18

127 8 0
                                    

Natapos siya sa pagligo at pag toothbrush ng kanyang ngipin bago lumabas ng shower room ni Cronus at dahan-dahang naglakad papunta sa higaan niya at nakita ko siyang nakahiga sa headrest niya at nagTTV.

Narinig niya ata ang mga yabag ko kaya napalingon siya sa akin. Ibang intensidad ang pagtingin siya sa akin sabay hagod ng kanyang tingin sa buong katawan ko, parang nakikita niya ito kahit na may sagabal na tshirt.

Agad niyang iniwas ang tingin niya at nagsalita.

"Upo ka sa tabi ko.." Aniya sabay ayos at tapik ng katabi niyang espasyo.

Dahan-dahan naman akong umupo.

"Anong hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya sabay ayos ng pag-upo sa tabi niya.

Matagal muna bago siya sumagot, "Movies... Anong gusto mong movies?" Tanong niya.

"Hmmn.. Wait, akin na muna yung remote mo.." Ani ko at binigay naman niya sa akin.

Ako na ang naghanap sa Netflix niya ng papanoorin namin.

"Panoorin natin yung bagong movie, yung Purple Hearts.." Ani ko sa kanya sabay ngiti.

Napatingin siya sa kamay niya bago dahan-dahang tumango at tumingin sa akin sabay ngiti.

He seems bothered pero sinawalang bahala ko habang hinahanap ang Purple Hearts.

Tumayo naman siya kaya napatingin ako sa kanya at nagtaka.

"Di ka pa pala kumain, magluluto ako ng ramen para sa atin.. Ikaw na maunang manood.." Aniya.

"Huh? Wag.. Sabay na tayo manood.. Sasama ako sa labas.." Ani ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang tumango.

Tahimik kaming bumaba papunta sa kusina niya at naririnig ko pa rin ang malamig at malakas na buhos ng ulan sa lahat habang binaybay namin ang kusina.

"Wait.. Dito ka lang.." Aniya at huminto naman ako kahit naweweirdohan na ako sa kinikilos niya.

Bumalik naman siya ilang segundo ang lumipas na may dalang sandalyas.

"Mabuti na lang may sandalyas ni Mommy dito.." Aniya sabay luhod sa harapan ko para itapat ang sandalyas.

"Ayokong nagpa-paa ka dito kasi malamig ang tiles.." Aniya sabay tayo.

"Salamat.." Ani ko.

Isinuot ko naman agad ang sandalyas para makapagsimula na siyang magluto agad.

Nagpatuloy naman kami sa pagbaybay papuntang kusina at napahanga ako sa ganda ng kusina niya.

"Ikaw lang ba nakatira dito, love?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Oo, may all-around maids ako pero umuuwi sila sa kanila kapag weekends na.." Aniya sabay handa ng mga sangkap sa paggawa ng ramen at pagsuot ng apron na mas nakakadagdag ng kagwapuhan niya sa paningin ko.

Nakamasid ako sa kanya habang sinasalha ang noodles sa malamig na tubig habang nag iinit siya ng tubig sa portable cooker niya.

"Cooked Ramen noodles na 'to kaya ilang minuto lang makakakain na agad tayo.." Aniya sa akin at ngumiti.

"Take your time.." Ani ko sa kanya at ngumiti pabalik.

Naghanda siya ng cooking big pan at binudburan ng mantika tsaka naggisa ng bawang at onions. Bangong-bango ako kapag ginigisa ang bawang at onions habang sinunod niya ang pinipira-pirasong baboy bago sinabawan at kinuha ang noodles tsaka tinakpan.

Napatingin ako sa kanya habang ginagawa niya yun, seryosong-seryoso siya habang cute na cute ako sa kanya sa suot na grey apron.

Lumingon siya sa akin at agad pinangko ang beywang ko tsaka ako pinaulanan ng halik sa labi.

"Kanina pa ako nagpipigil na halikan ka dahil sa paninitig mo sa akin.." Aniya sa akin at napatawa ako dahil sa pangingiliti niya.

Pero dahan-dahan akong huminto sa pagtawa ng maramdaman kong huminto siya kaya tinignan ko siya at nakitang nakatitig siya sa biyas ko at nakitang nakataas pala ang tshirt niya.

"Love?" Tawag ko dahil naawkward na ako sa paninitig niya.

Mabuti na lang at natauhan siya at lumayo sa akin.

Tumunog naman ang niluluto niya kaya doon na siya nakapukos ulit.

"Luto na, wait... Ihahanda ko.." Aniya sabay kuha ng mangkok para lagyan ng ramen.

Sobrang nababangohan ako sa niluto niya at takam na takam ang bibig ko.

Nilagyan niya ang malalaking mangkok ng niluto niya at nilagay sa isang serving board.

"Sa kwarto tayo kakain o dito?" Tanong niya.

"Okay lang ba doon? Mas maganda kasi kapag kumakain habang nanonood.." Ani ko.

"Yun din naiisip ko kapag dito ang pipiliin mo.." Aniya at napangiti kami sa isa't isa.

Dahan-dahan naman kaming umakyat sa itaas. Siya nakahawak sa serving board, ako din naman ang nakahawak ng inumin namin.

May small table naman pala siya at doon namin nilagay ang pagkain at inumin.

"Ito oh, mainit yan love.." Ani Cronus sabay bigay sakin ng mangkok.

Kinuha ko naman ito at nagpasalamat tsaka ko inistart ang papanoorin namin.

Ang ganda ng movie, it's all about a song writer and the military man who forcely married each other without a love. Makikita mo talaga ang circumstances sa nilagay nilang label kahit ayaw naman nila noong una.

Kumakain kami habang nanonood. Nagsasalita lang kami sa mga komento namin sa palabas. Sarap na sarap ako sa ramen ni Cronus.

Nasa climax part na kami noong nagkiss na yung bida dahil nagconfess na sila na mahal na nila ang isa't isa at nararamdaman ko na naman yung intense awkward sa aming dalawa.

Napatingin ako kay Cronus na natutuliro na din katulad ko.

"Uhm..." Ani ko sabay iwas ng tingin sa pinapanood namin.

"G-Gusto mo pa?" Tanong niya at napalunok.

"Uh.. Huh?" Sagot ko na mas lalong nakapagpa-awkward sa aming dalawa.

Ano ba tong nararamdaman namin? Dahil ba ito sa pinapanood namin o sa lakas na buhos ng ulan sa labas?

Napapikit ako at kinukomposesyon ang sarili bago humarap sa kanya pero nabigla ako ng hinalikan niya ako.

Iba ito sa mga halik niya. May intense at mas harsh, mukhang.... di na siya makakapagpigil.

Napangiti ako habang hinahalikan niya ako. Napahinto siya at humiwalay sakin.

"Kasalanan mo 'to, di na ako makakapagpigil.." Aniya at agad akong hinalikan ulit.

Napatawa ako sa isip ko dahil mukhang di na nga siya nakakapagtigil.

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon