Chapter 23: Monster Kid

582 77 16
                                    

Veronica's POV

Walanghiya! Dinala kami ng buhawi sa malayong lugar! Matatagalan bago kami makabalik ulit sa digmaan.

Hindi ko inakala na malakas pala ang babaylan na kinalaban ko. Hindi siya isang Hinirang pero mayroon siyang banal na sandata.

Sino ba siya?

Narinig ko ang ngalan niya. Sinag ang tawag sa kanya ng mga kakampi niya.

Makapangyarihan siya, wala siyang takot na lumabag sa batas ng mga babaylan at gumawa ng itim na salamangka para talunin ako.

Matapang na babaylan. Sa totoo lang, humahanga ako sa kanya. Iba siya sa mga babaylan na lumuhod sa akin at nagmakaawa para sa buhay nila. Nakita ko sa mga mata niya ang katotohanan.

Hindi lang galit ang dahilan kaya gumawa siya ng itim na mahika. Gusto niya lang iligtas ang mga kasama niya.

Pero kahit na ginawa niya ang lahat, kagaya pa rin siya ng ibang mga babaylan na imposibleng manalo sa akin.

Siya lang ang tumagal at nakaligtas...

Isa siyang babaylan na malapit na ang kapangyarihan sa pagiging Hinirang. Magandang pagkakataon ito para ipagmalaki ako nila ama.

"Huwag kang mag-alala Sinag, babalik ako kaagad para kainin ka!"

"Mahal na prinsesa! Masyadong malayo ang lugar na ito sa digmaan!

"Bwisit na babaylan! Pinahigop tayo sa ginawa niyang buhawi!"

Marami kami rito na itinaboy palayo pero may mga natira naman na aswang sa digmaan.

"Ano pang hinihintay niyo?"

Nagmadali silang bumalik papunta sa direksyon ng digmaan. Takot sa akin ang mga kapwa ko aswang dahil mula ako sa dugo ng mga datu na mas makapangyarihan.

Si ama ang kumakalaban sa babaeng Hinirang. Mukha namang mahina ang babae. Dapat ako na lang ang hinayaan na labanan ang Hinirang.

Naalala ko noon, kinalaban ako ni Leona pero dumating ang bwisit na araw kaya hindi ko kayang mag-anyong aswang at tumakas na lamang ako.

"Balang araw, makakapatay din ako ng isang Hinirang."

"Not unless, ako ang unang makakapatay sa'yo."

Napatalon ako ng mataas palayo dahil nakarinig ako na batang bumulong sa tenga ko. Kinilabutan ako bigla!

Nakangiti lang siya sa akin...

Napahinto ang mga kapwa ko aswang sa paglalakbay at napatingin silang lahat sa bata.

"Anong ginagawa mo dito bata?"

"Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo?"

"Mukhang mayroon na tayong meryenda, mahal na prinsesa!"

Tinitigan ko na lang ang bata. Kakaiba ang nararamdman ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig ako sa kanya. Bakit?

"T-Teka! Tumigil kayo! Huwag niyong gagalawin ang batang 'yan!" Utos ko.

Ngumiti siya...

Bakit siya nakangiti? Hindi ko makita na natatakot siya sa amin! Hindi siya normal na bata! Wala siyang takot! Ramdam ko na delikado ang isang 'to!

"Kamusta mga ate at kuyang aswangit! Ako nga pala si Laya!" Masaya niyang bati sa amin.

Mukhang napansin na rin ng mga kasama ko. Isang babaylan ang batang ito. Kita ko sa suot niya na babaylan siya pero hindi siya pangkaraniwan lang.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon