Chapter 3: Locked

657 72 15
                                    

Marco's POV

Madilim na ang paligid at naglakad na lang kami papunta sa lugar kung saan naman susunduin si Sonya.

Hindi ko akalain na gagabihin pala ng uwi si Sonya. Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumasok sa trabaho kanina para masigurado ko na ligtas ang asawa ko.

Isa pa, magiging tatay na ako...

Pesteng mga aswang! Kung wala lang sana sila, hindi kami matatakot ng ganito! Bakit ba kasi hindi sila nauubos?

Mabuti na lang ang sinamahan ako ni Kuya Hernan na sunduin si Sonya.

"Sigurado ka ba talaga Kuya Hernan, si Sinag ang iniwan mo na magbantay sa anak mo?"

"Oo naman, Marco! Kilala naman natin si Sinag. Mabuting bata 'yun. Ramdam ko rin na mabuting tao talaga 'yung kuya niya."

"Eh wala naman tayong magagawa. Kailangan niyang pagbayaran sa batas 'yung ginawa niya."

"Sayang no? Bata pa 'yung kuya ni Sinag. Habambuhay na siya sa kulungan."

Alam naman namin na mabuting tao talaga sila Sinag. Ako ang pulis na nag-imbistiga sa kaso ng kuya niya.

Alam ko naman ang totoong nangyari. Awang-awa ako sa magkapatid kaya kinupkop na lang namin si Sinag.

"Isa pa, may nalaman akong sikreto tungkol sa kanya," seryosong sabi ni Kuya Hernan.

Napatitig na lang ako sa kanya...

"Di'ba ang nakalagay sa records niya, babaylan daw ang lola niya?"

"Oo... Pero, wala namang pinapakita si Sinag na kakaiba. Normal na tao lang naman siya."

"Siguro nga... pero noong inayos ko 'yung nasira niyang kabinet, may nakita akong buntot pagi."

"Ano naman? Eh, marami naman ang nabibili na buntot pagi sa Quiapo," natatawa kong sabi.

"Yung buntot pagi sa kabinet niya, kakaiba! Ginto 'yung hawakan! Makapal tapos mahaba! Noong sinubukan kong hawakan, napaso 'yung kamay ko!"

Napahinto ako sa paglalagad...

"Napaso ang kamay mo? Di'ba ang sabi nila, galing sa mga diwata ang ganung klase ng sandata?" Tanong ko.

"Oo... Mga Babaylang Hinirang lang ang may sandata na hindi pwedeng gamitin ng iba. Sigurado ako na galing 'yun sa lola ni Sinag."

"Kung galing 'yun sa lola niya na babaylan, ibig-sabihin ba isa sa mga hinirang ang lola niya?"

"Yun ang hindi ko alam, Marco. Alam mo naman na mahirap makakuha ng impormasyon sa mga babaylan. Masyado silang mailap."

"Kung pinamana iyon ng lola niya, ibig-sabihin pwedeng hawakan ni Sinag ang buntot pagi at may chance na maging sandata niya 'yun?"

"May chance kung magiging babaylan din siya. Ang kaso, mukhang wala naman siyang interest sa ganung bagay."

Napahinto kami ni Kuya Hernan sa paglalakad dahil may humarang sa amin na dalawang babae na nakasuot ng itim na robe. May marka sila ng buwan sa damit.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon