08

159 14 1
                                    

Pagkatapos ng kanta. Hinding-hindi na dapat magkakrus ng landas ang kanilang mga mata. It won't happened again!

Pinipilit ni Amanda na hindi tignan si Cronus na ngayon ay bulgar ng nakatingin sa kanya.

"Kanina pa nakatingin si Sir Cronus sayo.." Bulong ni Tessie.

"Hayaan mo na lang si Sir.." Yun lang ang nasabi ni Amanda sa kasama.

They are eating now. Masaya sina Renz at Ron na umiinom ng beer habang si Tasha, Tessie at Amanda ay busy sa pagkain ng pasta.

"Amanda, can I join?" Tanong ni Ares.

Di napansin ng tatlo ang paglapit ng isa pa nilang amo.

Napatingin si Amanda sa dalawang kasama at nakita niyang ngumiti ng pilit ang mga ito.

"Sige, sir.." Pagpayag niya.

Umupo si Ares sa katabi ni Amanda.

"Do you have something na gagawin after this?" Tanonh ni Ares sa kanya.

"Ah, wala naman po.." Ani Amanda.

"Can you come to the after party?" Tanong ni Ares.

"Hmm.. Ewan po? Nagpromise na ako sa sarili ko na hindi na ako mag-ba-bar pa.." Ani Amanda.

"Nag-bar ka na?!" He shouted.

Napatingin naman silang lahat kay Amanda na namumula.

"Y-Yes, k-kasama ko ang kaibigan ko.." Ani Amanda at napatingin sa malayo pero sa kamalas-malasan nagkatagpo pa ang mga mata nilang dalawa.

"Woah! Saan? Dito ba?" Tanong ni Ares. Curious ding nakikinig ang kasamahan niya.

"Oo.." Ani Amanda. Mas namula si Amanda sa mga pinagsasabi niya lalo na't palapit ng palapit sa kanila si Cronus.

Amanda bite her lips.

"Can I join, too?" Malamig na tanong ni Cronus sa kanila.

"Sure, bro!" Ani Ares na akala mo siya ang tinatanong.

"Come on! Bat di mo sinabi sa akin, Amy?" Ani Ares.

Nabigla si Amanda sa pagtawag ni Ares sa kanyang palayaw na ang mga kakilala niya lang ang nakakaalam.

Hindi din nakaligtas sa mata ni Amanda ang pagsama ng timpla sa kunot na noo ni Cronus habang nakatingin ito kay Ares.

Amanda gulped, "Kasi biglaan yun, t-tsaka wala akong number sayo, sir.." Ani Amanda.

"Owh! I forgot. Lemme give your cellphone to me. I'll punch my number.." Ani Ares sabay taas baba ng kanyang kilay.

Nahihiya namang binigay ni Amanda ang cellphone niya kay Ares.

"Nice wallpaper! Ang cute niyo.." Ares compliment.

Si Amanda at ang kanyang dalawang foster siblings ang wallpaper niya at naka wacky face silang lahat.

"W-Wag niyo na po tignan.." Mas namula si Amanda lalo na sa tingin ni Cronus doon sa picture.

"Ayan! Nalagay ko na num—" Ani Ares pero nahinto siya ng kunin ito ni Cronus.

May pinipindot doon si Cronus bago binigay kay Amanda ang cellphone at umupo si Cronus sa gitna nina Amanda at Ares.

"Pre naman!" Ani Ares kay Cronus na tahimik lang na pinagsalikop ang kanyang kamay.

"Amy, after this party, umuwi ka na. I don't want to carry you again.." Ani Cronus na nakapagpasinghap nilang lahat.

Nalaglag ang panga ni Tasha at Tessie habang napatigil sa pag-uusap si Ron at Renz habang si Ares...

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon