12

151 10 0
                                    

Masaya naman. Masaya silang nagmamahalan kahit patago. Gusto nila ang nangyayari kahit patago.

"Napagod ka ba?" Tanong ni Cronus kay Amanda.

Nagstop over sila sa isang Barbecue Grill House dahil gusto niyang itreat ng MidDinner ang kanyang girlfriend.

"Medyo.. Di naman maiiwasan yun.." Ani Amanda sa kanyang nobyo.

"Saan ka mas napapagod? Sa magserve o sa kusina?" Tanong nito.

"Mas nakakapagod magserve.." Ani Amanda.

"What if gawin kitang PA? But I was the one will serves you.." Ani Cronus.

Umiling si Amanda, "Mas magdududa sila.." Ani Amanda.

Ngumuso naman si Cronus at tila nag iisip ng ibang paraan.

"What if we'll live in the same roof?" Preskong sabi ni Cronus na nakapagpatigil kay Amanda sa pagpapak ng kanyang BBQ Chicken Wings.

"A-Ayoko..." Ani Amanda habang namumula.

Naiisip na ni Amanda ang mga mangyayari kapag nasa iisang bubong sila tapos....... tapos......

"Why? It's better para di ka ma—" Ani Cronus pero pinutol siya ng iling ng kanyang nobya.

"Okay fine..." Pagsuko ni Cronus.

"Kaya ko naman, don't worry..." Pag aassure ni Amanda sa kanyang nobyo.

Nakauwi si Amanda ng safe at nagpaalam na din sa isa't isa ang magjowa.

"Kinukulit ka pa rin ba ni Ares?" Biglaang tanong ni Amanda habang nilalagyan niya ng skin care ang kaibigan.

"Hindi na..." Ani Amanda.

"Mabuti naman.." Ani Maureen.

"Bakit?" Tanong bigla ni Amanda sa kaibigan.

"What do you mean sa bakit?" Tanong ni Maureen pabalik.

"Bat mo naitanong? You like him?" Tanong ni Amanda sa kaibigan.

"Hindi ah!" Mabilis na depensa ni Maureen.

"Yung totoo?" Pangungulit ni Amanda.

"Hindi nga promise!" Ani Maureen.

Tumango lang si Amanda at ngumisi sa kaibigang alam niya na marami ng sekretong tinatago sa kanya.

Her bestfriend who always tell her secrets to her was being mature right now. Madami ng nagbago kay Maureen, sa features and personality niya pero may naiwan....yung pagmamahal niya sa kanyang kaibigan at ang katapangan niya. She was a good development of a mature woman.

Naging Mother Figure na din ito nung dineklara na ng Nanay niya na hindi na parte ng pamilya si Amanda. Palagi itong nagchecheck kong nasaan siya o kung sino amg kasama niya, kumain na ba siya o nagpalit ba siya ng damit dahil pawis na pawis siya.

She was very happy because Maureen didn't feel her na nag-iisa na lang siya. Pinipilit ni Maureen maging nanay ni Amanda dahil gusto niyang maramdaman nito na nasa tabi lang siya parati at para lang dito.

"Kung ano man yang mga sekreto mo sana sabihin mo rin sa akin..." Ani Amanda at ngumiti sa kaibigan.

Natigilan si Maureen at napatitig sa kanyang matalik na kaibigan.

Gustong sabihin ni Maureen ang gumugulo sa isip niya pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanya. She needs to know more and to assure more.

"Oo naman.." Ani Maureen at niyakap ang kaibigan.

Miss na nila ang isa't isa dahil busy na din sila sa kanya kanyang buhay kahit nasa iisang bubong lang sila.

Friendship last long than Relationship that's why their Friendship treasures so much.

"Sana si Cronus na talaga, baby.." Ani Maureen sa kanyang kaibigan.

"Sana nga..." Ani Amanda.

Tahimik lang ang magkaibigan na magyakapan sa isa't isa. They feel their warm hearts and hugs.

Their friendship lasts long since both of them are in 6th grade. Palaging binubully si Maureen noon at ang knight in shining lapis niya ay si Amanda. Sanay na si Amanda na protektahan si Maureen kaya hanggang ngayon ay ganun ang ginagawa nila sa isa't isa.

"Alam mo, paano kapag wala ka no?" Tanong bigla ni Maureen.

"Paanong wala? As in deads ganun?" Tanong ni Amanda.

"Hindi! I mean...paano kapag di mo ko prinoprotektahan noon? Paano kapag hindi tayo same school and classmates?" Tanong niya.

"Edi baka sa High School tayo magkakakilala.." Ani Amanda dito.

"No, i mean...paano kapag di tayo nagkakilala? Ganito kaya ako? Hindi ba ako mapapalapit sa mga kagaya mo? Baka matulad ako ng iba na mabuntis ng maaga.." Ani Maureen sabay higpit ng yakap sa kaibigan.

"Destiny finds a way, Maureen. Kapag tayo talaga ang bestfriend, edi tayo! Wala ng makakabuwag non, if the destiny wants it.. Alam mo? Masaya ako na nakilala kita at ang pamilya mo. Mabuti kayo sa akin, hindi niyo ako inaout of place, tinuring mo akong kapatid, tinuring ako ni Tito at Tita na parang anak.. Masaya ako sa natatamasa ko, babe.. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko at masaya ako na ako ang promotekta sayo.." Mataas na sabi ni Amanda sa kaibigan.

Dahan-dahang tumulo ang luha ni Maureen sa mga mata nito. Nabigla si Amanda sa pag iyak ng kaibigan dahil minsan niya lang makita itong mahina dahil alam niya na malakas at mataray itong tao.

"N-Nagmahal ako ng t-taong alam ko hindi ako mamahalin pabalik, k-kasi...iba yung gusto niya at paiba iba naman siya ng babae.." Ani Maureen.

"You mean playboy yung gusto mo?" Ani Amanda.

"O-Oo, pero may gusto siyang babae na malabo siyang magustuhan.." Ani Maureen.

Niyakap ni Amanda ang kanyang kaibigan, "Shh.. You don't deserve him.. You need to choose a good guy because your a good girl, you are unique and nice person.. Hindi ka karapat dapat sa lalaking hindi naman kayang suklian ang pagmamahal mo and the same time playboy pa.. I know it's a long process but you can do it, right?" Ani Amanda sabay hawak sa kamay ng kaibigan.

Umiling si Maureen, "I-I can't.. Lunod na lunod na ako sa kanya, babe..." Ani Maureen.

Nahihirapan si Amanda kapag nakikita ang kaibigan niyang nasasaktan at nahihirapan. Gusto niyang siya na lamang ang masaktan basta wag lang ang kaibigan niyang tinuring niya na ring tahanan.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Amanda habang pinapatahan ang kaibigang alam niyang wasak na wasak sa lalaking misteryoso sa isipan niya.

"Who ever that man is..... Karma is a bitch..." Ani Amanda sabay yakap ng kanyang kaibigan.

Di niya alam ang gagawin at sasabihin gayunman di pa niya nararansan ito pero pinapanalangin niya na sana...

Na sana hindi na muling masaktan pa si Maureen...

Greek God Series #3: CronusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon