"Ewan ko ba, hardin o kwarto pa ba 'to?" Iiling-iling na sabi ni Maureen habang nakatingin sa kwarto nilang dalawa.
Limang linggo nang nanliligaw sa kanya si Cronus at panay padala ito ng bulaklak at handwritten letters.
Inayos niya ang sinuot niya ngayon.
"Okay lang ba 'to?" Tanong ni Amanda sa kaibigan.
"Okay naman.." Ani Maureen sa kanya.
"5 minutes na lang nandito na si Cronus.." Ani Amanda habang kinuha ang pabango para magspray sa sarili.
"Itswapwera na talaga ang kaibigan pag may manliligaw na.." Nagdrama bigla si Maureen sabay nood kay Amanda na kinuha ang pouch bag.
Umiling si Amanda, "Hindi bagay sayo, Attorney.." Ani Amanda.
Inikutan naman siya ng mata ng kanyang kaibigan, "Whatever, Engineer.." Ani Maureen.
"Oh, siya! Bababa na ako.." Ani Amanda at binuksan ang pintuan.
"Bye, ingat!" Pagpapaalam ni Maureen sa kaibigan.
"Bye!" Pagpapaalam din ni Amanda.
—
Pagkababa niya ay nakita niya ang isang napakagandang sasakyan at nakasandal doon ang manliligaw niyang si Cronus.
May hawak na naman itong bulaklak para sa kanya.
Nang makalapit siya ay binigay nito ang bulaklak at nagsambit ng lengwahe nila na di maintindihan ni Amanda.
Pinagbuksan siya nito at nagpasalamat naman siya.
Pumunta na din ito sa driver's seat at ngumiti sa kanya.
"Ipapakilala mo na agad ako sa pamilya mo?" Tanong ni Cronus.
"Gagi, hindi! Bibisitahin ko lang sina Troy at Minnie ulit.." Ani Amanda.
"Okay, fasten your seatbelt babe.." Ani Cronus.
Biglang kumabog ang dibdib niya ng marinig na naman yung babe sa bibig ni Cronus.
She fasten the seatbelt to her waist and was put the car in ignition. They started their journey.
Sinabi niya na din ang kinaroroonan nila at nagpapasensya sa bahay nila.
"You don't need to say that.. I like you so, I like the whole you, your everything even your house. I don't care about wealth because I like you.." Ani Cronus habang nakatingin sa dadaanan.
Di niya alam ang isasagot niya kaya pinapalabas pasok na lang niya ang hangin sa bibig niya.
Nakarating naman sila sa lugar nila at napatingin siya sa reaksyon nito.
She can't see any disgust in his emotions, ang pinagtataka niya, tila nahihiwagaan pa ito sa nakikita niya.
"You live in a area like this?" Tanong ni Cronus. Marahan namang tumango si Amanda bilang pagtugon.
"Oh, i see.." Anito aabay titig sa mga batang nandoon.
Kailangan pa nilang tumawid sa kalsada para makatawid sa bahay nila.
Malayo din kasi ipinark nila ng kotse ni Cronus sa bahay nila.
Nakatingin kay Cronus ang mga pokpok na kapitbahay ni Amanda kaya diniin ni Amanda ang sarili kay Cronus.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Cronus.
"Wala.." Masungit na sambit ni Amanda.
Sinawalang bahala na lang ni Cronus at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakita ni Amanda sina Troy at Minnie sa labas ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Greek God Series #3: Cronus
RomanceCOMPLETED Cronus Vicentrius Moreille is the moody of the six hunks. When he saw Amanda and her charades in life, will he able to be a shinning armour to the girl who is fragile inside?