Chapter 27

4 0 0
                                    

It’s still early in the morning when I went out to buy a car. Nakapagdesisyon akong bumili na ngayon dahil bukod sa nangungulit si mommy ay kailangan ko din talaga ito sa aking trabaho.

I am a wearing a white pants and a yellow crop top paired with a yellow three inches high stilletos. Hinayaan ko lang na nakalugay sa aking likuran ang ngayon nga ay tuwid ko ng buhok.

Pagbaba ko sa lobby ay nagulat ako nang makita ko si Vandross na naglalakad papasok. My brows furrowed because of curiosity. What is he doing here very early in the morning? As far as I know, he’s  not a morning person.

He instantly smiled when he saw me. Tinaasan ko siya ng kilay nang nakalapit na ako sa kanya. “Ginagawa mo dito?”

“May lakad ka?” He asked instead of answering my question. He surveyed my outfit. He must have concluded that I am going out.

“Yeah. Gonna look for a car.” I lazily answered him.

“Oh! Samahan na kita.” He cheerfully suggested.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Saan ka ba dapat pupunta? Are you meeting someone here? Napakaaga mo, ah?” tanong ko at bahagyang tumingin sa paligid.

“I just want to visit you and talk about what happened yesterday.” Ngayon ay naging seryoso na ang mukha niya.

Oh, that. Napakunot ang aking noo nang maalala ang nangyari kahapon. I totally forgot about it because of mom’s  nagging. “May kinalaman ka ba doon?” pinaningkitan ko siya ng mga mata.

He shrugged his shoulders. “Well… I just told tito about your achievements in New York. And uhm, I just told him that you are good and your designs are superb.”

I rolled my eyes at him. Ganun din iyon, eh!

“What? I didn’t do anything.”

He’s trying to explain pero nilagpasan ko na siya at patuloy na naglakad. I know he’s behind me, following me.

“Where did you park your car?” tanong ko nang nakalabas na kami.

“Huh?” naguguluhang tanong niya. Bigla kasi akong tumigil at humarap sa kanya.

Muntik na kong humagalpak sa tawa dahil sa kanya pero pinigilan ko lang. Kunwari galit ako. I need a driver!

“Be my driver today. Iyan ang parusa mo.” Kunwari ay nakasimangot kong wika. Hah! I can pass a good actress!

“Gladly, mademoiselle.” He said and bowed his head. Hindi ko na napigilan ang pagngiti bago tumalikod at naglakad patungo sa sasakyan niya.

Ngayon nga ay lulan na kami ng kanyang magarang sasakyan. Sana all na lang talaga! I will buy a car but obviously not like this. Not as expensive like this.

Pinapakialaman ko ang radyo sa sasakyan niya, naghahanap ng magandang kanta nang magsalita siya.

“You know, kahit naman hindi sabihin iyon ni tito kahapon, you will be really one of their architects. Kasi hindi ka naman secretary ng CEO. Nagulat nga ako bakit ka pumayag.”

“Kasi nga nangangailangan siya ng secretary. It was urgent. Dona was sick so I completely understand him.”

“Tsk! He’s  a multi-millionaire businessman. Surely, he could have the best secretary in just a snap of his fingers.” Umiiling na wika niya.

Hindi ko na sinagot pa si Vandross dahil gusto ko naman lahat iyong nangyari. Kung hindi ako naging sekretarya niya, baka ni hindi ko siya nakausap o nakasama man lang. At least I had the chance to know the things about him now.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon