Sinag's POV
Nakatitig lang kaming tatlo sa manananggal na nakahandusay sa kalsada at walang malay.
"Halika dito Samira..."
Lumapit si Samira kay Pipay at may ibinulong siya. Maya-maya ay umalis si Samira.
"Saan siya pupunta, Pipay?"
"Ah! May pinapakuha lang ako!"
Wala pa ring malay ang manananggal dahil mukha yatang malakas ang pagkakahataw ni Pipay ng arnis! Buti hindi nabasag bungo nito!
"Ano ba ang mga itatanong mo diyan sa manananggal?"
"Hmmm... Mga simpleng bagay lang! Medyo naiinip na nga ako eh!"
"Wait lang! Nandito na po!" Sabi ni Samira at may dala siyang bouquet ng sampaguita.
Ha? Nagpapitas pa talaga si Pipay ng bouquet ng sampaguita? Jusko! Ano na naman kaya ang plano nito?
"Hoy Ms. Manananggal! Gumising ka na diyan at naiinip na ako!"
Wala pa ring malay ang aswang...
Bigla na lang hinampas ni Pipay ang bouquet ng sampaguita sa aswang kaya napasigaw tuloy siya sa sobrang hapdi hahahah.
"Hoy punyemas! Ano ba-"
Napahinto ang manananggal nang makita niya kami. Ayan, gising na!
"Buti na lang kinuha galing sa Madjaas ang punla ng sampaguita na ito. Legit hahahahah," sabi ni Pipay.
Tinitukan siya ni Samira ng itak sa leeg kaya siguradong hindi siya makakalipad.
Ang ganda ng itak ni Samira. Ginto rin ang hawakan na may hugis ng buwan. Napakatalas ng talim.
"M-Mga babaylan! Teka lang! Wala naman akong ginagawa na masama!"
"Hoy! Anong wala? Masama ang lumipad ng hating-gabi tapos kalahati lang ang katawan mo!" Natatawang sabi ni Pipay.
Halatang takot sa amin ang aswang...
"A-Anong kailangan niyo sa akin?"
Ngumiti lang si Pipay...
Biglang may kinuha si Pipay sa bulsa niya at may isang balot pala ng asin.
"H-Hoy! 'Wag naman!"
Biglang ibinuhos ni Pipay sa manananggal ang balot ng asin kaya umusok siya at nalalapnos ang balat!
"Oh... Mukhang hindi ka pa malakas, tumatalab pa sa'yo ang asin!" Sabi naman ni Samira.
Jusko! Ang bully ng dalawang ito!
Sigaw ng sigaw ang manananggal dahil sa sobrang sakit! Umuusok ang katawan niya dahil sa asin.
Grabe! Nagkasundo pa si Samira at Pipay sa pag-torture dito sa aswang.
"Manahimik ka nga! Ang ingay mo! Baka dumating ang mga aswang! Ay! Aswang ka nga pala! Hahahah!"
Hindi pa rin siya nakikinig...
Mukhang nasaktan talaga siya sa asin kanina kaya iyak siya ng iyak. Bigla na lang naging seryoso ang mukha ni Pipay.
"Kapag hindi tumahimik, itong bouquet ng sampaguita ang ihahampas ko sa mukha mo!"
Natahimik na ang manananggal kahit na nagpipigil siyang huwag sumigaw. Mas mahapdi kasi ang sampaguita.
"Ayan! Good girl ka lang dapat kung gusto mo na maging friends tayo," nakangiting sabi ni Samira.
Huminga na lang ako ng malalim...
"Ilan kayo dito? Subukan mo lang na magsinungaling at mapapatay talaga kita agad!" Sabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.