Sinag's POV
Naglalakad na kaming dalawa ni Samira papunta sa tuktok ng Makiling dahil nandoon pa raw ang tribo niya.
"Samira, nakakahingal naman maglakad dito ha. Bakit ba kasi trip ng tribo niyo sa tuktok ng bundok?" Tanong ko na lang.
"Strategy namin 'yun para kapag may parating na kalaban, alam kaagad namin."
Good point...
Grabe, masukal na ang gubat. Parang wala na yatang nakatira sa part na ito. Mabuti na lang at lumakas ang katawan ko sa training kahit paano. Hindi pa ako masyadong pagod.
"Miss mo na ang family mo ano? Sure ako na excited ka na makita sila ulit."
"Aba oo naman! Kung hindi lang talaga nagpakita sa akin si Maria Makiling, hindi ako babalik agad dito dahil busy tayo."
"Ang balita ko, tribo raw ng mga babaylan ang nakatira sa tuktok ng Makiling. Totoo ba 'yun?" Tanong ko.
Napangiti si Samira...
"Oo, kami ang mga babaylan na sumasamba kay Maria Makiling. Protektado kami ng mahal na diwata."
"Ay sus! Kaya naman pala expert ka sa weather dahil puro babaylan din ang family mo. Bakit ka nga pala napunta sa templo?"
"Ahhh... Pinadalhan ako ng invitation ni Manang Veron. Si Laya kasi ang nanghuhula ng mga pangalan na karapat-dapat sa pagsasanay ng mga babaylan at isa ako sa napili."
Ay? So, hindi pala ako nakita ni Laya kasi wala akong invitation. Oks lang! Si Manang Veron naman mismo ang nagdala sa akin sa templo.
"Sabihin mo nga, Samira. Ano ba talaga ang nakita mo sa panaginip at nataranta ka na umuwi?"
Napahinto siya sa paglalakad...
Huminga na lang siya ng malalim...
"Nakita ko ang tribo namin na pinaparusahan ni Maria Makiling dahil may nagawa silang kasalanan."
Nabigla tuloy ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman basta na lang nagagalit ang mga diwata. Si Sir Sid nga, ilang beses ko na inasar.
"Ang sabi sa akin ni Maria Makiling, iligtas ko raw siya kung gusto ko na iligtas ang tribo ko sa parusa niya."
Napakunot na lang ang noo ko...
"Wait, hindi ko masyadong gets. Sure ka ba na 'yun talaga ang sinabi ng diwata sa panaginip mo?"
Tumango si Samira...
"Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan ng isang diwata ang tulong ko. Tapat ang tribo namin na naglilingkod kay Maria Makiling kaya hindi ko maintindihan."
Mukhang kailangan talaga namin na puntahan ang tribo ni Samira.
Malaking problema nga ito lalo na at pamilya niya ang nakalagay sa alanganin. Actually, excited na rin ako makita si Maria Makiling! Sure ako na napakaganda niya!
Noong nakita ko kasi si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, sobrang ganda. Sure ako na maganda rin si Maria Makiling.
"Ayyy... Ano nga pala ang hitsura ni Maria Makiling?" Tanong ko na lang.
"Ay beh! Sobrang ganda talaga!Mahaba ang buhok niya na kulay itim at sumasayad sa lupa."
Ay kabog naman! Mukha palang model ng conditioner ang atake ni Maria Makiling.
"Siya ang diwata ng kabundukan na ito. May kakayahan siya na utusan ang mga hayop, kontrolin ang mga halaman at utusan ang kalikasan."
Ay wow! Ang powerful pala niya! Kaya naman pala expert sa weather itong si Samira.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.