Chapter 26: Next Mission

638 65 14
                                    

Samira's POV

"Samira..."

Tumingin ako sa paligid at puno ng magagandang bulaklak ang kabundukan. T-Teka! Alam ko ang lugar na ito!

Ito ang bundok kung saan nakatira ang tribo namin! Bakit ako nandito?

"Samira..."

M-May tumatawag ba sa pangalan ko?

Pinakinggan kong mabuti ang paligid at kuliglig lamang ang naririnig ko. Baka naman guni-guni ko lang.

Napakaganda talaga dito sa bundok kung saan kami nakatira. Marami ang mga bulaklak at mga halaman sa paligid. Kahit na sa bundok kami nakatira, ligtas kami dito.

"Tulong! Tulungan mo ako!"

Napahinto ako dahil sigurado na ako sa boses na narinig ko. Boses ng isang babae ang humihingi ng tulong!

"Sino ka? Nasaan ka? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at tutulungan kita!"

Walang nagsalita...

Umihip lang ng malakas ang hangin at hagulgol lang ang naririnig ko.

Ramdam ko, nasasaktan siya.

Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganito? Sino ang humihingi ng tulong sa akin?

"Samira, tulungan mo ako..."

Nabigla ako dahil narinig ko na malapit sa akin ang boses ng babae. Lumingon na lang ako at may nakita ako na napakagandang babae!

Mahaba ang buhok niya na tuwid, makintab at kulay itim! Halos sumayad na ito sa lupa.

Sobrang ganda niya...

Hinawakan niya ang mga kamay ko at umiiyak siya. Alam ko na hindi siya tao. Kakaiba ang pakiramdan ko.

"Pakiusap, tulungan mo ako..."

"S-Sino ka? Kilala ba kita?"

"Alam mo kung sino ako..."

Bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Napatingin ako sa paligid at unti-unting nalalanta ang mga bulaklak at halaman dito sa kabundukan.

T-Teka! Anong nangyayari?

Yumayanig ang lupa at para bang may paparating na bagyo!

Napalingon na lang ulit ako at nagtatakbuhan ang mga tao!

Kilala ko sila! Mga katribo ko sila!

Takot na takot silang nagtatakbuhan! Bigla na lang lumabas mula sa lupa ang malalaking ugat ng puno at isa-isang pinapatay ang mga tao!

Teka! Bakit ganito? Walang aswang ang may ganitong kapangyarihan!

Napatingin ako sa babae na mahaba ang buhok at siya ang nagpapagalaw sa mga ugat ng puno!

"Anong ginagawa mo? Itigil mo 'yan! 'Wag mo silang saktan!"

Kita ko sa mga mata ng magandang babae ang galit. Tumutulo ang mga luha niya habang isa-isa niyang pinapatay ang mga tao!

Hindi niya gusto ang ginagawa niya...

Hindi niya gustong manakit ng mga tao at ramdam ko na nasasaktan siya sa ginagawa niya.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon