Galit... Galit na galit ang mata niyang ipinukol sa aming dalawa ni Cloud.
"Who the fuck are you?" Tanong niya kay Cloud.
"Woah, chill.. Mister but I think you should calm down before cursing at me.." Ani Cloud.
Masama pa rin ang tingin niya sabay tingin sa akin, "Sino siya?" Tanong niya sa akin.
Di ko alam pero bumalik na naman yung di niya pagpapaliwanag sa akin tungkol doon sa Kate na isang ex girlfriend niya na di man lang ako pinaliwanagan kung ano pa ba ang nararamdaman niya sa babaeng yun?
Kung mas galit ka! Mas galit ako sayo, isa pa't problemado ako!
Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong pake mo?" Sagot ko sa kanya at mas intensidad ang galit ko sa pinupukol niya.
Biglang nawala ang galit niya pero nanatiling nakakunot ang noo niya.
"Let's talk privately?" Aniya.
"Para ano? Para ibahin ang set-up nito? Ano? Mahal mo pa yung Kate? Mahal mo pa kasi kanina pa ako naghihintay ng sagot mo sa nagtatanong kong utak pero parang di ka bothered na mag-overthink ako? Ngayong may masamang nangyari kay Maureen, heto ka at pinapagalitan pa ang tumulong sa akin?" Buntong ko sa kanya ng sama ng loob ko.
"Uh, Amy? Can I excuse para makapag-usap kayo ng masinsinan? I'll be at the ground floor, kukuha ng makakain natin.." Ani Cloud.
"That's good, but don't hesitate to bring food to her... I'll be the one will buy her meals.." Matigas na sabi ni Cronus.
"Cronus! By the way, Cloud.. Sure, bring me some, don't mind him.." Ani ko.
Nagdadalawang isip si Cloud bago tumango at ngumiti sa akin. Nakikita ko na naman yung magaganda niyang dimple na mas lalong nakakapagreflect ng pagiging moreno niya bago tumalikod at naglakad palayo sa amin.
"Ano? Do you like him?" Tanong ni Cronus.
I scoffed, "Oo, gusto ko ang personality niya.." Ani ko. "But atleast I don't make myself too blind of questions of what you did to me.." Mapakla kong dugtong.
He eyed me anger flickering to his eyes, "Is that what you whine? Because I didn't tell you about Kaye? Huh? That's what you are mad for? And now you are rubbing to my face that you like somebody now? Ganyan ka rin ba sa akin noon? Nagustuhan mo ako agad tapos ngayong may nakita ka na, lalo na't tinulungan ka na ay papalitan mo na agad? Do you think me as a replaceable? A paper that if you are done using then you can throw away because you have new one?" Galit na sabi niya sa akin.
Pero kahit ganun, nakakasakit ang pinagsasabi niya at pinaratang niya. Mas dinadaganan ng galit ko ang buong sistema ko.
"Kung yan ang tingin mo sa akin, edi congrats! Isa pala akong malandi at malantod na babae dahil kani-kanino lang ako nagkakagusto ano? Yan naman paratang mo diba? Ganyan kakitid utak mo? Ikaw na nga tong pumunta ditong galit na akala mo naman ako talaga ang may kasalanan na mismong ikaw naman talaga, naghahamok ka pa na akala mo naman tamang-tama!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko sinabing malandi ka.." Aniya.
"Pero pinaparating mo.." Ani ko sabay landas ng luha sa mata ko. "Na parang ang landi landi ko dahil kani-kanino lang ako nagkakagusto eh, gusto ko lang naman ang katangian niya sa pagtulong niya sa kapwa.." Ani ko habang nanginginig ang labi ko.
"Hindi porket may gusto ka, ibig sabihin nun mapapalitan mo na ang taong mahal mo.. at hindi lahat ng nagugustuhan ay may ibig sabihing mamahalin na? May ibang nagugustuhan dahil sa ugali, o gusto maging kaibigan, ganun pero... Wala eh, nasabi mo na ang nasabi mo kaya pwede ka nang umalis.." Ani ko sa kanya sabay punas ng luha ko.
"A-Amanda.." Aniya sabay hawak ng kamay ko.
Tinignan ko yun sabay tanggal nito at tinitigan ko siya sa mata ko.
"Kung wala kang tiwala sa akin, sigurong... mas mabuting maghiwalay muna tayo.." Ani ko.
"Tutal may problema tayo.. Ako, kailangan ako ni Maureen at ikaw... Wala kang trust issue kaya siguro bigyan mo muna ng oras ang sarili mo.." Ani ko at tumalikod sa kanya.
"Amanda.." His voice was pleaded but I choose not to look back and enter Maureen's room so that he won't bothered me.
Nakasalubong ko ang doktor at nurses. Pinipigilan ko ang luha ko habang kinakausap sila.
Nang matapos na yung pinag-usapan namin ay hinayaan kong tumulo ang mga luha at tahimik na umiiyak.
Ang sakit kasi wala siyang tiwala sa akin at tsaka, mas pinaparating niya na kasalanan ko.
Na parang wala akong kwentang girlfriend..
Napakagat ako sa labi ko at napailing habang umaagos ang luha ko.
All I need to do now is to focus. Maureen needs me and I need to hear why she did this and what's the reason so that she won't do this again, ever.
Yeah, focus to Maureen, Amanda. Nothing more, nothing less..
—
A/N:
4 chapters left and one special chapter before I proceed to Greek God Series #7: Ares. Next chapter. I'll give the synopsis of Ares' story.
Dun niyo rin malalaman kung si Maureen ba talaga ang makakatuluyan ni Ares. so, yeah... see you next update!
BINABASA MO ANG
Greek God Series #3: Cronus
RomanceCOMPLETED Cronus Vicentrius Moreille is the moody of the six hunks. When he saw Amanda and her charades in life, will he able to be a shinning armour to the girl who is fragile inside?