04

211 16 2
                                    

Maagang nagising si Amanda at naghanda para sa pagpasok niya sa Greek God's Haven.

Napagpasyahan kasi ni Amanda na sa unang buwan siya ang magbabayad ng renta at sa ikalawang buwan si Maureen at papalit-palit sila.

"Aalis ka na?" Tanong ng kaibigan niya.

Pupungas-pungas pa itong kinakausap si Amanda.

Kinuha niya ang kanyang sling bag bago niya sinagot ito.

"Oo, kailangan kong maging maaga..." Aniya sa kaibigan.

Tumango lang si Maureen at sinabihan siyang mag-ingat.

Nilakad lang niya ang Greek God's Haven kasi malapit lang ito sa apartment nila.

Binati siya ng grilled coffee at ang mga nakangiting tao sa Café.

Lumapit siya sa isang worker at pinakilala niya ang sarili niya.

"Ah! Ikaw pala yung bago? Halika! Hatid kita sa quarters at hingin ko lang uniform mo.." Ani ng isang early 30's na babae.

Nang maihatid siya nito ay hinihintay niya iyon ng ilang minuto bago bumalik ito na may dalang uniform.

"Ako nga pala si Tessie, mabuti na lang at ako talaga ang nilapitan mo agad! Ako kasi ang naatasan sayo sinabi na agad ni Sir Cronus kahapon.." Aniya kay Amanda.

Tumango si Amanda at ngumiti.

"Ako nga pala si Amanda.." Pagpapakilala niya dito.

"Nga pala, may lahi ka ano?" Tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya, "Oo, half Korean.." Aniya.

Nanlaki ang mata ni Tessie, "Wow! So, tatay mo Koreano? Eh, bakit ka nandito? Bat ka nagtratrabaho?" Tanong nito.

Natigilan si Amanda, "Uh...mahabang kwento?" Aniya.

Parang nakaramdam naman si Tessie sa kanya.

"Mukhang tinanong ko yung di dapat.." Aniya, "Nga pala, tara! Turuan na kita ng mga gawain.." Dugtong ni Tessie at sumunod naman siya dito.

"Ito si Tasha, Renz, Ron at Yvette.. Guys, siya si Amanda, new worker.." Pagpapakilala ni Tessie kay Amanda sa mga kasamahan.

Nagbatian naman sila bago sila nagpatuloy sa mga gagawin. Naturuan na din si Amanda sa mga gawain niya kaya nagtrabaho na sila.

Ilang oras ay dumating ang isa nilang amo — si Ares. May kasama itong babae. Kinakagat-kagat nito ang tainga ng babae. Nakikiliting umuungol naman ito.

Napangiwi si Amanda sa nakikita niya at pinipilit na magfocus sa kanyang ginagawa.

"Hi.."

Napatalon sa gulat si Amanda ng bumugad sa kanyang mukha ang nakangiting mukha ng kaninang nanglalanding amo niya na si Ares.

"Hello, sir.." Ani Amanda sabay ngiti.

"So....ikaw pala si Amanda?" Ani Ares sabay tango.

Nakangising nakatitig ito sa kanya.

Naiilang si Amanda pero nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.

"So, single ka?" Tanong nito bigla.

"Uh...opo, sir.." Sagot niya.

Tumingin siya dito at nakitang nakangisi pa rin ito at nakahawak na sa baba.

"Mabuti.." Anito.

Naweweirdohan man ay sinawalang bahala niya ang amo at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon