Chapter 22: Dark Magic

600 71 18
                                    

Sinag's POV

"T-Thank you, cutie..."

Napangiti na lang ako dahil kahit na nanghihina si Luis ay malandi pa rin siya hahaaah. Matagal gumaling ang sugat niya dahil hinawakan niya ang palakol ng ate niya.

Humahanga ako sa kanya dahil matapang siya. Mabuti na lang at nandito si Lucio at Lucas.

Sila muna ang lumalaban sa mga balbal habang pinapagaling ko si Luis.

"Grabe, ganito pala ang feeling kapag hinawakan ang banal na sandata. Parang mamamatay na ako."

"Shhh! Kahit anong gawin ko, hindi tuluyan na maghihilom agad ang sugat mo dahil aswang ka. Kaya ko lang pagalingin ng konti."

Habang pinapagaling ko si Luis ay napatingin ako kay Leona. Hindi ko alam na sobrang lakas pala ng Lakan. Nahihirapan si Leona kahit na malayo ang agwat namin sa kapangyarihan.

Tumingin ako sa paligid at marami ang mga babaylan na nahihirapan na makipaglaban.

Kulang kami...

"S-Sinag! Tulong!"

Napatingin ako kay Lucio dahil narinig ko siyang sumigaw.

Nanlaki ang mga mata ko dahil may pumulupot na buhok sa leeg ni Lucio at ibinato siya palayo na parang piraso lang ng kahoy!

Si Lucas naman ay nakahiga sa kalsada at walang malay.

Tumingin ako sa paligid...

Nasaan ang kalaban?

Pinapagaling ko pa si Luis! Hindi niya kayang pagalingin ang sarili niya dahil ang sugat niya ay gawa ng banal na sandata kaya kailangan niya talaga ng tulong ko.

"Sinag... Kaya ko na ito. Tulungan mo sila Lucas. Tulungan mo ang mga kapatid ko."

"Sigurado ka ba-"

Nagulat ako dahil hindi pa tapos ang sasabihin ko at bigla na lang may pumulupot na buhok sa bibig ko!

Masyadong mabilis ang pangyayari!

Ilang saglit pa ay bigla na lang din akong tumilapon sa kalsada at hindi ko napansin kung ano ang nangyari.

Tatayo na sana ako pero namilipit ako sa sobrang sakit! N-Nabali ang braso ko! Ang sakit! Sinubukan kong pagalingin muna ang braso ko bago ako bumangon.

"Sinag... Mag-ingat ka! Malakas ang kalaban natin!" Sabi ni Lucio.

"Bantayan niyo ang paligid. Nagtatago siya sa madilim," sabi ni Lucas.

"Parang alam ko na kung ano ang kalaban natin," sabi naman ni Luis.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa latigo. Nagmamasid lang kami sa paligid at ramdam ko ang panganib.

"Lumabas ka! Magpakita ka sa amin!"

Nakarinig na lang kami ng nakakatakot na halakhak ng isang babae. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.

Ramdam ko na makapangyarihan ang kalaban namin na aswang.

"Ramdam ko ang takot niyo hahahah."

May babaeng lumabas sa dilim at maganda siya. Nakasuot siya ng pulang bestida at maputi ang kutis niya.

Nakangiti lang siya sa amin...

Ramdam ko na malakas siyang uri ng aswang. Hindi ko maintindihan pero nanginginig ang mga kamay ko.

"Nakakatakot ba ang babae na kasing ganda ko ha?"

Napatingin ako kila Lucas. Hindi ito ang oras para magbiro sila. Napansin ko na natatakot din sila sa kapwa nila aswang.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon