Chapter 12: The Truth!

637 73 51
                                    

Nakaupo lang ako sa gilid ng higaan ni Manang Veron. Hinimatay kasi siya kanina dahil si Sir Sid ang hinamon ko sa huling pagsubok.

Hindi ko pa naman siya kailangang labanan kaagad. Magsasanay muna ako sa pakikipaglaban at magpapalakas.

Naniniwala ako na may paraan para magapi ko ang diwata ng kamatayan.

Wala namang impossible. Alam ko na may kahinaan din siya at 'yun ang gagamitin ko para matalo ko siya.

Ayaw akong tignan ni Laya habang binabantayan namin si Manang.

"Laya, noong nakipaglaban ka kay Dalikamata-"

"Wag mo akong tanungin! Hmmmp!"

Ay hala! Inirapan pa ako ni Laya! Mabait itong si Laya kaya napapaisip din talaga ako bakit ayaw nilang kalabanin ko si Sir Sid.

Alam ko naman na wala silang tiwala na kaya ko. Hindi rin naman ako sigurado pero alam ko na may paraan.

Narinig ko na umungol si Manang Veron at dumilat na siya.

"Manang Veron, kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Ayos lang ako apo. Nanaginip lang ako ng masama. Si Sir Sid daw ang hinamon mo sa huling pagsasanay."

Ewan ko ba kung tatawanan ko siya hahahahah. Baka mamaya ay makurot ako nito ni Manang.

Napasampal na lang si Laya sa mukha niya na sobrang dismayado.

"Hindi ka nananaginip Manang! Hinimatay ka kanina dahil si Sir Sid ang pinili ni Kuya Sinag na kalabanin," sabi ni Laya.

Nagulat ako dahil muntik na akong kurutin ni Manang Veron sa singit! Mabuti na lang at nakaiwas ako!

"Siraulo kang bata ka! Alam mo ba kung gaano kalakas ang diwata ng kamatayan? Ha? Walang mortal ang nakakatalo sa kanya! Lahat sila ay namamatay!"

"Kung ganun... Marami na siyang pinatay na mortal?"

Huminga ng malalim Manang...

"Ang mga humaharap sa huling pagsubok ay lumalaban hanggang kamatayan! Hindi maaari na maging maluwag ang mga diwata o ibaba ang antas nila para lang pagbigyan ang isang tao!" Sabi niya.

"Kuya Sinag! Kapangyarihan ang pinag-uusapan natin dito! Kapag sumabak ka sa huling pagsubok, ibig sabihin ay handa kang mamatay para makamit ang kapangyarihan na igagawad sa iyo ng mga diwata!"

"Kung hindi mo kayang magapi ang isang diwata, paano mo lalabanan ang Lakan ng mga aswang na higit na makapangyarihan kaysa sa ating mga babaylan?"

"Kung ako sa'yo kuya, umatras ka na lang sa huling pagsubok para mabubay ka!" Inis na sabi ni Laya.

"Hindi patas ang laban para sa huling pagsubok. Mamamatay ang babaylan kapag natalo. Mabubuhay naman ang diwata kahit na sila ay magapi," seryoso kong sabi.

"Dahil hindi namamatay ang mga diwata! Maaari lang silang mapaslang kapag may nilabag silang batas!"

Kagaya ni Libulan na sumali sa digmaan ng mga mortal upang iligtas ang mga babaylan na sumasamba sa kanya.

"Kung ganun... Wala bang nilabag si Bakunawa na batas ng mga diwata? Ang daming namatay dahil sa kanya! Bakit buhay pa siya?" Tanong ko.

"Dahil nagbigay lang siya ng kapangyarihan sa mga sumamba sa kanya! Ang pagpaslang ng mga aswang sa mga tao ay sarili nilang desisyon!"

"Kaya si Sidapa ang lumalaban kay Bakunawa sa tuwing nais niyang kainin ang buwan! Sa tuwing nagagapi ni Sidapa si Bakunawa ay nagpapahinga ito ng mahabang panahon para pagalingin ang mga sugat niya!"

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon