Chapter 18

3 2 0
                                    

I forced my eyes to open because my phone keeps on ringing. I ignored it many times but it doesn’t stop. Ayoko pa sanang bumangon kaya lang ay hindi din ako ulit makakatulog kung patuloy itong mag-iingay.

I lazily got up from the bed kahit na parang pinupukpok ng martliyo ang aking ulo. Mataas na ang sikat ng araw at sa palagay ko ay magtatanghali na. Inabot ko ang aking cellphone sa bedside table na pipikit-pikit pa ang mga mata. Kinabahan kaagad ako nang makita ang pangalan ni mommy na tumatawag sa akin. Paniguradong magagalit na naman siya dahil hindi ko nasagot agad ang tawag niya.

“Hello, mom.”

I tried to sound normal kahit na inaantok pa talaga ako.

“Ava! Anak naman, bakit ba hindi ka sumasagot?” nahimigan ko ang iritasyon sa kanyang boses.

Kung alam ko lang na siya ang tumatawag ay kanina ko pa sana ito sinagot. Nawala kasi sa isip ko na tatawag siya. Akala ko kasi ay si Lyca na naman ang nangungulit at nagyayayang mag-shopping.

“Sorry, mom. Kagigising ko lang po kasi.” Wika ko habang kinukusot ang mga mata. Ibinalik ko ang strap ng aking night gown dahil sa bahagyang pagkahulog nito sa aking balikat.

“Kagigising! Anong oras na ba?” she paused a bit maybe to compute the time difference between Philippines and New York. “Ano na naman bang ginawa mo kagabi? Nightclub na naman with your friends?”

“Mom, maaga naman po akong nakauwi. Hindi lang po talaga ako nakatulog kaagad.”

Actually I went home early last night even if my friends kept on insisting that I should stay longer. Eleven ng gabi noong umuwi ako. May sarili naman akong sasakyan kaya nakauwi ako agad.

Mula nang nagtrabaho ako sa TCD, nakapag-ipon ako at nakabili ng sarili kong sasakyan. Second-hand nga lang pero at least sarili ko. Si Lyca ang nagturo sa akin magmaneho. I bought my car from Lyca’s aunt. Maganda pa ang takbo at mura lang ang bigay niya kaya affiord ko, pero kapag brand new, hindi kakayanin ng pera ko.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Kelan ka ba uuwi, anak? Ang sabi mo susunod ka sa amin pero isang buwan na kami dito sa Pilipinas, hindi ka pa din umuuwi.”

Now it’s my time to sigh. "Uuwi din po ako mommy." 

"Kailan nga anak? Are you considering the job offered to you there?"  It had been a month since I graduated college. Mommy, tita, tito and kuya Kael were all present during my graduation day.  I was really emotional that time kaya iyak ako nang iyak.


Memories came back again even if it had been years already. Unti-unti ko nang naaabot ang mga pangarap ko pero wala na siya para palakpakan ako.

I really consider the job offered to me. I am planning to work here para makapag-ipon. Gusto ko kasing bumili ng mga properties sa Pilipinas para pagbalik ko ay hindi na ako mahihirapan. Or I will build my own firm kapag nakapag- ipon na ako. Pero as much as possible ayoko na talagang bumalik ng Pilipinas, pakiramdam ko kasi parang babalik lahat ng sakit kapag umuwi ako sa Limabu.  Kaya lang ay masyado nang magtatampo  sa akin si mommy kung magtatagal  pa ako dito.


Mula noong nag-aral ako  dito, palagi niyang hinihiling na umuwi na ako. At ngayon nga ay nahihirapan akong magdesisiyon. Ayokong lalo siyang magtampo sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Matagal kaming nagkahiwalay at gusto niyang magkasama na kami. But, it’s about my mental and health issues. Ang hirap.

“Pag-isipan kong mabuti, mommy.” Wika ko na lang.

“Kung nasasayangan ka sa trabaho anak, meron naman ang kompanya ng tito mo. Pwedeng-pwede kang magtrabaho doon. Isa pa nga iyan sa sinasabi ng tito mo. He wants you to work in his company. Kailangan niya ang tulong mo sa kompanya, anak. Wala naman siyang ibang aasahan dahil may ibang career ang kuya mo.”

Huminga ako nang malalim at hindi na umimik pa. Ngayong nakapagtapos na ako ay mas may dahilan na sila para pauwiin ako. Handa na ba akong umuwi? Kaya ko na bang harapin ang kinatatakutan ko?

“Ava?”

Shit. Napapikit ako bago muling nagsalita. “Si-sige po mom, uuwi po ako.” I bit my lower lip and sighed tiredly.

I heard her shrieked in the other line. “Really? Just tell me when so we can fetch you. Sobrang matutuwa ang tita at kuya mo. Maghahanda kami ng tita mo ng party para sayo. Sige anak, tawagan ko lang  ang tita mo para makapagplano na kami.”

Her voice is full of excitement, kabaliktaran sa akin na puno ng pait at sakit. Ang pamilya ko na lang ang dahilan kaya ako lumalaban. I hope in God’s time, I’ll heal.


“What? You will go back to Philippines? Is that for good or for vacation only?” Lyca asked terrified.

We are in a coffee shop, I called her to tell her about me going back to the Philippines and she immediately agreed to meet me.

“For good.” I uttered after I sip on my cappuccino.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. “You don’t want the job offered to you?”

“Gusto. Kaya lang ay mapilit si mommy. Gusto niya nang umuwi ako, it’s been years.”


Syempre nalulungkot akong iwan sila dahil naging pamilya ko na sila dito. I thank them from the bottom of my heart because they didn’t leave me even if I was snob to them before. Kahit nasusungitan ko sila dahil gusto kong mapag-isa. Pero wala, gustong-gusto yata akong maging kaibigan ng mga ‘to.

“Aw, sure ka na ba diyan?” confusion was written on her face.

Hindi ko naman inilihim sa kanila ang dahilan ng pag-stay ko dito sa New York. Alam nila ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit ayokong umuwi. Sila  ang naging karamay ko, kakampi at naging pamilya ko.

I heaved a sigh. “Siguro it’s time to face the reality. Hindi naman habang-buhay na magluluksa ako at iiwas. I have to continue living my life.”


Nakakaunawa siyang tumango sa akin pero nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya. Napatingin kaming dalawa sa pintuan nang bumukas ito. Napabaling ako kay Lyca nang may pagtatanong nang makitang si Cassie ang pumasok.


“I called her.” She whispered. Cassie gracefully walked towards us. She sat down on a chair beside me and put her Hermes bag on her lap.

“Bakit ako lagi ang nahuhuli sa mga balita? Is it true, Cres? Kung hindi pa ako tinawagan ni Lyca ay hindi ko pa malalaman ang plano mo.” She rants, her one eyebrow arched.


“Sorry Cassie, I know your schedule is quite hectic, so…”

“You know I can make time for you.”

Napangiti ako sa kanya. After Adam died, I didn’t know I could have people Iike them. Sa mga panahong umiiyak ako at ayokong makipag-socialize, hindi sila nagsawang kaîbiganin ako kahit itinataboy ko sila, hindi kailanman nila ako iniwan. We have different personalities but I love them. They are the only family I have here in New York. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako.

“Damn girl, alam kong mahal mo kami pero hindi mo naman kailangang umiyak ng ganyan. We can always go to the Philippines whenever we want.” Cassie said while wiping my tears.

Humalakhak ako sa sinabi niya. Tss. The benefits of having rich friends. Lumapit silang dalawa at niyakap ako ng mahigpit. Nahulog na din ang mga pinipigilang luha ni Lyca.


Natatawa ako habang umiiyak.  “Ano ba yan ang OA naman. Parang hindi na tayo magkikita-kita, ah?”


Lumayo silang dalawa sa akin habang natatawa. I wiped my tears on my face while laughing, too.


“Kaya nga.” Tumatawang sambit ni Lyca.


"Kailan ba ang alis mo?" tanong ni Cassie  nang makaupo na sila. 

"Most probably next week. Kakausapin ko pa si Mr. Thompson."

"Excited na din tuloy akong umuwi ng pilipinas." Cassie said while giggling. Teka, alam na kaya ito ng mga boys? “Natawagan mo na si kuya?" 

"Hindi pa. But I will surely tell them."

Pagkatapos namin sa coffee shop ay  Sinamahan ako ng dalawa sa TCD. May dala kaming kanya-kanyang sasakyan kaya nag-convoy na kami.

"Hintayin niyo na lang ako sa lobby."

“Okay, babe." Cassie stated before she sat on the couch. Pinulot niya ang isang  magazine sa mesa at ang buong atensyon niya ay nandoon na. Lyca was looking  at me seriously. Mukhang siya pa ang kinakabahan. I smiled at her before I  strode my way to the elevator.  I knocked before I opened it. Pagbukas ko ay nakita ko ang presidenteng may kausap sa telepono. Noong nakita ako ay agad niya itong pinutol at nginitian ako.  

“Hi, miss Enriquez! How can I help you?” He asked while taking off his spectacles from his eyes.

“Sir, about the job you offered me.”

He leaned against the chair then he flashed his smile. “What about it? Do you have a decision now?”

“Ah, sir I think I have to turn it down now because I have to go back to the Philippines.”

The smile on his face faded and confusion crossed his eyes. “Why? What happened?”

“My family wanted me to go back since It’s been years since I went home, so…”

“Are you staying there for good?.”

“Yes, sir.”

He exhaled. “Very well, if that’s your decision. Any company will be so lucky to have you. I can see your passion in your job and you’ re very dedicated. Not only that, you also have beautiful designs. I have a friend in the Philippines, I can recommend you to him.”

I am so shy to turn him down again so I just nodded my head. “Sure, sir.”

“I will give him a call. Let's talk about it some other time. I  believe you would not go back instantly,  yeah?” 


I shook my head.  "No. Most probably two  weeks from now." 

After the conversation with the president, bumaba na ako para puntahan ang mga kaibigan ko.  Two weeks had passed and my things are now ready to go home, but not me. Nitong mga nakaraang araw ay madalas napapanaginipan ko si Adam. Hindi ko alam kung bakit pero nang dahil doon mas lalo ko siyang namimiss.


"Wala ka ng nakalimutan?" Vandross asked while gently patting my head.  I shook my head while my back is leaning against the door, my eyes survey the whole house. Matagal-tagal din akong tumira dito at sigurado ako, mamimiss ko itong bahay na to. Ito ang naging saksi kung gaano ako kadalas umiyak noon kay  Adam.  Ibinaling ko ang tingin sa mga kaibigang nag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng van. And these people helped me to be positive and taught me to face the challenges of the world. I became alive again andI laugh again. My eyes became misty but I blinked back the tears.

“Ano pa?” tanong ni Lyca nang lumapit sa akin.

“Wala na. Let’s go?”

Lyca looked at me with hurt in her eyes pero agad din niyang pinawi iyon at nginitian ako. Pumasok na kaming lahat sa loob ng van.

Si Drei ang nagda-drive, nasa passenger’s seat naman si Vandross at si Lyca at Cassie ang katabi ko sa likod.

“Kelan tayo bibisita kay Cres?” si Cassie ang nagtanong.

Napangiti ako. Heto at ihahatid pa lang nila ako sa airport pero pinag-uusapan na nila kung kelan ako bibisitahin. Ipinikit ko ang mga mata para makaidlip kahit kunti lang nagmulat ako ng mga mata dahil pakiramdam ko may yumuyogyog sa balikat ko.

“Cres, gising na. We’re here.”

Pumasok na kami sa loob at dala ng dalawang lalaki ang mga gamit ko. Lyca is holding my left hand while Cassie holds my right hand.

“Thank you. Ingat kayo dito, ah, ? I will pay a visit if I have a time.”

“Sure, babe.” Si Cassie.

Niyakap nila ako isa-isa pagkatapos ay pumasok na ako. I smiled at them and waved my hand. Pinipigilan kong umiyak pero may nakatakas pa din na luha. Agad ko itong pinawi at dire-diretso nang naglakad papasok.

Sa buong oras ng flight ko ay nakatulog ako sa loob ng eroplano dahil na din sa puyat kagabi. Dagdagan pa ng mabangong katabi kaya parang lalo akong hinihele. Shit. Totoo ata yung nangyari kanina. Nakatulog ako sa balikat ng katabi ko dahil nag-eenjoy ako sa sobrang bango nito. Shit! Totoo nga! Pero wala na siya sa tabi ko siguro bumaba na.

Namataan ko agad si tita at mommy na naghihintay sa akin sa waiting area. Agad akong niyakap ni mommy pagkalabas ko.

“I'm happy you’re already here, honey.”

Pagkatapos akong yakapin ni mommy ay si tita naman ang yumakap sa akin. Dali-dali na kaming umalis at may naghihintay daw sa akin na party. At dalawang oras pa ang biyahe bago makarating sa bahay. 

"Mom, akala ko ba simpleng party lang?" tanong ko nang makita ang mga tao sa loob ng bahay. Sure, it's not a simple party  for me. 

"Simple lang naman, anak."

I just rolled  my eyes.  Pagpasok namin ay halos dumugin ako ng mga tao at mag lock ang aking panga kakangiti. Umakyat ako sa aking kwarto para magbihis. Sinabihan ako ni mommy na bumaba agad pagkatapos ko. Gusto ko na sanang magpahinga pero alam kong kailangan kong humarap sa mga bisita.

"How was your experience working at Thompson Construction and Designs, hija? That's a big company in New York!" mommy's friend exclaimed. Sa dami ng taong ipinakilala sa akin, hindi ko na maalala ang mga pangalan nila. 

"Ayos naman po, ma' am.”

"Naku, you can call me tita. And I heard  the president offered you a ful time job but you refused."

"Kailangan po kasi. Mommy wanted me to go home already."


"Ikaw naman Maribeth, that's a big   opportunity tor your daughter.

Unti-unti akong umalis doon at Iumabas para magpahangin. Hindi ko alam kung kailan natapos ang party dahil nagpaalam na akong umakyat para magpahinga. Naintindihan naman nila at pinayagan din ako.



“Sa maynilq kq magtatrabaho, anak?” Gulantang na tanong ni tita. Kinaumagahan kasi ay sinabi ko na ang plano kong mag-Maynila.

“Opo.”

“But what about the company? Ayaw mo bang magtrabaho sa kompanya?”

“Gusto ko din pong ma experience na makapagtrabaho sa ibang kompanya, tita. Isa pa, Mr. Thompson recommended me to this company. Nakakahiya na tanggihan ko na naman.”

“But you have already worked at TCD, isn’t that enough anak?”

Tito Sebastian put down the newspaper he is reading. “Hayaan niyo na si Ava. May sarili na siyang desisyon. Hindi na siya bata. I understand her. She wants another working experience. New environment.”

Nginitian ko ng palihim si tito habang ang dalawa naman ay natahimik na at nagpatuloy na sa pagkain.

Maagang umalis si kuya Kael dahil may kailangan siyang operahan na pasyente. Saglit lang siya at hindi nagtagal. Sa Cebu City siya nagtatrabaho at isang oras ang biyahe papunta doon. 

Pagdating nga ng sabado ay nagbiyahe na ako papuntang Maynila. Inihatid ako ni tita at mommy. Kung noon galit na galit si tita kay mommy, ngayon para na silang mag-bestfriend na hindi mapaghiwalay.

"Ano ba yan, anak pinauwi kita pero aalis ka din naman pala." wika ni mommy habang nakasakay kami sa elevator paakyat sa condo ni kuya Kael. Dito na muna ako titira pansamantala habang wala pa akong nahahanap.  Sumulyap ako kay mommy at nginitian siya. Bukas pa sila aalis at tutulungan pa  daw nila akong mag-ayos ng mga gamit.



Pagdating ng lunes ay pumasok na ako sa  kompanya na sinabi ni Mr. Thompson.Nakatingala ako sa matayog na gusali kung saan ako papasok. Hindi  ko inakalang ito ang papasukan ko. Ito na ata ang pinakamatayog na gusaling nakikita ko dito. 


Huminga ako ng malalim at  nag-umpisang maglakad papasok sa loob. Papasok kung saan hindi ko inaakalang mababago ang takbo ng buhay ko. Kung saan muling mabubuhay ang puso ko.  



























Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon