06

201 18 0
                                    

Naihatid siya ng maayos ni Ares at napatingin muna siya sa apartment na tinutuluyan ni Amanda.

"High class apartment?" Tanong ni Ares sa kanya.

"Nagtatanan kasi kami ng kaibigan ko.." Lutang niyang sabi.

"Huh? Tanan? Kaibigan? Wait...." Ani Ares.

"Single ka naman, diba?" Tanong ulit ni Ares.

Kumunot ang noo ni Amanda sa pagtanong ulit ng kanyang amo sa kanyang status.

"Opo.." Ani Amanda.

"Bat—" Magsasalita na sana si Ares ng biglang dumating si Maureen at biglang niyakap si Amanda.

"Amyyyyyyy! Bat ang—" Napahinto din si Maureen sa paglalambing sa kanyang kaibigan.

"What the F! Ikaw?!" Sigaw ni Maureen.

Napatingin lang sa kanya si Ares na parang inaalala kung saan niya nakita si Maureen. Spectaculation running in Amanda's mind.

"Magkakakilala kayo?" Tanong ni Amanda sa kanila.

"H-Huh? Hindi ah!" Ani ni Amanda sabay tingin ng masama kay Ares.

"I don't know her..." Ani Ares din.

"Okay?" Ani Amanda.

"Sir, masyado na ding gabi.. Umuwi na po kayo, baka hinahanap na po kayo sa inyo, at salamat nga po pala sa paghatid sa akin dito.." Pagpapasalamat ni Amanda kay Ares.

Ngumiti naman si Ares, "No worries, Amanda. You are not bother to me.." Ani Ares.

Ngumiti si Amanda at nagwave ng 'bye' ng maglakad na papalayo sa kanila si Ares.

Nagwave din si Ares.

"Tara na!" Ani Maureen at hinila na siya papasok sa Apartment nila.

Nang makapasok sila sa apartment ay tinignan niya si Maureen.

"Kilala mo si Ares?" Tanong niya sa kaibigan.

"Hindi nga!" Ani Maureen.

Umiling si Amanda sa pagsisinungaling ng kanyang kaibigan. Alam niyang sasabihin lang rin naman nito ang pagkikita nito ng Amo niya o kung ano man ang nangyari ng dalawa.

The school starts. All new faces scattered. New environment syndrome.

Yun ang nararamdaman ng dalawang magkaibigan.

Malayo talaga sila sa isa't isa pero kailangan nilang masurvive ang buong araw sa pagiging College Girl.

Sa gabi naman ay palagi silang nagkwekwentuhan ng mga ganap sa klase hanggang sa....

"I need a break.." Ani Maureen.

Napatingin naman si Amanda sa kanya.

"Anong break yan?" Tanong ni Amanda.

Nanghahamon ng break ito kapag hindi niya gusto ang araw niya, gaya ng kwento niya kanina ay pagod na pagod talaga ito.

Ngumisi si Maureen bigla, "Bar, GGH!" Sigaw nito.

Napailing si Amanda, "Ikaw na lang..." Ani Amanda.

"Bakit?! Dahil ba kay Ares o kay Cronus?" Tanong ni Maureen.

"Both..." Ani Amanda sabay upo sa sofa at yakap ng kanyang teady bear.

"Ay! Ang KJ mo na naman!" Pangungulit ni Maureen sa kanya.

Ngumuso siya sa kanyang kaibigan na alam niyang di niya matatangihan.

"Alright.." Pagsuko niya.

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon