Chapter 13

5 2 0
                                    

Papalabas na ako sa loob ng eskwelahan nang mamataan ko si Vaughn galing sa library. He smiled instantly upon seeing me. Pilit ang ngiting iginanti ko sa kanya.



“Hi! Uy, himala hindi mo kasama ang boyfriend mo ngayon, ah?” nanunuksong wika niya habang palapit sa akin.


“Maaral ka ata ngayon at galing ka sa library.” Pabiro kong sabi.  I am trying to change the topic.



“What do you think of me, bulakbol? I am taking my studies seriously, ma’am.” He replied, his lips pouted.


I genuinely smiled. “Edi, mabuti kung ganoon.”


Nagtagal ang titig niya sa akin. Pagkatapos ay kumunot ang kanyang noo. “What happened to your eyes? Umiyak ka?”


I groaned inwardly. Bakit kahit anong pilit kong itago ang pamamaga ng mga mata sa pamamagitan ng make-up ay halata pa din naman pala?


“Nag-away ba kayo?” Now his aura turned dark. I was speechless because I don’t know how to open it up to him.



He exhaled audibly then he extended his hand to me.  Tumingin ako sa mga seryoso niyang mata bago tinanggap ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumunod lang ako sa kanya. Napagtanto ko sa daang tinatahak namin na patungo kami doon sa gym. Mabuti na lang at mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyanteng dumadaan. Karamihan kasi sa kanila ay umuwi na.


He stopped walking, dahilan para huminto din ako. Iginala ko ang mga mata sa buong paligid. I can feel the stinging pain in my heart. Mas lalo akong nasasaktan dahil sa mga ala-ala namin ni Adam sa lugar na’to.


“Sit.” I came back from my reverie when he spoke. Doon ko pa lang napagtanto na nakaupo na siya sa malalagong bermuda grasses. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya, still puzzled what he’s up to. “What happened?” he asked.



Lumalim ang paghinga ko. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. “I found out that he was engaged with someone else.”


His jaw clenched. He didn’t say a single word. Because of the defeaning silence, it triggered my tears to fall. Paisa-isa, hanggang sa hindi ko na mapigilan at napahagulhol na ako.



“Masakit! I was waiting for his explanations, pero wala!” pinipilit kong patahanin ang sarili pero mas lalo akong naiiyak. He was just looking at me, listening attentively as I poured out my emotions to him. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha. “But don’t worry, I’ll be fine. This is part of maturing, right? Ang masaktan at bumangon muli?”



Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga natitirang luha sa aking mukha. “You are a strong woman and I know one day you’ll be fine.” He lifted my chin and gently smiled at me. “ So, cheer up beautiful lady. Show the world your bright smiles.”


Dahil sa tinuran niya ay napangiti ako. Yung ngiting hindi pilit. Yung galing sa puso. Ginantihan din niya ang ngiti ko habang nakatitig siya sa akin.


Ngunit napahinto sa pagtibok ang puso ko nang makitang dumaan si Adam at mariing nakatitig sa akin. His attention was focused on me. Wala akong ibang mabasang emosyon sa mukha niya kundi galit. Kumunot ang aking noo. Bakit naman siya magagalit? At siya pa talaga ang may ganang magalit?


“What’s wrong?” he asked while he turned to look behind him where Adam and his classmates at a while ago.


“Ah, wala.”



Tumango siya sa akin at inaya na akong umuwi. He gave me a ride home. He was talking the entire time but I wasn’t attentive. My mind was somewhere else.



Hindi ako mapakali sa paraan ng pagtitig sa akin ni Adam kanina. May kung anong ipinapahiwatig ang mga mata niya pero hindi ko mapagtanto kung ano iyon.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon