Nagmulat ako ng mga mata dahil pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Iminulat ko ang aking mga mata kasabay niyon ang pagkaramdam ko ng sakit sa buong katawan ko. Medyo masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay hinang-hina ako.
Tumingin ako sa paligid at nagulat nang makitang nasa loob ako ng isang kwarto na puro puti. Where am I? This is not definitely my room. I turned my head to my left and was surprised when I saw a dextrose. Nakatusok pala ito sa kamay ko. Bigla akong kinabahan. What happened? Bakit ako nandito sa ospital?
Pinilit kong umupo kahit hinang-hina ako. Hinawakan ko ang ulo ko kung may benda dahil kumikirot ngunit napagtantong wala. Napapikit ako dahil sa biglang pagkirot ng aking ulo? Ano bang nangyayari?
Sapu-sapo ko ang ulo nang magbukas ang pinto. Iniluwa niyon si tita. Shock was written in her face when she saw me. She came running to me while sobbing. Ang mga dala-dala niyang prutas ay nalaglag lahat sa sahig ngunit wala na siyang pakialam doon.
“Ava!” patuloy siyang umiiyak habang niyayakap ako ng mahigpit. Gustong-gusto ko nang magtanong kung anong nangyayari pero iyak siya nang iyak. “Oh my God! Is this true?” inilayo niya ang sarili habang hinahaplos ang mukha ko. “My God, thank you!” paulit-ulit niyang hinalikan ang aking ulo.
“T-tita… ano pong nangyayari?” patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya nang ilayo niya ang sarili sa akin. She looked at me with sadness and pity in her eyes. Ano ba-
Kumunot ang aking noo. Unti-unti ay bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari. Nanlaki ang aking mga mata at agad binalot ng takot ang aking puso.
Natatandaan kong may isang malaking truck ang bumangga sa sinsakyan namin ni Adam. Pagkatapos nun ay wala na akong maalala. That explains why I am here in the hospital. Sa laki ng truck na bumangga sa amin ay himalang naka-survive kami. Dahil doon ay medyo nakahinga ako ng maluwag. We’re alive. We’re safe now.
“Tita, saan ang kwarto ni Adam? Okay na ba siya? Magaling na? Gusto ko siyang puntahan, tita.” Dire-diretsong tanong ko kahit pa uhaw na uhaw na ako. I want to see him. Nabalian ba siya? Madaming sugat at gasgas? Is he feeling better now?
But my heart sank when she looked at me with sorrowful and apologetic eyes. My brows knitted at her reaction. What’s wrong?
A-anak...” She bowed her head. She can’t meet my questioning eyes. Hindi siya makapagsalita.
Mas lalong kumunot ang noo ko. “What, tita? Nakauwi na siya? Kailan daw niya ako bibisitahin?”
Nag-unahang pumatak ang kanyang mga luha. Umaalog na din ang kanyang mga balikat dahil sa paghagulhol. Ano? Bakit ka naiiyak, tita? “Ka-kasi, anak… Wa-wala na si A-adam…”
Mabilis akong umiling. “Ba-bakit, tita? Umalis na siya? U-umuwi na? Ka-kailan niya ako bibisitahin, tita?”
Marahan siyang umiling at hinawakan ako sa aking mga kamay. “Anak… wala na si Adam. Patay na siya, anak.”
Umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. No. “Pa-pasabi, tita hi-hinahanap ko siya. Papuntahin niyo siya dito. Gustong-gusto ko na siyang makita, ti-tita. Please, tita…” nagyuko ako ng ulo dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko na sumabay sa pagkirot ng ulo ko.
No! It can’t be. Please! Please! Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi. Hindi.
Niyakap ako ng mahigpit ni tita habang malakas akong humahagulhol. “Anak, please calm down.”
Iniling-iling ko ang aking ulo. “Sabihin mo nagbibiro ka lang. Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Tita…” itinutulak ko siya para makaalis ako sa kama ngunit mas malakas si tita.
I am trying my best to get up but tita held me tightly. She held my head to make me still so I could look at her. “Oo alam ko, anak, masakit. Pero iyon ang totoo. Adam died on the spot. Doctors tried to revive him but…”
Iniling ko ang aking ulo. “No, tita. Huwag mo nang ituloy pa. Please…” masakit na masakit ang dibdib ko. Heto ako kagigising lang pero ito na agad ang balitang bumungad sa akin. Patuloy pa din na umaagos ang luha sa aking mga mata. Bakit nangyari ito?
“Tita, pupuntahan ko siya sa kanila. Please, let me go.” Tinanggal ko ang aking swero pagkatapos ay buong lakas kong itinulak si tita. I am so determined to get out from here. I want to see Adam. I want to hug him. Tell him how much I love him.
Sakit at pagod ang nabasa ko sa mga mata ni tita. “Anak, we’re here in New York.” A-ano?
Nayanig ang aking mundo. Bakit ako nandito? Ano’ng ginagawa ko dito? Hindi. Kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Ngayon na.
Nagbuntong-hininga si tita bago nagsalita. “You were in a coma for six months.” namilog ang mga mata ko. Six months? Ba-bakit napakatagal? Hindi na ako makaiyak dahil sa dami ng rebelasyon. Parang hindi kayang i-absorb ng utak ko lahat.
“Tita, tell me these are all jokes, please.” I held her shoulders and I didn’t realize that I am shaking her. “Hindi ito totoo. Bakit mo ba ako sinasaktan? Hindi ito totoo. No. Panaginip lang ‘to.”
BINABASA MO ANG
Chasing Admon Damien
RomanceAva is a simple architecture student but has a very difficult life. Her father died of heart attack and her mother abandoned her. Her aunt Celestine took her in but made her life a living hell. Her life changed when she met Adam. Adam came from a ve...