Sinag's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala. Masayang-masaya talaga ako dahil lumakas ang kapangyarihan namin ni Samira na bestfriend ko.
Ako na ang bagong amo ng Ibong Adarna at hindi ko inakala na totoo pala ang nilalang na iyon. Isa nang Hinirang si Samira at nadagdagan na ang pwersa naming mga babaylan.
Ang pinakamagandang nangyari sa akin, makakalaya na si Kuya Rain.
Sobrang excited na akong makita si Kuya Rain. Naluluha nga ang mga mata ko ngayon.
"Oh Sinag! Bakit malungkot ka?" Nag-aalalang tanong ni Lucas.
"Oo nga! Bakit naiiyak ka?" Tanong naman ni Lucio.
"Hindi ako malungkot! Masaya ako dahil makakalaya na ang kuya ko! Ang tagal kong hinintay ito. Makakabawi na rin ako sa kanya."
"Ano ba ang napag-usapan niyo ng diwata? Kailan ba raw palalayain ni Maria Makiling ang kuya mo?" Tanong ni Samira.
"Ang sabi sa akin ni Maria Makiling, sa susunod na kabilugan ng buwan. Next week na 'yun. Excited na talaga ako. Ihahatid niya raw si Kuya Rain sa templo mismo."
"Mabait ba ang kuya mo, Sinag?" Tanong ni Lucas.
"Makakasundo ba namin siya?" Tanong naman ni Lucio.
"Hmmmm... Medyo ano kasi hahaah."
Alanganin tuloy ang tingin nila sa akin ahhahah. Ayoko naman na magsinungaling sa kanila.
"Medyo mainitin kasi ang ulo ni kuya. Brutally honest tapos over protective siya sa akin. Huwag kayo mag-alala dahil kaibigan ko kayo. Sure naman ako na hindi kayo susungitan ni kuya ahhahaha."
Yeah... Medyo allergic kasi sa ibang tao ang kuya ko hahahah. Ewan, sure ako na kapag inaway ako ni Sir Sid, sasabog silang dalawa ni Kuya Rain ahhahah.
Nakarating na kami sa Templo ni Lihangin pero bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid.
Napaatras ako...
Kakaiba ang paligid ngayon. Bigla na lang naging kulay pula ang langit.
Napatingin ako sa mga halaman at unti-unting namamatay pati ang mga puno. Bakit ganito? Parang nawawala ang buhay sa paligid ko!
"S-Samira! Lucas! Lucio!"
Lumingon na lang ako pero nawawala ang mga kaibigan ko.
Ako lang mag-isa ang nandito at napansin ko na nasa ibang lugar pala ako. Hindi ito ang Templo ni Lihangin! Paano ako napunta dito?
Binunot ko na lang ang makapangyarihang buntot pagi. Ramdam ko na may panganib!
"Nasaan ako! Sino ang may gawa nito? Magpakita ka sa akin!"
Nabigla ako dahil naramdaman ko na may sumugod sa likuran ko. Agad akong nakatalon ng mataas palayo.
Napansin ko na may tumusok sa lupa na malaking kalawit na gawa sa ginto. Kung hindi ako nakaiwas ay muntik na mahati sa gitna ang katawan ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat dahil si Sir Sid pala.
Kaya pala... Nawawala ang buhay sa paligid dahil nandito ang Diwata ng Kamatayan. Humigpit ang hawak ko sa latigo.
"Anong ginagawa mo? Saan mo ako dinala? Balak mo bang patayin ako?" Matapang kong tanong.
"Hindi ba ito ang nais mo, Sinag? Gusto mong madaig ako upang magkaroon ka ng kapangyarihan!"
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.