02

305 21 0
                                    

Natulak ni Amanda si Cronus pero hindi naman na out balance si Cronus dahil inaasahan niya na yun.

Nanlalaki ang mga mata ni Amanda habang nakatingin kay Cronus na nakatingin sa kanya.

Cronus was wearing his blank expression at napatingin siya sa relos niya.

"I gotta go.." Yun lang sinabi niya at umalis sa harapan nilang apat.

"Woah.." Yun agad ang nasabi ni Maureen habang nakatingin sa nakatulala niyang bestfriend.

Nakahalukipkip naman si Loureen at Valeen.

"Let's go, baka malate kayo.." Yun lang ang sinabi ni Loureen at nagpatuloy sila sa paglalakad.


Ilang linggo na ang nakaraan ng mangyari yung encounter niya kay Cronus at ang pagkamangha niya sa unibersidad na pinangarap niya.

Hindi niya alam pero kapag nababanggit ni Maureen ang pangalan ni Cronus at ang pagbabalik-tanaw nila sa nangyaring encounter ay namumula siya.

"Troy, bantayan mo si Minnie, ah? Pupunta lang ako sa apartment na titirahan ko.." Bilin ni Amanda sa panganay na anak ng Mama at ng ama-amahan niya.

Ngumiti naman si Troy, "Sige, Ate.."

Last week ay nagsend ng gmail message ang unibersidad na pinagtake niya ng exam at scholarship. Natanggap siya sa dalawang pinagtake niya.

Lumabas si Amanda at nandoon ang kaibigan niyang masamang nakatingin sa ama-amahan niyang nasa unahan at nakikipag-inuman na naman.

"Tara na.." Ani Maureen at pinagbuksan siya sa front seat.

Tumaas ang kilay ni Amanda, "Hindi ka uupo sa front seat?" Ani Amanda dito.

Ngumisi si Maureen at pinindot ang car lock. Tumunog ang dinila niyang Mercedes Benz.

Nanlaki ang mata ni Amanda, "Magdadrive ka na?!" Sigaw niya.

"Yes, my friend!" Ani Maureen.

Sumakay naman si Amanda at sumakay na din ang kaibigan niya.

"Woah ka talaga!" Aniya sa kaibigang maingat na nagdadrive.

"Sabi kasi ni Mommy na ayaw niya maglakad ang mga princess niya.." Ngumisi si Maureen.

Napangiti din si Amanda.

Ang mommy ni Maureen ang pinakadabest na nakilala niya. Maangas ito at palakaibigan, tinuturing niya ring anak si Amanda kahit hindi niya kadugo 'to.

"Nga pala, sabi ni Loureen may nahanap siyang naghihire malapit sa school natin, coffee shop to be exact. Ano? G ka?" Aniya.

Nanlaki ang mata ni Amanda, "Nahanapan mo 'ko agad?" Aniya dito.

"Oo naman! Mahal kaya kita!" Ani Maureen.

Pinipigilan ni Amanda na i-hug si Maureen.

"Ahhh... Alam kong gusto mo 'kong mahug.." Ngumisi ang kaibigan niya sa kanya.

"You know me well.." Aniya dito at nakatingin siya sa labas ng kotse.

Huminto sila sa isang high class apartment na pinanlakihan niya ang mata ng kaibigan niya.

"Bat high class? Wala bang hindi masyadong mahal ang bayad?" Ani Amanda sa kaibigan.

"Mom chose it.." Ani Maureen at lumabas sila.

"Nakakahiya na sa inyo.." Ani Amanda sa kaibigan niya.

Maureen side hug her, "No! Anak na din turing sa Iyo ni Mom at kapatid na turing ko sa'yo! Kaya nga ayaw kitang tumira mag-isa, diba?" Ani Maureen sa kanya.

Ngumiti naman siya, "Basta! Babayad ako!" Ani Amanda sa kaibigan niya.

"Okay fine, bitch.." Ani Maureen at sabay silang pumasok sa loob.

Pumunta sila sa land lady area at hiningi ang key ng uupahan nilang dalawa.

"I choose last floor para naman malapit tayo sa rooftop! Alam mo naman, hangin is life.." Ani Maureen at ngumiti siya sa kaibigan niya.

They love the whole apartment they would share a month later in this day.

Gragraduate na din sila bukas sa Senior High School finally! Nagco-come up na din ang dalawa sa kukuning course at sa mga gagawin pa.

Amanda chooses to become a Engineer and Maureen chooses to be her mother, a Lawyer.

Being with her bestfriend, she couldn't ask for more. Iniisip na niya ang gagawin niya kapag natapos na siya sa pag-aaral. Aalis siya sa poder ng Ama-amahan niya at isasama ang mga anak nito.


They graduate. They got their diplomas. Wearing their toga. And a goodbye song and speech to each other.

"Finally!" Ani Maureen kay Amanda at hinug siya nito.

"Congrats!" Bati ng Mommy ni Maureen sa kanya at binigyan siya ng hug at beso.

"Thank you, tita-mommy!" Ani Amanda dito.

"Apat na buwan na break tas mag-co-college na ang mga princess ko.." Ani ni Cristine Valle sa dalawang dalaga.

Nakatingin lang si Vince Valle sa tatlo.

"Dad, picturan mo kami.." Ani ni Cristine sa asawa.

Sinide hug niya ang anak na si Maureen at ang kaibigan nitong si Amanda.

"One, two, three..." Bilang ni Vince at pinicturan ang tatlong babae.

"Troy, palagi kang pupunta kay Aling Ising at mangutang ka ng kakainin niyo.. Si Ate ang magbabayad kapag bibisitahin ko kayo dito. Wag mong pababayaan si Minnie, okay?" Bilin niya sa batang si Troy.

"Palagi, Ate.." Ani naman ni Troy.

Iba kasi mag-isip si Troy dahil na din maaga siyang namulat sa kalupitan ng Ama nila.

Amanda kissed them at their forehead and hug them so tight.

Kahit na ayaw niya sa bahay, namimiss niya ang dalawang kapatid niya.

Pumasok siya sa kotse ni Maureen at kumaway sa mga batang kapatid na nakamasid sa kanya.

Nag-iinom na naman ang ama+amahan niya.

"Let's go?" Ani Maureen sa kanya at tumango siya.

Nakatulog siya sa byahe at nagising lang siya sa alog ng kanyang bestfriend.

Bumaba sila at kinuha ang mga gamit para ipasok sa apartment nila.

"May mga pagkain na daw doon sabi ni Mom.." Ani Maureen sa kaibigan.

"Magluluto ako ng lunch natin.." Ani Amanda sa kaibigan niya.

"You miss them already?" Tanong ng kaibigan.

She nodded, "Yes.." Ani Amanda at pinipigilang tumulo ang luha.

"Nakakahomesick nga.." Ani ng kaibigan niya.

She just smiled at her bestfriend.

Nagluto agad siya pagkapasok sa apartment nila. She cooked light foods kasi malapit na mag 1am ng makarating sila.

She always make herself busy just to stop thinking about her siblings.

"Ngayon ka mag-aapply right?" Ani Maureen sa kaibigan.

"Yep!" Amanda popped the 'p'.

"Samahan kita?" Anito.

"Di ka ba busy?" Amanda asked.

"Nope!" Ani Maureen sabay tago ng cellphone niya.

"Sige..." Ani Amanda sa kaibigan.

She's always been thankful when her bestfriend comes to her life, and she hope it won't change...

This is the new beginning, Amanda.. Keep it up!

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon