Nakatingin ako sa kawalan habang hawak ang kamay ni Maureen. Ukupado ng buong utak ko yung away namin ni Cronus na kahapon lang nangyari.
Nagpasalamat ako kay Cloud nang dumating siya kahapon. Dahil kundi dahil sa kanya baka kung ano pang mas nangyari kay Maureen.
Alalang-alala sina Tita at Tito ng dumating dito kahapon nung tinawagan ko sila dahil sa nangyari kay Maureen.
Napaisip ako kung bat ko pa hinayaang mangyari 'to kay Maureen? Edi sana kung nasa tabi.....
Napapikit ako sabay kagat ng labi ko.
"Hija, kumain ka na muna.." Tawag ni Tita sa akin sabay bigay ng isang McDo meals.
Umiling ako, "Busog pa po ako, tita.." Ani ko sabay titig kay Maureen.
Bumuntong-hininga si Tita sabay tabi sa akin.
"Hindi porket wala ka sa tabi niya kahapon ay kasalanan mo na, hija.. I think it's her own problem to face and don't blame it all to yourself.." Ani Tita sabay himas ng buhok ko.
"Ayaw ng anak ko na mahirapan ka.. You are doing household chores, making something to eat to the both of you and also.. she wants you to be happy not minding her own problems.." Dugtong niya na mas lalong nakapagbigat ng damdamin ko.
But still I'm a responsible bestfriend.. She was there when my stepdad molested me.. She was there when everything wants to demolished me but...
Tumulo na naman ang masaganang luha sa mga mata ko at pinipigilan kong hindi humikbi dahil ayokong makatawag pansin.
"You can cry them all.. All you need to do is to cry, kasi mawawala lahat ng sama ng loob mo sa sarili mo.. Ang pag-iyak ay hindi nangangahulugang mahina ka, ang totoong mahina ay hindi nilalabas na mahina siya.." Ani Tita sabay hagod ng likod ko nang unti-unting lumabas ang mga hikbi ko.
"Ayan.. Ilabas mo lang.." Ani Tita sabay hagod pa rin ng likod ko.
Ang sakit-sakit kasi una, dumating si Papa at nagkita na kami. Dalawa, wala akong kwentang kaibigan kay Maureen dahil di ko man lang siya sinisilip, puro pagmamahal na lang inaatupag ko at pangatlo, nabubulag ako kay Cronus kahit wala naman talaga itong tiwala sa akin..
"A-Amanda?" Pukaw boses ni Maureen.
Napatingin naman kami ng Mama niya sa kanya at napahinga ng maluwag.
"Mau, mabuti at gising ka na.." Ani ko sabay yakap sa kanya.
Mahinang natawa si Maureen, "Chill, maliit na hiwa lang yun.." Aniya sabay ngiti sa akin ng malungkot.
"Hija, pwede bang iwan mo muna kami saglit ni Maureen? May pag-uusapan lang kami, hm?" Paghingi sa akin ng permiso ni Tita.
Ngumiti naman ako at tumango, "Sige po, tita.. Uh, nasa labas lang ako.." Ani ko at tumalikod sa kanila.
Tito nodded his head and I smile at him too before leaving Maureen's room.
Agad akong umupo sa upuan at napatingin sa sneakers ko.
Bumabagabag na naman si Cronus sa isip ko. Di ko alam kung masaya ba ako dahil pansamantala kaming nagkahiwalay o hindi? Dahil the more he's single, the more everything to be complicated. Napagpasyahan kong buksan ang facebook ko at sana di ko na lang talaga ginawa dahil bumugad sa akin ang isang News Page na itinag pa si Cronus.
Thai-Filipino Kate Wattikorn, a model was now in the Philippines and Cronus Moreille, the owner of Moreille Empire welcomes her personally and hugged each other.
Di mapigilan ng mga luha kong tumulo at napaklang natawa sa sarili. Ang swerte-swerte ko sa problema, daming lumalapit.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko ng may narinig ako yabag papunta sa akin at napatingin ako sa taong 'yun.
Si Cloud...
"Hey, bumalik ako kasi gusto kong makibalita.." Aniya pero agad nakuryoso ng makita ang namumula kong mata.
"Are you crying?" He asked.
Worries was dancing in his eyes.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti, tapos nakita ko si Cronus ilang metro lang ang layo sa kinatayuan namin.
Anger was evident in his eyes and those eyes.... who are staring at me in that night. Those eyes who stares the whole me.
Kinagat ko ang labi ko at agad ginawa ang dapat kong gawin.
I hugged Cloud and hide my face into his neck. I know I will soak his tshirt but this is the good thing. This is the thing that I would do.
"I-I need s-someone right now, but I don't want to bother Maureen.." Ani ko.
Naramdaman ko din naman ang mahihinang tapik ni Cloud at kinulong din niya ako sa yakap niya.
"You can have me, I can be your friend right now.." Aniya at mas naiyak ako.
Kailangan ko itong gawin dahil ito ang nararapat. Ito ang kailangang mangyari.
—
A/N:
I think, pagkatapos na Cronus ko ilalagay ang synopsis ni Ares..
Please vote. comment. i would love to see your comments and stars.
I would like to thank sa mga taong nilagay ang story ni Cronus sa Reading List nila. malugod akong nagpapasalamat sa inyo!
thank you sa mga bago kong followers! sana dumami kayo at kung di dahil sa inyo, di magiging successful ang pagiging writer ko, hanggang sa dulo na 'to speakers! :)
BINABASA MO ANG
Greek God Series #3: Cronus
RomanceCOMPLETED Cronus Vicentrius Moreille is the moody of the six hunks. When he saw Amanda and her charades in life, will he able to be a shinning armour to the girl who is fragile inside?