka sa trabaho mo.” may pag-aalalang wika ni mommy. 

"Oh! She can go to work anytime she  wants." Tita said proudly.  

“Ayoko po ng ganun, tita. Papasok po ako ng maaga just like the employees of the company. At tsaka patapos na po ako dito. Maliligo na ako.” Mabilis kong inilagay ang mga naprito sa plato.

“Yeah. I am just joking, hija.” Ngayon ay bumaling siya kay mommy. “Meribeth, ang restaurant mo pala ang magki-cater doon sa mass wedding na gaganapin doon sa bagong resort sa bayan?”

“Oo. Sosyal nga ngayon dahil iyon ang gusto ng bagong mayor.”

I silently exited the kitchen while the two talk. Maliligo ako at magbibihis na para hindi ako ma-late sa pagpasok.

I wore a nude long sleeved wrap dress for today. I tied my hair in a bun and put light make-up. I matched my dress with a three inches high stilletos.

Bumaba na ako para makapag-agahan. Sakto namang nag-aayos ng pagkain ang dalawang kasambahay. Nanay Esther retired a year ago. Umuwi na sa probinsiya nila at wala daw mag-aalaga sa anak niyang nanganak. Nalungkot ako nang malaman iyon pero ayos lang din kasi para naman iyon sa anak niya. If I were a mother, my child’s welfare is the most important above everything. Kaya naiintidihan ko si tita Dana.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon