Rain's POV
Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla na lang akong hinalikan ng lalakeng maputla at kulay pula ang mga mata. Hindi tuloy ako nakapag-react kaagad dahil sa sobrang gulat!
Tinulak ko na lang siya at agad kong sinuntok ang pagmumukha niya!
"Tangina mo! Manyak!"
Pinunasan ko na lang ang mga labi ko. Kadiri amputa! Ano ba 'yan!
Napatingin ako sa paligid at gulat na gulat lahat ng mga babaylan dito sa templo. Pati si Sinag ay napatakip din sa mukha niya.
Lahat sila ay nakatitig sa akin...
Tumayo na ang lalakeng sinuntok ko at mukha namang ayos lang siya. Ramdam ko na isa siyang diwata.
Kahit na!
Napakamanyak! Sino ba siya para bigla na lang akong halikan?
Susuntukin ko na sana siya ulit pero bigla na lang akong pinigilan ni Sinag.
"K-Kuya! Tama na!"
"Sino ba 'to? Manyakis to ah!"
Napatitig na lang sa akin ang lalake. Actually, sobrang creepy niya! Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan habang nakatitig siya sa akin.
"Patawarin mo ako dahil biglaan kitang hinalikan. Patawarin mo sana ang kalapastanganan ko, Libulan."
Napakunot na lang ang noo ko...
"Ha? Ano bang pinagsasabi mong manyak ka? Rain ang pangalan ko!"
"Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw si Libulan."
Aba ang kulit ng isang 'to!
"Naalog ba ang utak mo? Baka kulang pa 'yung suntok ko? Gusto mo bang puruhan kita? Manyak!"
Susuntukin ko na sana siya ulit pero pinigilan na naman ako ni Sinag. Grabe! Hindi ko alam na malakas na pala ang kapatid ko. Napipigilan na niya ako.
"Kuya! Tama na! Ako na lang ang magpapaliwanag!"
Seryoso ang pagkakasabi ni Sinag. Napatitig na lang ako sa kanya at parang nasaktan siya bigla. Kita ko sa mga mata niya.
"Doon muna tayo sa kwarto ko, kuya."
Hinatak na ako ni Sinag...
"Sandali lang!" Sabi ng manyak.
Pinakyuhan ko na lang siya at parang gulat na gulat lahat ng mga tao dahil sa ginawa ko. Aba! Siraulo 'yun!
Sino ba naman ang matutuwa na bigla ka na lang hahalikan? Tangina!
Dinala ako ni Sinag sa kwarto niya at malaki naman ito. Mukhang kasya naman kami sa higaan. Mukhang maayos naman ang buhay niya rito.
"Pinapakain ka ba nila ng maayos? Kamusta ka na dito? May nanggugulo ba sa'yo? Uupakan ko talaga!"
"Kuya naman! Laging mainit ang dugo mo sa ibang tao. Ayos lang ako dito. Marami lang akong dapat na ipaliwanag sa'yo."
Parang seryoso si Sinag ngayon. Hindi ko siya maintindihan.
"Sino ba 'yung animal na 'yun? Bigla na lang akong hinalikan! Aba! Kulang pa nga 'yung suntok ko. Uupakan ko talaga 'yun kapag inulit pa niya!"
Natawa na lang si Sinag...
"Ikaw talaga kuya! Please lang, 'wag ka masyadong magalit sa kanya."
Nagsimula na si Sinag na ikwento ang lahat sa akin pati na ang mga maliit na detalye. Marami na pala akong hindi nalalaman dahil ang tagal ko sa kulungan.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.