Chapter 38: Amir

631 77 48
                                    

Amir's POV

Palubog na ang araw at ito ang oras kung kailan lumalabas ang mga aswang sa dagat upang mambiktima. Sila ang mga uri ng aswang na pinaka kinasusuklaman ko!

Narinig ko na ang magandang awit mula sa gitna ng dagat.

Napakaganda ng awit. Akala mo ay maganda rin ang kumakanta pero kabaliktaran ito. Mga magindara ang umaawit sa karagatan.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa banal na sandata. Isang sibat na yari sa ginto ang handog sa akin ng diwatang si Ribung Linti, diwata ng kulog at kidlat.

Ako ang pinakamabilis sa lahat ng mga Hinirang. Taglay ko ang kakaibang bilis na parang kidlat.

Oras na para harapin ko ang mga aswang sa dagat bago pa sila makahanap ng mabibiktima.

Ramdam ko ang kakaibang kuryente na dumadaloy sa katawan ko at biglaan kong itinuro ang sibat sa gitna ng dagat.

Parang kidlat sa sobrang bilis, nakarating kaagad ako sa gitna ng dagat at doon ko nakita ang mga magindara.

"Tignan niyo nga naman, isang babaylan pala ang nabiktima natin."

"Ahhahaha, matutuwa ang reyna natin kapag naging alipin natin ang babaylang ito."

"Gusto ko siya maging asawa! Matipuno ang katawan niya!"

"Manahimik ka! Kailangan natin siyang dalhin sa mahal na reyna!"

Nakatayo lang ako sa gitna ng dagat at nagmamasid. Nagsimula na naman silang kumanta habang lumalangoy sila sa paligid ko.

Paborito nilang biktima ang mga lalake upang gawin nilang alipin o asawa. Nawawala sila sa sarili dahil sa makapangyarihan nilang awit.

Nagsimula na naman silang umawit habang lumalangoy sa paligid ko. Sinubukan nilang hawakan ang mga paa ko upang hilahin sa ilalim ng dagat pero nagpakawala ako ng kuryente kaya nagsigawan sila.

"Teka! Hindi siya pangkaraniwang babaylan lang!"

"Oo nga! Napansin ko na ginto ang sandata niya! Isa siyang Hinirang!"

"Bakit hindi ka tinatablan ng awit namin?"

Napangiti na lang ako...

"Hindi tatablan ang kahit na sino sa awit ng isang magindara kung-"

"Tama ka, may nagmamay-ari na sa puso ko," nakangiti kong sagot.

•••

Ako si Amir...

Anak ako ng pinuno ng mga Badjao. Nakatira kami sa dagat dahil doon nagmumula ang kinabubuhay namin. Payapa ang buhay namin hanggang sa sinugod ang tribo namin ng mga magindara.

Lahat ng lalake na nakakarinig ng awit nila ay nawawala sa sarili at kusang sumasama sa mga magindara.

Ang sabi nila, ginagamit nila ang mga lalake upang maging asawa nila o maging alipin para dumami pa ang lahi nila. Pagkatapos ay kakainin nila ang mga lalake.

Matagal din nilang pinipeste kaming mga Badjao. Hindi kami makahuli ng mga isda sa dagat dahil tinataob nila ang mga bangka at nilulunod nila ang mga katribo namin.

Lahat ay natatakot na mangisda...

Mamamatay kami sa gutom kapag nagpatuloy pa ito. Ang mga batang ay maingat na binabantayan ng mga nanay nila. Agad na tinatakpan ang tenga sa tuwing aawit ang mga aswang sa dagat.

Napupuno ng takot ang buong tribo namin. Marami na ang nabiktima. Marami na ang nawalan ng mga kuya at tatay.

Isa lang ang kahinaan sa awit ng mga magindara. Hindi tinatablan ang mga lalakeng may minamahal na kagaya ng tatay ko.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon