Chapter 37

1 0 0
                                    

I am silently praying in my head that mom and tita reached the news. Sana gumagawa na sila ng paraan upang hindi ako makulong. God, no! Ayokong makulong!

Ano ba naman kasing klaseng buhay ‘to?!

Dahil sa sobrang kaba ay ni hindi ko naisip itanong kanina kung sino ang nagdemanda sa akin. Nasa loob na kami ng mobile car nang paunti-unting rumerihistro sa utak ko ang nangyayari. Because of extreme shock, I thought these were all a nightmare. Pero hindi… nandito ako sa loob ng mobile car kasama ang dalawang pulis.

“C-can I ask a question?” I asked bravely.

“Yes, of course.” The police officer who is driving looked at me.

“Si-sino pong nagdemanda sa akin?”

“You didn’t read the warrant?” The police officer beside me threw a smug look.

I stopped myself not to say nasty words at him. He’s  a police officer, after all. Siyempre sa sobrang kaba ko ay hindi ko na naisip iyon!

“Admon Damien Cervantes.” The driver answered my question. Nakakunot ang kanyang noo na wari ay pinagtatawanan din ako.

Napakurap-kurap ako ng mga mata. What?


Kumabog nang mabilis ang puso ko. Umusbong ang kaba at… galit. Bakit niya ginagawa sa akin ito? Naghihiganti ba siya dahil hindi ako  nakikipag-usap sa kanya?

For what grounds is he suing me?

“Dalhin niyo ako sa kanya!” Determinado kong wika.

“Hindi po pwede ma’am, sa police station po ang diretso ninyo.”

My blood boiled. Now, it has reached the boiling point. “Nagkakamali nga kayo. Wala akong alam na ginawan ko siya ng masama!”

I’m trying to recall everything in my mind, pero wala talaga, eh!

“Ano bang reklamo sa akin?” nakakunot noo kong tanong.

Umiling ang katabi kong pulis. Alam kong pinagtatawanan nila ako dahil hindi ko binasa ang buong warrant kanina. They didn’t answer me. Instead, the police officer beside me handed me again the warrant of arrest.

“Breach of contract!” I muttered with horror.

What? Breach of contract? Nagpasa naman ako ng resignation letter, ah? I gritted my teeth. Ano bang kalokohan itong ginagawa niya?!

“Nagkakamali kayo. Nagpasa nga ako ng resignation letter bago ako umalis sa kompanya niya.”

“Sa police station kana lang magpaliwanag ma’am.”

“Dalhin niyo ako sa kanya. We need to talk!” I crossed my hands on my chest. Kung kanina ay natatakot ako sa mga nangyayari, ngayon naman ay galit na galit ako!

“That’s not possible –

“Take me to him!” naniningkit ang mga matang tinignan ko ang katabing pulis.

“Fine.” The driver sighed and stared at me in the mirror. “Dadalhin ka namin sa kanya.”

“Thank you.” Mahinang wika ko. Bumaling ako sa aking katabi at inirapan siya.

I turned my head in the window. The nerve of that man to sue me! Noong nakaraan lang ay nagmamakaawang makapag-usap kami. Kung anu-anong ipinadadala sa opisina, tapos ngayon ipapakulong pala ako?!

Nang sa wakas ay nakarating na kami sa kanilang mansiyon ay agad-agad akong bumaba sa sasakyan. It was a déjà vu coming here again. Gusto kong igala ang paningin at pagmasdan ang ganda ng paligid ngunit nagmamadali ako. Maraming mga alala ang bumabalik ngunit wala akong oras para alalahanin ulit sila. I need to talk to him real fast.  Wala na din imik pa ang dalawang pulis at hindi na ako inawat pa. Hindi ko din alam kung sumusunod sila sa akin. Wala na akong pakialam.

“Adam, come here. Let’s talk.” I am screaming my lungs out that made all the housemaids looked at me. Wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makausap ko siya ng masinsinan. Many of the housemaids tried to push me away but I still made my way inside.

“Ma’am, bawal po kayong pumasok.”

“Naku, magagalit po si sir niyan.”

“Tell your boss I am here. Tell him we have to talk.”

Ngunit walang pumapansin sa akin. Busy silang lahat sa pagpapalabas sa akin.

I rolled my eyes and made my way to the living room. Sumunod sa akin ang mga tauhan niya at pilit pa din akong pinapaalis.

A housemaid my age bravely walked up to me.  "Sabi nang umalis ka, eh!"

Hinila niya ang isang kamay ko na dahilan ng muntikan ko nang pagkatumba kung hindi ko lang na balanse ang sarili ko. Matalim ko siyang tinitigan.


“Amanda!” 

Umalingawngaw ang boses na iyon mula sa hagdanan. Natigil kaming lahat at napabaling sa nagsalita. Kilala ko ang boses na iyon ngunit hindi ko pa din mapigilang tingalain siya. 

Adam in his white t-shirt and black khaki pants, and his hair still wet from  his fresh bath. He looks so ruthlessly handsome. I  want to stare at him forever but, no. May  kasalanan pa siya sa akin.  He walks down the stairs like a king. He is darkly staring at the woman who pulled my hand. 

"Don't ever hurt her!" His voice is cold  and full of authority, I nearly shivered. 

Napabaling ako sa katulong at nakita kong nagyuko siya ng ulo at mukhang iiyak na. Humingi siya ng pasensya kay Adam habang nakayuko. 

Nang itaas ko ang tingin sa kanya, halos mapalundag ako sa gulat nang mahuli ang seryoso niyang mga mata. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya.

Bakit parang ako pa ang may kasalanan?

“Follow me.” Ma-awtoridad na wika niya bago ako tinalikuran.

How dare him! Sumugod ako dito dahil galit ako pero bakit mas galit pa siya sa akin?

My feet are wobbling when I followed him upstairs. Ilang kwarto pa ang nadaanan namin bago nakarating sa isa pang living room sa itaas.


He faced me with his hands on his waist, his expression is still dark. Parang nakalimutan ko na kung bakit ako nandito ngayon sa harapan niya. Para akong nalulunod sa mga titig nya.

“L-lets talk.” Shit. Nautal talaga ako?

Tumango lang siya sa akin, seryoso pa din ang mukha. Napalunok muna ako bago nagsalita. Bakit parang nawala ang galit ko ngayong kaharap ko na siya?

“Ba-bakit may mga pulis? Bakit ako hinuhuli? Breach of contract? I passed a resignation letter. Why are you suing me?”

“You didn’t let us talk. It’s the only way.”

Napatanga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. Plinano niya ito?

“You planned it all? Who are they? Are they really police officers?”

“No. They are my friends –

“Fuck it. You got me there! Damn it!” hindi pa ako tuluyang nakakarecover sa binanggit niya nang magsalita ulit siya. Parang walang pakialam sa ginawa niya sa akin!

“It’s so easy for you to leave me, huh? Nagising ako sa ospital na wala kana. You just left a fucking resignation letter.”

I was taken aback from his sudden outburst. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. Hindi ako makapagsalita. Nasaktan ba siya sa pag-iwan ko sa kanya?

Unti-unti siyang naglalakad palapit sa akin. I’m afraid of his aura so I am taking steps back.

“Bakit napakadali sayong lumayo? Bakit napakadali mong iwan ako?” Pain crossed his face. Hindi ko inaaasahan na ganito ang magiging reaksiyon niya sa naging desisyon ko. Somehow, my heart jumped with joy.

“It’s for your own sake. Ka-kasalanan ko kung bakit ka naaksidente-

“Its not. Kasalanan iyon ng driver ng sasakyan. He was drunk driving when he  hit me." 

"Kasalanan ko pa din dahil sinundan mo  ako." 

"No. Don't blame yourself. Kasalanan ko." mapait siyang ngumiti sa akin. "Thanks to that accident, my memory came back."

Namilog ang mga mata ko sa gulat, hindi ko namamalayan na bumubuhos na pala  ang mga luha sa mga mata ko.  He stopped moving closer, that's because my back is already on the wall. 

"I gave you time because I know I hurt  you. For forgetting about you. I can’t imagine how hard you've been through.  Sa mga panahong magkasama tayo na hindi kita maalala, hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit iyon para sayo. Kaya inintindi kita, binigyan ng panahon." his voice is so deep it’s like music in my ears. I miss his voice. I miss him so bad.

"I’m sorry ikaw lang ang iniisip ko. Masakit mawala ka pero kakayanin ko kaysa mapahamak ka." 

"Gusto kong magalit dahil nagkasama tayo nang matagal ngunit hindi mo sinabi sa  akin ang totoo." 

“Para sayo nga lahat ng ginagawa ko, Adam. Ayoko ng may mangyari pang masama sa iyo kaya pinili kong itago kahit gustong-gusto ko nang sabihin sayo ang totoo. Tama ka. Ang sakit. Pero kinaya ko para sayo.”

He stared at me deeply. “Hindi ko maintindihan kung bakit iyan ang dahilan mo. To save me from pain? Pero bakit mas masakit ang iwanan mo ako? You could have told me earlier.”

I bit my lower lip. Gustong-gusto ko na siyang yakapin sa sobrang pangungulila sa kanya.

“Madalas sumakit ang ulo mo dahil bumalik ako sa buhay mo. I know the pain is unbearable. I can’t watch you like that.” Umiiling na wika. The tears in my eyes continue to fall as I remember him in pain.

Pumikit siya ng mariin bago iminulat ang mga mata. His eyes are a bit red already for suppressing the tears. “At ipinamigay mo ako kay Katrina. Bakit? Do you know how painful that is for me?” He dangerously whispered. Madilim ang pagkakatitig niya sa akin na hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

My knees turned into jelly, I can’t able to stand up properly. “I’m sorry!” it came like a whisper. Guilty of everything. Alam kong hindi niya maiintindihan ang rason ko kahit ano pa ang sabihin ko. But for me, I only did the right thing.

Inilayo niya ng kaunti ang mukha para lang matitigan akong mabuti.

“No. I’m sorry. I’m sorry I hurt you. I’m sorry I forgot about you.” Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang patuloy ako sa pag iyak.

“Don’t push me away again, please. Let me make up to you.” May pagsusumamo sa boses niya.

Tumango lang ako dahil hindi na ako makapagsalita sa napakaraming emosyong nararamdaman.

Hinawakan niya ang labi ko at mariing tumitig doon. Napapikit ako dahil hindi ko mapantayan ang init ng titig niya.

“I missed you!”

Iminulat ko ang mga mata, ngayon ay handa nang tumitig sa kanya. I can see a lot of emotions in his eyes. Love, longing and pain. Hindi ko alam na pwede palang sabay na makikita iyon sa isang mukha.

I can’t help but caress his face. He clenched his jaw. His eyes became darker like the night.

Halos mahimatay ako nang marahan niya akong hinalikan sa mga labi. Sa gulat ay hindi ko na naipikit ang mga mata. Samantalang nakapikit ang kanyang mga mata at ninanamnam ang aking mga labi. 

It had been seconds before he started to  move his Iips with mine. I miss him so  much. I kissed him back and hold onto his  nape for support. His kisses are gentle  and I love it so much. I long for this. I long for him.

But then I pushed him away when I saw his mother’s furious face in my head.  He was taken aback and his brows  furrowed. Nakita ko siyang napalunok bago tumingin sa akin ng mariin.

"Does your mother know you're here? And... and she let you come here?"  Natataranta kong tanong.

He is intently looking at me while observing my face carefully. I am now panicking. No! What would her mother tell if she knew that I got back with Adam? Gayung sinabi ko nang aalis ako sa buhay niya?

“Does mama has something to do why you left me?" may pagdududa sa kanyang mga  mata.

“I… uh-

“Tell me the truth.” Dama ko ang galit sa boses niya kaya naman pinili kong huwag  ng maglihim pa. I want to tell him everything now. Mas lalo lang nagiging kumplikado ang lahat kapag hindi ako nagsasabi ng totoo.  Kapag nagsisinungaling ako. All I wanted now is peace of mind. I am tired of all this drama.

"Tama lang naman ang sinabi niya sa akin. I put your life on danger. Para din sa kabutihan mo ang lahat ng sinasabi niya."  

“She asked you to leave me?!” Mas lalong nag-alab ang galit sa kanyang mga mata.

“I told you, that’s for you. I understand her. Ikaw lang ang nag-iisang anak niya. Ayaw niyang mapahamak ka. She can’t lose you. She loves you so much and I completely understand her. I would do that for our child, too. Or... I can do worst. Please, don’t be mad at her.”


Hinabol ko ang hininga dahil sa haba ng sinabi. I saw how his eyes softened. Namungay ang kanyang mga mata na naging dahilan upang mapalunok ako.

What did I say? Damn!

“I am not mad at her, baby.”

Nagulat kaming pareho nang makarinig ng sumisigaw sa labas. I have a hunch that’s mommy’s voice. Nagmadali kaming bumabang dalawa. Natigil lang ako sandali sa paglalakad nang hawakan ni Adam ang kaliwang kamay ko.

Nagkunwari akong parang walang epekto iyon sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Tama nga ako ng hinala. Mommy is with tita Celestine and tito Sebastian. Mommy is currently arguing with a housemaid.

“Ilabas niyo ang anak ko. Sabihin mo sa amo mo.”

“Ma’am, kasi-

“Mommy!”

Bumaling silang lahat sa amin ni Adam. Kinakabahan ako ngunit napapawi iyon dahil hawak-hawak ni Adam ang kamay ko.

Habang bumababa kami ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagbaba ng tingin nila sa kamay naming dalawa ni Adam. Mommy’s eyes widen when she saw it. Tita arched her eyebrows then turned into a grin while tito remained calm.

“Ano’ng nangyayari? Can you to explain everything to us?” halata ang pag-aalala sa boses ni mommy.

“We thought you were arrested by police officers? And Adam sued you? Why are you holding each other’s hands now?!”

“Magpapaliwanag po ako, ma’am.”

“You better be!” tumaas ang boses ni mommy.

Kaya naman nandito na kami ngayon sa kanilang hardin. The table is round, I am in between mommy and tita Celestine. Adam is seated beside tita Celestine and in his right is tito.

Hindi ko man lang kakikitaan ng kahit anong kaba sa mga mata ni Adam. He remained calm despite the scowl on my family’s faces. Ako naman ay kabadong-kabado sa aking kinauupuan.

Mommy cleared her throat. “Well?” Mukhang hindi na makapag antay.

Adam started to talk while I was listening the whole time. He explained it carefully from the beginning so they would understand.

Mommy and tita’s tears didn’t escape my eyes when Adam shared to us his experience about the accident. Ikwenento niya na sa unang mga linggo at buwan mula ng magising siya sa hospital ay palaging sumasakit ang ulo niya at minsan ay hindi niya na kaya ang sakit. Kung anu-anong gamot ang itinutusok sa kanya.

I realized then that we really have to talk because we still have so much to talk about. Our lives after the accident.

Madaming taon na ang nagdaan at madami na kaming hindi alam tungkol sa isat-isa.

“Pasensya na po. I was just so desperate to talk to her. I want to make things clear with her and I badly miss her.”

Hindi naitago sa akin ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni tita. She looked at me while smiling as if teasing me. Si mommy naman ay seryosong-seryoso na nakatitig kay Adam. Parang binabasa ang pagkatao nito.


“Paano mo nasabing mahal mo nga ang anak ko, eh nakalimutan mo nga.” Pilosopong sabat ni mommy.

Napakurap-kurap ako ng mga mata. Hindi pa din talaga tinitigilan si Adam. Para siyang nasa hot seat dahil sa napakaraming tanong ni mommy. Bumaling ako kay Adam at nahuling matiim siyang nakatitig sa akin.

“Maybe my mind forgot her but not my heart. First meeting with her and she instantly captured my heart, ma’am.”

The side of mommy’s lips rose. Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag

“And how about those policemen? How did you persuade them to play an act?” Tanong ni tito na ngayon lang nagsalita. Nasabi din kasi kanina ni Adam na mga kaibigan niya ang mga iyon.

And they got me there! Halos atakehin ako sa sobrang takot at nerbiyos!

“I negotiated, sir. Besides, they are my friends.”

Tito just nodded at him. I looked at Adam and found his eyes on me. The whole time he is talking, his eyes never left mine.

Natutuwa ako sa mga nangyayari. Masaya ako at bumalik na ang alaala niya ngunit alam kong may hahadlang parin sa aming dalawa.

And that look. That look that used to promise me with happiness and love. A part of me wanted to hope that it’s the same look that will promise me my heart’s desires. I hope that this time, my prayers will be answered.

Chasing Admon DamienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon