Nasa biyahe lang kami ni Samira at hindi ako nagsasalita. Hanggang ngayon kasi, inis na inis pa rin ako! Nakakaasar talaga si kamatayan!
"Hoy Sinag! Aba naman! Kanina pa nakabusangot ang mukha mo!"
Napatingin na lang ako kay Samira...
Halata ba talagang bad trip ako? Paano ba naman kasi, umasa ako na kahit paano eh may pakealam sa akin si Sir Sid tapos wala naman pala!
"Umamin ka sa akin, Sinag! Alam ko na si boss ang dahilan kaya bad trip ka naku! Humanda ka pag-uwi natin at hindi ka nagpaalam na aalis."
"Bakit naman? Di'ba, si Maria Makiling na mismo ang tumawag sa'yo at kailangan mo naman ng tulong ko."
Bigla akong inirapan ni Samira! Aba!
"Tigilan mo ako, Sinag! Sige na, ichika mo na kasi sa akin 'yan! Anong dahilan at bad trip ka kay boss?"
Sabagay, mukha namang pwedeng mag-open dito kay Samira dahil close kaming dalawa. Siya rin ang tropa ko simula pa ng nagsasanay kami.
"Di'ba, niligtas niya ako?"
"Yeah! Oh edi dapat thankful ka kasi niligtas ka ng diwata! Ano ba? Kinikilig nga ako sa inyo eh!"
Parang gusto ko rin irapan si Samira...
Huminga na lang ako ng malalim. Baka kasi lalo akong asarin ng babaeng ito kapag nagsabi ako ng totoo.
"Nag-usap kami bago tayo umalis. Tinanong ko kung anong dahilan niya para iligtas ako."
"Oh tapos?"
"Ang sabi ni Sidapa, niligtas niya lang ako dahil hinamon ko siya sa huling pagsasanay bilang Hinirang."
Tinitigan lang ako ni Samira at maya-maya ay ngumiti na siya ng nakakaloko.
"Ano ang ngiti na 'yan? Mukhang may iniisip ka na naman na malisyosa ka!" Sabi ko sabay tawa.
"Bakit? Wala ba? Hahahahah naku! Kilala kita, Sinag! Magsasalita ka ba or ako na ang magtatanong?"
Sabi ko na eh, gets niya kaagad. Close kami ni Samira kaya alam niya na kaagad ang dahilan ko.
"Na-hurt ka sa sinabi ni boss dahil umasa ka na kahit papaano, may care siya sa'yo?"
Tumango na lang ako...
"Sabagay... Ang sweet na sana eh! Diwata ng kamatayan, iniligtas ang buhay mo. Hopia ka tuloy anes?"
Parang gusto kong kutusan itong si Samira. Ang lakas mang-asar!
"Umamin ka sa akin, Sinag! Crush mo si Sir Sid ano??? Huwag ka na magbalak na magsinungaling!"
"Oo na! Ewan, naiirita ako minsan sa kanya pero gusto ko na iniinis siya."
"Sussss! Delikado 'yan! Alam mo naman na loyal 'yun kay Libulan."
"Oo na... Crush lang naman! Nainis lang ako kasi akala ko kahit kaunti, may pakealam siya sa akin. Di'ba nga nagalit siya noong hindi ako nagpaalam sa kanya sa mission."
"Ayan... Kaya hindi ka nagpaalam ngayon para inisin siya?"
"Oo! Hindi rin ako nagpaalam para maasar siya dahil papunta tayo kay Maria Makiling. Alam ko na seloso si Sir Sid eh! Siguradong magagalit 'yun kapag nalaman niya na pupunta ako kay Maria Makiling na hindi nagpaalam sa kanya hahahahah."
"Lagot ka talaga pag-uwi natin!"
"Aba lagot ka rin! Hindi ka rin naman nagpaalam sa kanya!" Sabi ko.
"Paano naman ako magpapaalam? Hinatak mo ako bigla! Tsaka, ikaw talaga ang malalagot hahahah."
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.