Rain's POV
Malungkot ako nitong mga nakakaraang araw. Ibang-iba na si Sinag. Hindi ko inakala na ang kapatid ko na mahina ang loob at duwag ay tumapang na lang bigla.
Buong buhay ko, lagi siyang nakadepende sa akin. Ako palagi ang nasa tabi niya kapag mahina ang loob niya pero ngayon, iba na.
Kailangan pa ba ako ni Sinag?
Kita ko sa mga mata niya na desidido siya na maging babaylan din kagaya ng Lola Selya namin.
Alam ko na espesyal si Sinag. Bata pa lang kami, matalino na talaga siya. Madali siyang matuto sa mga tinuturo ni lola.
Ang pagkakaiba lang namin, hindi siya marunong lumaban.
Sa aming dalawa, ako ang mas malakas kaya gusto ko na palagi ko siyang pinoprotektahan. 'Yun naman kasi ang bilin ni lola sa amin.
Hanggang sa huli, ginawa ko ang pangako ko sa kanya kaya ako nakulong. Ang sakit, wala na akong magawa ngayon para sa kapatid ko.
Nandito lang ako; nakakulong...
Nag-aalala ako kay Sinag. Ang sabi niya sa akin, babalik lang siya dito kapag babaylan na siya. Paano kung hindi 'yun mangyari?
Makikita ko pa ba siya ulit?
Sumobra naman yata ang tapang niya ngayon? Hindi na siya nakikinig sa akin na kuya niya. Siya lang naman ang inaalala ko.
Natatakot ako... Sobrang takot ako na baka mawala na rin sa akin ang kapatid ko. Siya na lang ang mayroon ako ngayon.
Paano kapag nawala si Sinag?
Paano na lang ako?
"Dela Cruz! May bisita ka!"
Napakunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi ng pulis. Bisita? Impossible naman na maging babaylan kaagad si Sinag ng ilang linggo pa lang.
Pinalabas na lang nila ako ng selda at may matandang babae ang naghihintay sa akin. Asul ang kulay ng damit niya na may makukulay na beads.
May marka siya ng buwan sa pulso kagaya ni Lola Selya. Isa siya sa mga Hinirang.
Mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako.
"Apo... Kamukhang-kamukha mo pala ang kapatid mo."
Yeah, magkamukha naman talaga kami ni Sinag dahil magkapatid kami. Mas matured lang ako sa kanya ng kaunti kasi mas matanda naman ako.
Ngumiti siya sa akin...
"Sino ka?"
"Ako si Manang Veron. Kaibigan ako ng Lola Selya mo at-"
"At ikaw ang tunutulong sa kapatid ko. Alam ko, sinabi na niya sa akin."
Napakamot na lang siya sa ulo...
"Hmmm... Medyo masungit ka pala hijo; hindi kagaya ng kapatid mo."
Hindi na ako sumagot...
Oo, isa rin sa mga napupuna sa akin ni Lola Selya na medyo masungit daw ako lalo na sa hindi ko naman kilala.
Si Sinag naman, lahat yata ng makilala niya eh gusto niya maging kaibigan kaya siya naabuso!
Siya ang tunutulong kay Sinag. Niligtas niya ang kapatid ko pero siya rin ang dahilan kaya nasa bingit ng kamatayan ngayon si Sinag.
"Sinabi sa akin ni Sinag ang lahat. Alam ko na ngayon na si Romana ang ina niyong dalawa."
Nagkuyom na ako ng palad...
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasyThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.