Sinag's POV
"Oras na para simulan ang pagsasanay! Kilala ito sa tawag na Seven Wonders! Kailangan niyong magpakita ng pitong kababalaghan!"
"Sisimulan na natin ang una sa pitong kapangyarihan na ipapamalas ninyo!"
Kinabahan na 'yung iba. Sila Samira naman, sobrang excited. Ako, ewan. Parang challenge na lang sa akin. Determinado ako na umabot hanggang dulo.
Alam ko na mahirap ang mararanasan ko pero ito lang ang choice ko. Wala ng iba.
"Ang una sa pitong pagsasanay ay ang pinaka-essential sa lahat ng babaylan. Maraming buhay ang maililigtas nito," sabi ni Manang Veron.
"First Stage: Healing!"
Mukhang natuwa ang marami sa amin kasi parang alam na alam na nila ang gagawin sa stage na 'to.
"Mahahati sa dalawang pagsubok ang yugto na ito. First stage ay gagawa kayo ng lunas mula sa halamang gamot at ang pangalawa ay ang pagpapamalas ng kapangyarihan niyo sa panggagamot."
"Para sa unang yugto ng panggagamot, kailangan niyong bumuo ng isang grupo na may apat na miyembro."
Kami pa lang ni Samira ang magkakilala dito eh. Maya-maya ay may lumapit sa amin na dalawang babae.
"Hello guys! Ako si Maria at ito naman ang kaibigan ko na si Alicia."
"Mukhang tayo nang apat ang magkagrupo ah," sabi ni Samira.
Pinapagawa nila kami ng gamot para sa na-assign sa amin na sakit. Ang nabunot kanina ni Maria ay eczema.
Binigyan naman kami ng libro kagabi ng mga halamang gamot at mukhang binasa naman nila lahat.
"So, ano ang halamang gamot para sa eczema? Alam niyo ba guys?" Alanganin na tanong ni Maria.
"Huy! Loka ka! Di'ba binasa naman natin 'yung libro kagabi?" Naasar na tanong ni Alicia.
"Oo hehe kaso alam mo naman na may kapangyarihan ako sa panggagamot kaya wala akong interest mag-aral ng mga halaman."
"Hmmm... Acapulco ang nabasa ko sa libro na pwedeng gamitin sa eczema," sabi ko na lang.
Nagsimula na kaming maghanap ng Acapulco. Mabuti na lang at punong-puno ng mga halaman ang Templo ni Lihangin.
Gumawa na lang kami ng ointment at sabon na gawa sa acapulco at pagkatapos ay dinala na namin kila Manang Veron at Laya.
"Hmmm... Maayos naman ang nagawa niyong lunas," sabi ni Manang Veron.
"Ok naman siya. 'Di ko lang bet 'yung amoy ahhahah. Next time lagyan niyo ng fragrance oil para mabango kapag ginamit ng pasyente," sabi ni Laya.
Pasado naman kami sa first part. Maayos din naman ang kagrupo ko. 'Yung second part daw ng first challenge ay pagpapagaling ng sugat.
Nabigla ako dahil isa-isa nila kaming binigyan ng kutsilyo!
"Mahalaga pa rin na malaman niyo ang iba't-ibang uri ng mga halamang gamot para magamit niyo sa oras ng kagipitan."
"Gamitin niyo ang kutsilyo para sugatan ang kagrupo niyo at pagkatapos ay ipakita niyo sa amin ang kapangyarihan niyo sa panggagamot."
"Mahalaga ang kapangyarihan na 'yan lalo na kapag nakipaglaban kayo sa mga aswang! Dapat ay may taglay kayong kapangyarihan sa paghihilom ng mga sugat!"
Nagulat kami ni Samira at bigla na lang sinugatan ni Maria si Alicia sa mukha. Jusko! Aatakihin yata ako sa puso hahahah.
"Hoy shuta ka Maria!" Sabi ni Alicia.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.